MICHAEL YANG PINAAARESTO

PINAAARESTO na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang at plano itong ikulong sa Bicutan, Taguig, imbes na sa Batasan Pambansa. Sa mosyon ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na sinegundahan ni Sta. Rosa City, Laguna Rep. Dan Fernandez, inaprubahan ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers ang pagpapa-contempt kay Yang dahil sa patuloy na pagbalewala sa imbitasyon ng komite. Inaprubahan din ng komite ang mosyon ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na…

Read More

MAYOR ALICE GUO, 7 PA PINAARESTO NA NG SENADO

HINILING ni Senator Sherwin Gatchalian kay Senator Risa Hontiveros, chairman ng committee on women, children, family relations and gender equality na i-cite in contempt si suspended Mayor Alice Guo at iba pang hindi dumalo sa pagdinig kaugnay sa POGO Hub sa Bamban, Tarlac. Kalaunan, hiniling ni Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na isyuhan ng warrant of arrest si Guo. (DANNY BACOLOD) IPAAARESTO na ng Senado si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping kasama ang pitong iba pa. Ito ay dahil sa pang-iisnab nila sa subpoena na ipinadala…

Read More

NUCLEAR DEAL NI BBM SA US SISILIPIN NG KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nuclear deal na pinasok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa United States (US) na itinuturing na pinakamabilis sa lahat ng nilagdaan nilang kasunduan. Ayon kay House deputy minority leader France Castro, nakababahala ang “civil nuclear cooperation agreement” na nilagdaan ng dalawang bansa kung saan pinapayagan ang US na magdala ng mga nuclear “equipment and material” sa Pilipinas. Tinawag umanong “123 Agreement” ng dalawang bansa, na ayon sa mambabatas ay maglalagay sa peligro sa kaligtasan ng mga tao…

Read More

Nag-thumbs up sa group chat KADETE NG MARITIME SCHOOL PINARUSAHAN, PATAY

LAGUNA – Patay ang kadete ng isang maritime academy makaraang “parusahan” ng kanilang senior class officer dahil sa umano’y pag-thumbs up nito sa cadet messenger group chat. Kinilala ang biktimang na si CDT. Vince Andrew Delos Reyes, 19-anyos, ng Barangay Tagumpay, Baco, Oriental, Mindoro, student cadet sa maritime academy sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna. Ayon sa report ng Calamba City Police, nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng madaling araw noong Hulyo 8, Lunes, ngunit nai-report lamang sa pulisya noong madaling araw ng Martes. Base sa imbestigasyon, matapos kumain ng…

Read More

Suspek nagtago sa chiller P100K NAKULIMBAT SA FAST FOOD RESTO

CAVITE – Nagtago sa loob ng chiller at naghintay ng tiyempo saka pumasok ang suspek sa opisina ng isang kilalang fastfood restaurant at tinangay ang halos P100,000 cash na kita nito noong Lunes ng gabi sa Carmona City. Inilarawan ang suspek ayon sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV), na nakasuot ng jacket, jogging pants, at sandal, bagama’t hindi malaman kung ano ang kulay ng suot na damit dahil black ang white ang footage. Sa naantalang ulat, bandang alas-9:38 ng gabi nang pasukin ng ‘di nakikilalang suspek ang fastfood restaurant…

Read More

P300K CELLPHONES, LAPTOPS TINANGAY SA GADGET STORE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P300,000 halaga ng mga cellphone at laptops ang tinangay ng ‘di kilalang suspek mula sa isang gadget store sa bayan ng Alfonso sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na puwersahang pumasok sa CMIKEE Cellphone and Accessories Store sa Brgy. Lucsuhin Ibaba, Alfonso, Cavite, sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng roll-up door nito. Ayon sa ulat, bandang alas-3:25 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang nasabing tindahan. Natuklasan lamang ang insidente ni alyas “Mariano”, 32, store manager,…

Read More

SAAN AABOT NG P29 KADA KILO NG BIGAS?

AYAW kong isipin na propaganda lang at kasama sa public relations works ang bigas na ibinebenta sa halagang P29 kada kilo para mapatahan ang mga tao at huwag nang singilin si BBM sa kanyang election promise na P20 kada kilo. Sige, tulungan ang vulnerable sectors ika nga nila, tulad ng senior citizens, solo parents at people with disabilities at bentahan sila ng bigas sa halagang P29 kada kilo, walang problema d’yan pero ilan lang ba sa kanila ang nakabibili ng bigas na ito. Base sa estatistika mismo ng gobyerno, 9.22…

Read More

BIGAS ANG BIDA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PLANO pa nga lang dagdagan ang Kadiwa stores na nagbebenta ng P29 kada kilo na bigas at dalhin ito sa iba pang lugar sa Pilipinas ay heto na ang ‘Rice-for-All’ program na magbebenta raw ng bigas na mas mura sa umiiral na presyo sa merkado. Teka, mura ba ang P45 hanggang P48 na presyo ng programang bigas para sa lahat? Natural, mas kakagatin ang Bigas 29, kaso para lang ito sa mga bulnerable kuno gaya ng nasa 4Ps, SC, PWD at solo parent. Kahit para sa…

Read More

TAMBAY DUMAMI NGAYONG TAON

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULI na namang maidaragdag sa magiging tambay ang mga nagtapos sa kolehiyo ngayong taon (2024) na hindi papalaring matanggap sa trabaho. Kadalasan po kasi ang hinahanap at tinatanggap ng mga kumpanya sa bansa ay may karanasan o experience na sa trabaho. Kung ganyan ang magiging patakaran ng bawat kumpanya sa Pilipinas, paano ngayon mabibigyan ng chance na makapagtrabaho ang bagong college graduates? Base sa nakuha nating impormasyon, lalong tumaas ang unemployment rate sa bansa patungong 4.5% kasabay nang pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong…

Read More