MGA LOKAL NA OPISYAL NG BOHOL, NAGKABUHOL-BUHOL!

 MY POINT OF BREW ni JERA SISON HALA kayo dyan! Pagkatapos na maging viral ang isang resort sa loob ng Chocolate Hills at umani ito ng batikos kung paano nakalusot at pinayagang ipatayo ito, ang lahat ng sampung daliri sa kamay ng ilang mga lokal na opisyal ay nagmistulang mga HINTUTURO! Marahil sa kasalukuyan ay naghahanap sila ng masisisi kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang kapalpakan na ginawa sa Chocolate Hills na isang protected area. Noong July 1, 1997, si dating Pangulong Fidel V. Ramos ay nagbaba ng kautusan…

Read More

LABANAN ANG KALUPITAN SA MGA HAYOP

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAKAGAGALIT talaga itong napabalita kamakailan na walang-awang pagpatay sa isang golden retriever sa Camarines Sur na talagang nakatawag-pansin hindi lamang sa mga netizen kundi pati na rin sa mga mambabatas. Kuha mismo sa isang CCTV footage kung paano hinabol at sinaktan hanggang mawalan ng buhay ang asong si Killua na walang kalaban-laban sa nangyari. Napakasakit pa na duguan at nasa loob ng sako ang kawawang aso. Isa sa mga naging positibong naidulot ng social media ay ang paglalantad sa mga ganitong pang-aabuso dahil nagmumulat ito…

Read More

TULONG PARA SA MGA MAGSASAKA MULA KAY CONG. ODIE TARRIELA

TARGET ni KA REX CAYANONG PINANGUNAHAN kamakailan ni Cong. Odie Tarriela, kasama ang Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA, ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro. Kasama sa programa ang mga dating opisyal tulad nina Vice Gov. Peter Alfaro, Bokal Ryan Sioson, Bokal Mangyan Masangkay, dating Bokal Nestor Tria, Mayor Lyn Tria ng Mamburao, at iba pang mga lokal na opisyal. Layunin ng RFFA Program na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga magsasaka upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan tulad ng abono, binhi, at iba pang kagamitan…

Read More

NPA LEADER, 3 PA HULI SA POLICE KILLINGS

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Police Regional Office 5 ang isang kilabot na communist terrorist group leader na sinasabing sangkot sa pananalakay at pagpatay sa limang pulis, sa isinagawang law enforcement operation sa lalawigan ng Albay. Ayon kay PNP-PRO5 Director P/BGeneral Andre Dizon, nahuli sa inilatag na bitag ng Albay PNP ang suspek na si Reynaldo Togado Hugo, kilala sa mga alyas na “Rcicielo, Yulo, Adel, Evan, Bermas, Aster, Julian, Pitoy, Alex, Bitoy,” 61-anyos. Si Hugo ay sinasabing pinuno ng Communist Terrorist Group (CTG) na sangkot sa pag-atake…

Read More

AGNAS NG PUTOL NA HITA, NATAGPUAN SA CALAX

CAVITE – Hinihinalang bahagi ng putol na katawan ng isang lalaki ang natagpuang agnas na putol na hita sa isang daluyan ng tubig sa bahagi ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX sa bayan ng Silang, sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ng isang personnel ng CALAX ang agnas nang putol na hita sa Km Post Westbound ng CALX sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite. Unang natagpuan ang agnas ng putol na katawan ng isang lalaki na walang ulo, at kamay dakong alas06:40 ng…

Read More

1 PATAY, 12 SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTOR AT TRIKE

QUEZON – Isa ang patay habang 12 ang sugatan matapos na magsalpukan ang isang tricycle at motorsiklo na kapwa minamaneho ng dalawang menor de edad, sa barangay road sa Sitio Baginbagin, Brgy. Pakiing, sa bayan ng Mulanay sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Ayon sa report ng Mulanay Police, dakong ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang paahon sa barangay road ang topdown tricycle na sinasakyan ng 11 magkakapamilya at minamaneho ng isa rin nilang kaanak na si Jerwin Benitez Paz, 14-anyos, nang makasalpukan nito ang pababa namang motorsiklo…

Read More

‘FORUM SHOPPING’ NG KAMARA SA CHA-CHA BINIRA

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang mambabatas na “forum shopping” ang ginagawa ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kagustuhang magtagumpay na amyendahan ang Saligang Batas at alisin ang balakid sa walang katapusang kapangyarihan. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pahayag matapos maipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o economic Cha-cha na para sa mambabatas ay fourth mode sa Charter amendments. “Tingin natin forum shopping ang nangyayari,” ani Manuel dahil noong nakaraang taon ay inaprubahan aniya ng Kamara…

Read More

BI AGENTS SA EXTORTION SA FIL-INDIANS BABALATAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANGINGINIG na sa takot ang mga tiwaling ahente ng Bureau of Immigration (BI) matapos iutos ng pamunuan ng ahensya ang masusing imbestigasyon kaugnay sa umano’y multimillion-peso extortion activities sa mga Filipino-Indian citizen sa Visayas region. Sa impormasyon ng SAKSI Ngayon, nangangamba ang mga sangkot sa pangingikil dahil tiyak mahuhubaran sila ng maskara sa imbestigasyon partikular ang isang alyas Agent Jude. “The BI management does not tolerate any kind of corrupt practices amongst its ranks,” pahayag ni Immigration chief Norman Tansingco noong Biyernes. “We have initiated an…

Read More

BULACAN NAGTALA NA RIN NG PERTUSSIS CASES

LUNGSOD NG MALOLOS – Kumilos na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando makaraang makumpirma ang dalawang kaso ng Pertussis na kilala rin bilang ‘whooping cough’ sa Bulacan. Naitala ang kaso sa Lungsod ng San Jose Del Monte at isa sa Lungsod Meycauayan. Ang Pertussis ay isang nakahahawang respiratory tract infection na madaling kumalat sa pamamagitan ng bacteria mula sa paghinga, pag-ubo, at pagbahing. Kadalasan, ang sintomas ay nagsisimula sa sipon, ubo, at lagnat ngunit ang ubo ay maaaring lumala sa loob ng 1-2 linggo…

Read More