Naipit sa sigalot ng Kapitolyo at BARMM 200 EMPLEYADO ‘DI SUMUSWELDO

(ANGEL F. JOSE) MAHIGIT 200 empleyado sa newly-create province ng Maguindanao del Norte (MDN) ang hindi sumasahod sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng liderato ng bagong probinsya at ng regional government ng Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Dahil sa suliraning ito ay hindi makuha ng MDN provincial government ang pondong P1.8 billion na inilaan ng national government para sa operational and maintenance expenses para sa kasalukuyang taon. Ayon kay acting MDN provincial administrator Atty. Mohajiroe M. Lauban, hindi mailabas ng probinsya ang pondo upang panustos sa operasyon…

Read More

FORWARD NEGOSYO NI CONG. NOGRALES MULING UMARANGKADA

BILANG katuparan sa pangakong binitawan sa mga residente sa kanayunan, muling umarangkada ang programang Forward Negosyo ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa pagpapatuloy ng programa ni Nograles, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), makakatanggap ng P10,000 ang nakatalang ikalawang bugso ng mga benepisyaryo bilang suporta sa pangarap na negosyo. “Hindi po ito ayuda,” paglilinaw ni Nograles. Aniya, ang nasabing halaga ay may kalakip na panuntunan – puhunan para sa maliit na kabuhayan ng mga maralitang mamamayan na apektado ng nakaraang pandemya sa bayang nasasakupan. “Suporta po ito…

Read More

DEGAMO SLAY CASE: 10 PATAY

UMAKYAT na sa sampu ang bilang ng mga namatay sa malagim na Governor Roel Degamo slay case matapos na mapaslang ng pinagsanib na pwersa ng PNP Special Action Force, Philippine Army at PNP Region 7, ang isa sa mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 7 spokesperson Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, nasa siyam ang bilang ng mga namatay sa nangyaring pamamaril sa mismong tahanan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa bayan ng Pamplona, na siyang pakay ng assassination squad na…

Read More

MGA AWTORIDAD PINAKIKILOS LABAN SA MGA KARAHASAN SA BANSA

NASA 13 senador ang lumagda sa resolusyon na kumokondena sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, bukod sa kanya, lumagda sa resolusyon sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Rufino “Raffy” Tulfo, Juan Edgardo “Sonny” Angara, Ronald “Bato” Dela Rosa, Ramon “Bong” Revilla, Jr. Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Jinggoy Ejercito Estrada. “Injustice and violence do not have a place in any civilized society and no…

Read More

PAG-EXTORT AT PAGNANAKAW SA MGA TURISTA NAKAKAHIYA – ROMUALDEZ

“NAKAKAHIYA”!!! Ito ang naiinis na reaksyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pinakabagong nakawan at panghuhuthot ng ilang personnel ng Office of Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Ipatatawag ngayong Lunes ni Speaker Romualdez ang mga opisyal ng DOTr para hilingin ang pag-reshuffle ng mga opisyal at tauhan ng OTS. “Papaano pa tayo manghihikayat ng mga turista sa ating bansa kung mga magnanakaw o extortionist ang ilang mga nagbabantay sa ating airport,” galit na pahayag ng pinuno ng Kamara de…

Read More

Romualdez sa PNP kaugnay sa serye ng krimen RESULTA ‘DI PURO PANGAKO LANG

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang direktang hamon sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) ang lantaran at walang takot na pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo nitong Sabado ng umaga, sa loob mismo ng kanyang bakuran, at sa harapan pa ng maraming tao. Ayon kay Speaker Romualdez, dapat nang matigil ang sunud-sunod na high profile crimes sa bansa upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. Nauna rito, dakong alas-9:00 ng umaga ay sinugod ng anim na armadong lalaki ang tahanan ng gobernador at…

Read More

PPA-CRMS NAKAKUHA NG MATAAS NA GRADO SA ARTA

PAGKATAPOS ng maingat na pagsasaalang-alang at serye ng mga pagsusuri, ang Philippine Ports Authority (PPA) Administrative Order (AO) No. 04-2021 o ang “Policy on the Registration and Monitoring of Containers”  at ang Implementing Operating Guidelines nito ay nakakuha ng greenlight mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA). Naisumite ng PPA sa ARTA ang regulatory impact statement ng Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS) noong Pebrero 2, 2023 at pagkatapos ng isang buwan, binigyan ito ng ARTA ng rating na 36- “Good Practice RIS “. Nangangahulugan ito na kinilala ng…

Read More

Maynilad, pinapayuhan ang customers na mag-imbak ng tubig para sa March 5 – 6 service interruptions

Nagbibigay paalala ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga customer na pansamantalang mawawalan ng serbisyo patubig nitong Marso 5 hanggang Marso 7, 2023 para sa isasagawang pagkukumpuni ng tumatagas na primary line sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas St. sa lungsod ng Makati (malapit sa boundary ng Maynila). Ang pagkukumpuni ng 2,200mm-diameter primary line, na nakalatag sa lalim na 7 metro, ay magdudulot ng 20 hanggang 57 oras na pagkaantala ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Maynila, Makati, Pasay,…

Read More

Gatchalian nanawagan para sa mas pinaigting na kamalayan sa pag-iwas sa sunog

Nanawagan si Senador Win Gatchalian ng mas pinaigting na fire prevention awareness campaign para maiwasan ang mga insidente ng sunog sa gitna ng pagdiriwang ng bansa ng Fire Prevention Month ngayong Marso. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa kanyang pamamahagi ng relief goods at personal na pagbisita sa mahigit isang libong pamilya sa Piapi, Davao City noong Biyernes na pawang mga biktima ng sunog. Nangyari ang sunog noong Pebrero 25 at sinasabing nagmula kung hindi sa mga batang nagsusunog ng copper wires ay mula sa naiwang bukas na butane stove…

Read More