Babala sa hindi nag-consolidate P1-M MULTA SA COLORUM OPERATORS – DILG

AABOT hanggang P1 milyon ang maaaring ipataw na multa sa colorum operators, ito babala kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang kampanya kontra unauthorized public transport vehicles para mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila. Kasunod ang nasabing babala ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng DILG kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), para sa lilikhaing Joint Task Force (JTF) na siyang tututok sa suliranin sa trapiko at colorum operations sa National Capital Region. “Napakalaki…

Read More

FOREIGNER SA LIKOD NG 1.4 TONS NG SHABU TINUTUGIS PA – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police na tuloy-tuloy ang isinasagawang follow-up operation kaugnay sa pinakamalaking bulto ng droga na nasabat ng mga awtoridad sa Alitagtag, Batangas kamakailan. Ito ay makaraang makatakas umano ang isang Canadian national na hinihinalang may kaugnayan sa tangkang pagpuslit ng 1,424.253 kilograms ng high grade shabu. Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng PNP at Batangas Police ang nirerentahang bahay ng isang Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6-B na ilegal na droga. Ayon sa PNP-Police Regional Office 4-A, isinagawa ang…

Read More

2 PATAY, 3 SUGATAN SA SALPUKAN NG GOV’T VEHICLE AT TRUCK

SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang empleyado ng LGU ng Tupi sa lalawigan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pick-up sa sinusundang truck at masalpok pa uli ng kanila namang kasalubong na isa pang truck sa national highway sa Barangay Polonuling sa nasabing bayan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Anthony Romano Zabala, 35, nagmamaneho ng Mazda pick-up na official vehicle ng LGU, at Hernando Carlo Cortez, 26-anyos. Ayon sa report ng Tupi Police, mag-aalas 5:00ng umaga, binabaybay ng pick-up ng mga biktima ang national highway…

Read More

HINABOL NG MGA TANOD, PWD NALUNOD SA ILOG

BATANGAS CITY – Walang buhay na lumutang ang isang binata na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, nang tumalon sa ilog habang hinahabol umano ito ng nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy. Pallocan West sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si John Louie Aclan, 19-anyos. Ayon sa report ng Batangas City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ang labi ng biktima sa Calumpang River ng search and rescue team ng CDRRMO, mga barangay tanod at mga residente ng lugar. Ayon sa nakasaksing mga residente, tumalon sa ilog…

Read More

2 MUSMOS INIWAN SA BAHAY, PATAY SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang dalawang musmos nang lamunin ng apoy ang kanilang barong-barong matapos iwanan ng kanilang nanay upang maghanap ng panggatong sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang musmos na sina Rhyle, 3, at Rhian, isang kindergarten student, at residente ng Brgy. Biluso, Silang, Cavite. Ayon sa ina ng mga biktima, iniwan niya saglit ang kanyang dalawang anak sa barong-barong upang maghanap ng panggatong subalit pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Biluso, Silang, Cavite dakong alas-3:00…

Read More

Matapos makipag-away sa ka-live-in GINANG NATAGPUANG PATAY

QUEZON – Humihingi ng malalimang imbestigasyon ang ina ng isang ginang na natagpuang walang buhay sa kanilang bahay sa Sitio Ilaya, Brgy. Abang, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Lucban Police, dakong alas-6:00 ng umaga, ipagbigay-alam sa pulisya ng live-in partner ng ginang na si Yveth Sales, 35-anyos, ang pagkamatay nito. Ayon sa pahayag ng ka-live-in na si Alex Ubaña, nagisnan na lamang niya na patay na ang biktima habang nakahiga sa kuwarto. Sa paunang pagsisiyasat ng Municipal Health Officer ng Rural…

Read More

Sender at receiver ‘di makontak MARIJUANA NADISKUBRE NG RIDER SA PARCEL

CAVITE – Tinutunton ng Cavite Police ang sender at receiver ng isang parcel na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana makaraang madiskubre ng isang Lalamove rider nang mabigong mai-deliver sa receiver ang parcel sa Rodriguez, Rizal noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga pinaghahanap ng pulisya na sina alyas “Gerard”, ng Dasmariñas City, Cavite, at alyas “Ismael”, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon noong Miyerkoles nang pik-apin ng Lalamove rider na si alyas “Josh” ang isang parcel mula…

Read More

AKTIBIDAD NG FOREIGN STUDENTS BUBUSISIIN

ISASAILALIM sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities ang mga dayuhang estudyante na may hawak na student visa, ayon sa Bureau of Immigration. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa ay maaari pa ring isailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”. Sinabi ni Tansingo, ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, nakapaloob sa batas…

Read More

Kami Naman inilantad sa Kalikasan Kabataan, Kagitingan Youth Music Festival

Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking”Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos lamang na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex sa Rizal. Hatid ng SAVE ME Movement (Students Action Vital to the Environment and Mother Earth Movement), tampok sa youth music festival ang mga batikan na musikero at mang-aawit tulad nila CJ Villavicencio na nagsilbing host, I Belong to the Zoo, Dilaw, Janina Tenoso, Illest Morena, Johannes Rissler, Kyle Echarri, at may special performance pa…

Read More