May 22 kaso ng pagpatay, 41 panggagahasa DAVAO CITY PNP CHIEF, 19 COMMANDERS SINIBAK

SA pagsisikap na malinis at maitaas ang imahe ng mga pulis, sinibak ng PNP Police Regional Office, Davao Region PRO-11 ang hepe ng Davao City Police Office at 19 police station commanders. Nabatid na ipinag-utos ang sibakan kasunod ng lumabas na ulat na may 22 kaso ng pagpatay at 41 kaso ng panggagahasa ang naitala mula lamang noong Enero hanggang Mayo. Minsan nang naging kontrobersyal ang Davao City nang mag-viral ang isang Facebook post nang mapasama ito sa mga lungsod na may pinakamataas na crime index sa mga bansa sa…

Read More

LICENSURE EXAM FOR SOCIAL WORKERS SA MGA PINOY SA ABROAD, WALANG PUMASA

WALANG pumasa sa isinagawang Special Professional Licensure Exam (SPLE) for Social Workers na inialok ng Professional Regulation Commission sa mga overseas Filipino. Ayon sa anunsyo ng PRC noong Lunes, isinagawa ang SPLE noong Hunyo 16 pero dalawa lamang ang kumuha ng eksaminasyon at sa kasamaang palad ay parehong hindi nakapasa. Inilabas ng PRC ang resulta noong Hulyo 8. Noong nakaraan pang taon, pinalawak ng PRC ang kanilang serbisyo at nag-alok ng Special Professional Licensure Examinations for overseas Filipino workers sa nasa 29 na kurso sa 10 testing centers na nasa…

Read More

11 KABAHAYAN WINASAK NG BUHAWI SA CEBU

CEBU – Umabot sa 11 kabahayan ang nawasak matapos na manalasa ang isang buhawi sa bayan ng Liloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ayon sa PAGASA Visayas, naranasan sa malaking bahagi ng Cebu ang matinding thunderstorm kahapon na dulot ng easterlies at sa kalagitnaan ng thunderstorm ay biglang nanalasa ang buhawi sa bahagi ng town proper ng Liloan. Sa kuhang video ng mga residente, makikitang nagsimula ang buhawi sa may baybaying dagat hanggang umakyat ito sa kalupaan at tumama sa mga kabahayan. Kabilang sa grabeng naapektuhan ang Purok Greenhills…

Read More

Bagong kasal, 4 pa missing, 1 natagpuang patay 17 PASAHERO NG PICK-UP TRUCK TINANGAY NG BAHA

CEBU – Labing-pitong katao na sakay ng isang pick-up truck ang tinangay ng rumaragasang tubig baha noong Lunes, kabilang ang anim na patuloy na pinaghahanap at isang 11-anyos na bata na natagpuang patay na. Ayon sa ulat ng local Office of Civil Defense at ng Cebu PNP, sakay ang 17 magkakamag-anak ng isang pulang Isuzu DMax pick-up truck nang biglang lumaki ang tubig sa ilog sa Barangay Cantumog, bayan ng Carmen, Northern Cebu Province, kaya naanod ang mga sakay nito habang tumatawid sa ilog. Sa 17 pasahero, sampu ang iniulat…

Read More

PAGCOR INIREKLAMO NG 900 KAWANI NG GAMBLING HUB

KAMOT-ULO muli ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa panibagong kontrobersya na ipinupukol sa kanila matapos magsampa ng reklamo ang higit 900 empleyado ng gambling hub sa Malate, Maynila. Base sa isinumiteng petition for certiorari and prohibition ng mga kawani ng PAGCOR, nagpasaklolo sila sa Court of Appeals (CA) na ipawalang-bisa ang pinasok na kasunduan ng PAGCOR management at MSP Incorporated, na pag-aari ng isang dayuhan. Naglabas anila ng memorandum order ang governance commission na pinapayagan ang PAGCOR na ilipat ang operasyon ng casino sa MSP Incorporated. Bagay na…

Read More

‘HIT-AND-RUN’ SA WPS PINASISILIP NI TOLENTINO

NANAWAGAN si Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na imbestigahan ang nangyaring hit-and-run na kinasangkutan ng umano’y Chinese commercial vessel, Yang Fu, na bumangga sa isang maliit na bangkang pangisda ng mga Pilipino malapit sa Bajo de Masinloc, West Philippine Sea. Sa press briefing nitong Martes, Hulyo 9, sinabi ni Tolentino na ang bangkang pangisda ng Pilipino, kasama ang dalawang mangingisdang sakay na nagngangalang Jose at Robert Mondeñedo, ay nabangga ng commercial vessel (Yang Fu) noong Linggo ng hapon (Hulyo 7) habang ito ay naka-angkla sa isang “payao,” isang uri ng…

Read More

ORDANES PINASALAMATAN TULONG NI ROMUALDEZ SA SENIORS

TAOS-PUSONG pinasalamatan ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes si House Speaker Martin Romualdez sa patuloy na pagmamalasakit sa mga nakakatandang populasyon ng bansa, gayundin sa mga Pilipino na may kapansanan. Kasabay nito, ikinalugod ni Ordanes ang resulta ng PUBLiCUS Asia Inc.’s PAHAYAG Second Quarter (PQ2-2024) survey kung saan lumabas na siyam sa bawat 10 Pilipino ang pabor sa pagbibigay ng universal pension sa senior citizens sa bansa. Si Ordanes ang isa sa mga pangunahing may-akda ng panukalang batas, na naipadala na sa Senado upang maging ganap ng batas.…

Read More

IKALAWANG BIRD FAIR GINANAP SA LAS PIÑAS

PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar, kasama sina Andrew Sebastian mula sa Malaysia, Michael Lu ng Pilipinas, at Victor Yu ng Taiwan (Founders at Execom Members), ang anibersaryo ng Wild Bird Club of the Philippines at paglulunsad ng 13th Asian Bird Fair sa Villar Sipag Hall sa Las Piñas City nitong July 6. Ito ang ikalawang beses na ginanap ang Asian Bird Fair sa Pilipinas. Ang pinakaunang Asian Bird Fair ay ginanap sa Davao noong 2015 na dinaluhan ng libu-libong mahihilig sa ibon at tagapagtaguyod ng kapaligiran mula sa iba’t ibang…

Read More

Discover the Hidden Gems of Manila: From Historic Landmarks to Modern Comforts

Welcome to Manila, a city brimming with historical significance and modern charm. Recently honored as the World’s Leading City Destination for 2023 by the World Travel Awards, Manila offers an eclectic mix of attractions and experiences. The revitalization of the Pasig River esplanade near the iconic Post Office and commendations for data privacy compliance are just a few of the city’s recent achievements. For more than a century, the city of Manila remains a vibrant destination with much to offer. Let’s explore some of the city’s highlights, including a practical…

Read More