MGA NAGSAKRIPISYO PARA SA BAYAN KINILALA

KINILALA kahapon ang mga beteranong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, kasarinlan at kapayapaan ng bansa. Kasama si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., binigyang pagkilala ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), ang mga beterano sa paggunita ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. “Magsilbi nawang inspirasyon ang kanilang kagitingan sa pagkakaisa ng sambayanan at sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, tungo sa mapayapa, matatag, at maunlad na Bagong Pilipinas,” bahagi ng pananalita ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr.…

Read More

QUIBOLOY KUMPIRMADONG MAY MULTI-MILLION FIREARMS

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police kung kinakailangang kanselahin na ang kaukulang mga dokumento ng mga baril na pag-aari umano ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na kasalukuyang itinuturing na pugante ng mga awtoridad. Ito ay matapos na kumpirmahin ng PNP na totoong mayroong pagmamay-ari na mga armas si “self-proclaimed appointed of son of God” Apollo Quiboloy na target ngayon ng manhunt operation matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court Branch 12, laban sa kanya kaugnay sa mga kasong sexual at child abuse.…

Read More

JOINT NAVAL DRILLS SA WPS BINANTAYAN NG 2 CHINESE SHIPS

TAGUMPAY ang isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan sa loob ng exclusive economic zone ng bansa, partikular na sa West Philippine Sea. Ito ay nilahukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM), Australian Defense Force (ADF), at Japan Self-Defense Forces (JSDF). Sa ginanap na ‘donning of rank ceremony’ para kay Lt. Colonel Miguel “Migs” Zubiri, kasalukuyang Senate President, sa AFP Headquarters kahapon, inihayag ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na naging matagumpay ang isinagawang MMCA. “Successful po…

Read More

PATI BA NAMAN CLASS SUSPENSION?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMING mahahalagang isyu sa lipunan ang ayaw pakialaman ng karamihan sa mga congressman lalo na sa larangan ng pulitika at seguridad ng bansa pero ‘yung mga trabaho ng local executives ay pinakikialaman. Tulad na lamang ang pagkukusa ng mga mayor na suspendihin ang klase sa kanilang nasasakupang lugar dahil sa tindi ng init ng panahon, na tila hindi nagugustuhan ng isang mambabatas. Alam ng mga mayor ang sitwasyon ng kanilang lugar at alam niya kung kaya ba ng mga guro at estudyante ang mainit na panahon…

Read More

BAGONG SILANG, CALOOCAN CITY GINAWANG 6 BARANGAYS

PUNA  ni JOEL O. AMONGO PINAGHIWA-HIWALAY sa anim (6) na barangays ang pinakamalaking barangay ng Bagong Silang sa Caloocan City, ayon sa pinakahuling natanggap nating impormasyon. Sa isang news release noong nakaraang Biyernes, inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para maging batas ang Republic Act No. 11993 na pinaghiwa-hiwalay ang Barangay Bagong Silang o mas kilala bilang Brgy. 176, na nasa ilalim ng Lungsod ng Caloocan. Base sa batas (RA NO. 11993), ang Bagong Silang barangays ay kinabibilangan na ngayong Brgy. 176-A, Brgy.…

Read More

ANG PAG-ASENSO SA BUHAY SA MABUTING PARAAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MARAMING klase ang pag-asenso sa buhay, mayroong mabilis at may dahan-dahan lang. May mabilis na umaasenso na may kaakibat na suwerte tulad ng mga tumatama sa lotto, mayroon din namang mabilis sa pamamagitan ng masamang gawain tulad ng panghoholdap at paghingi ng ransom sa pangingidnap. Gaya nitong kidnaper na nasakote kamakailan ni kuya Police Colonel Aldrine Thompson na chief of police ng Hagonoy Municipal Police Station at Bulacan PNP. Mayroon din namang pag-asenso sa pamamagitan ng mabuting paraan tulad ng pagtama sa lotto, subalit…

Read More

Pagtiyak ni Marcos Jr. WALANG BANTA SA BUHAY NI TEVES

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni Arnie Teves, takot siya sa buhay niya, wala kaming report na ganoon. Walang nagbabanta sa buhay niya,” ayon kay Pangulong Marcos. Matatandaang dinakip si Teves sa Dili East Timor habang naglalaro ng golf. Nananatili siyang nasa…

Read More

DOJ IBINASURA MGA KONDISYON NI QUIBOLOY

IBINASURA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga inilatag na kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang pagsuko. Sinabi ni Secretary Remulla, seryoso at kasuklam-suklam na usapin na may kinalaman sa pang-aabusong sekswal sa isang menor de edad at human trafficking ang kinasasangkutan ng religious leader. Sa halip, hinamon ni Remulla si Pastor Quiboloy na harapin na lamang ang kanyang mga kaso lalo na at kung ang paniniwala niya ay inosente siya. Iginiit ng kalihim, walang nakaaangat sa batas kahit pa ang mga may…

Read More