Umarangkada sa Kamara MARCOS JR. BIBIGYAN NG EMERGENCY POWER

UMARANGKADA na ang panukalang batas na bigyan ng emergency power ang Pangulo ng Pilipinas para tugunan ang traffic crisis sa Metro Manila. Matapos ang mahigit isang taong pagkabinbin, sinimulan nang isalang sa pagdinig ng House committee on Metro Manila development ang House Bill (HB) 4363 o The Traffic Crisis Act of Metro Manila 2022, magbibigay ng emergency power sa Pangulo, na inakda ni Parañaque Rep. Gus Tambunting. “Drastic solutions are needed if we are to fight this crisis and immediate measures are needed to be undertaken,” ani Tambunting dahil habang…

Read More

PAGKAMATAY NI ZULUETA IPASISILIP SA FORENSIC EXPERT

NAGPASAKLOLO na ang Department of Justice (DOJ) sa kilalang forensic pathologist para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng co-accused sa Lapid slay case na si dating BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta. Nabatid, nagkaroon ng pagdududa sa panig ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla kaya inatasan nito ang National Bureau of Investigation na humingi ng tulong kay Dr. Raquel Fortun na isang forensic expert. Ipinag-utos din ng kalihim na gawin ang lahat ng posibleng paraan, ibunyag ang katotohanan at huwag hayaan ang sinoman na pigilan sila sa pagpursige…

Read More

REVOCATION NG PRANGKISA NG SMNI ‘DI AAPURAHIN SA SENADO

NANGAKO si Senate committee on public services chairperson Grace Poe na pag-aaralang mabuti at susuriin ang panukala para sa revocation ng prangkisa ng Swara Sug Media Corp. na nag-ooperate Sonshine Media Network International (SMNI). Ginawa ni Poe ang pahayag makaraang aprubahan ng Kamara ang House Bill 9719 na nagsusulong ng revocation ng prangkisa ng kumpanya dahil sa umano’y pagkakalat ng maling impormasyon, paglilipat ng ownership nang walang congressional approval at iba pang alegasyon. Alinsunod sa konstitusyon, ang mga panukala na may kinalaman sa prangkisa, pagbubuwis at public debt ay kinakailangang…

Read More

PINASPASANG ECO CHA-CHA NG KAMARA LABAG SA KONSTITUSYON

(BERNARD TAGUINOD) PARA kay ACT party-list Rep. France Castro, labag sa Konstitusyon ang proseso ng minadaling economic Charter change ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Unconstitutional ang ginagawa ng Kongreso ngayon na proseso na pag-aamyenda ng Konstitusyon. Walang fourth mode ang pagbabago ng Konstitusyon. Maaari lamang itong gawin sa pamamagitan ng Constitutional Assembly, Constitutional Convention at People’s Initiative. Wala nang iba,” aniya. Ayon sa mambabatas, kung buhay lang ang mga bayani tulad ni Gen. Antonio Luna ay muli itong sisigaw ng “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!” habang ang…

Read More

FORWARD NEGOSYO NI NOGRALES KASAMA SA TUMAL AT BIYAYA

INIHAYAG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles na malaki o maliit man ang ating negosyo, ramdam na ramdam natin ang tumal ngunit tuloy pa rin ang kanyang suporta sa mga residente ng Montalban. Aniya, minsan hindi maiiwasang mahina ang benta, mababa ang kita, at lumulobo ang gastusin, subalit hindi tayo dapat panghinaan ng loob. Ang mahalaga aniya, kahit matumal ang negosyo, hinding-hindi tayo susuko. Sa halip ay ipakita aniya natin ang dobleng kayod, tamang diskarte, sipag, at tiyaga, kalaunan ay makakaraos din tayo at aapaw muli ang biyaya. “Kaya…

Read More

TAIWANESE INARESTO SA COMPANY FRAUD

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa company fraud. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Chang Chia Wei, 42, inaresto sa kanyang bahay sa Bamban, Tarlac, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Nobyembre 2021, noong siya ay inisyuhan ng deportation order dahil sa pagiging undesirable alien. Hiniling ng Taipei Economic and Cultural…

Read More

14 BANSA MAGSISILBING OBSERVERS SA 2024 PHL-US BALIKATAN EXERCISES

AABOT sa 14 bansa ang dadalo at magmamasid sa isasagawang pinakamalaking war exercise sa pagitan ng Pilipinas at ng United States kaugnay sa taunang Joint Balikatan Exercises. Ayon kay Col. Michael Logico, executive agent ng Phil-US Balikatan 2024, bukod sa foreign observers, sasali rin sa offensive maritime drill ang isang Frigate ng French Navy. Nabatid na ang gaganaping malakihang pagsasanay na may kaakibat na live fire exercise, maritime patrol, at tatampukan ng sinking exercise, ay sasalihan ng11,000 sundalo mula sa U.S. Armed Forces habang limang libong sundalo naman mula sa…

Read More

POLITIKO, BILYONARYO NA!

RAPIDO ni PATRICK TULFO TOTOO kaya ang balita na ang isang politikong kilalang malapit na kaalyado ng isang dating mataas na politiko ay maituturing nang isang bilyonaryo? Ayon sa aking source, pag-aari na umano ng politikong ito (kapartner ang dating politiko) ang isa sa malaking hotel sa Ortigas sa Pasig. May “front” umano ang mga kilalang politiko na ito, na dating miyembro ng gabinete ni dating politiko. Hindi raw idinedeklara ni politiko ang nasabing hotel sa kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) dahil lalabas na isa na siyang…

Read More

PRODUKTONG KADUDA-DUDA DAPAT SURIIN

PUNA ni JOEL O. AMONGO WALANG humpay ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin ngayon, kaya naman marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng mas murang mga alternatibo para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Pero ka-PUNA-PUNA rin ngayon ang isang bago at nagte-trending na grocery store na mura raw ang mga bilihin. Sa unang tingin ay maeengganyo ka talaga sa presyo ng mga itinitinda sa Dali Everyday Grocery. Ngunit kaduda-duda ang ilang mga produkto dito at mapapaisip ka kung saan nga ba ito galing at kung dumaan ang…

Read More