MAGDYOWA TIMBOG SA P1-M SHABU

LUCENA CITY – Timbog ang isang babae at ang live-in partner nito matapos makumpiska sa mga ito ang tinatayang P1 milyong halaga ng illegal drugs  sa buy-bust operation sa lungsod na ito, noong Huwebes.

Kinilala ng Lucena Police ang mga arestado na sina Leira Silverio, 42-anyos, at si Ericacio Sebuc, 47-anyos, kapwa nakatala bilang high value individuals (HVIs) sa drug watchlist ng  Quezon Provincial Police  Office.

Napag-alamaan na si Sebuc ay dati nang may kaso ng pagtutulak ng ilegal na droga.

Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Lucena Police kasama ng mga operatiba ng PIU/QPDEU, PDEA Quezon, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon at RIU Quezon, sa bahay ng mga suspek sa Barangay Ibabang Iyam dakong alas-5:00 ng hapon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at may DDB value na tinatayang P345,000 at estimated street value na  P1,020,000.

Nakakulong na ang dalawa sa Lucena City Police Station locked-up cell at sinampahan ng kaukulang ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

29

Related posts

Leave a Comment