CHINESE NALAGLAG SA WAREHOUSE, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang Chinese steel structure specialist matapos na mahulog mula sa itaas ng ginagawang warehouse sa construction site sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Xiaolong Zhang, 48 anyos. Ayon sa report, nasa itaas ito ng ginagawang building sa loob ng compound ng Time Ceramics Philippines Inc. sa Brgy. Gelerang Kawayan. Habang nag-a-align ng mga bakal para sa kisame ang biktima nang mawalan ito ng panimbang, nahulog at bumagsak sa kongkretong sahig mula sa tinatayang 7 metrong taas. Grabeng…

Read More

TUMANGAY NG MOTORSIKLO, MENOR DE EDAD ARESTADO

CAVITE – Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang isang 13-anyos na binatilyo na tumangay sa isang motorsiklo na nakaparada sa isang gasolinahan sa Gen. Trias City. Nasakote ng General Trias Component City Police Station ang isang 13-anyos na suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na isang 17-anyos na binatilyo. Ayon sa biktimang si alyas “Salvador”, isang pump attendant, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo na isang Honda TMX CCG125WHF, sa parking space ng gasoline station sa Brgy. Tejero, Gen Trias City, bandang alas-4:30 ng madaling araw…

Read More

TEENAGER HULI SA 2 KILO NG SHABU

NADAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7), ang isang teenager makaraang makumpiskahan ng P13.6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Mandaue City nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nakumpiska mula sa 17-anyos na drug personality sa bayan ng Ubay sa Bohol, ang dalawang kilo ng shabu. Ayon kay Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, inilagay ng ahensya ang suspek sa isang case buildup sa loob ng dalawang linggo at matapos…

Read More

SALISI SA OSPITAL NADAKIP

NADAKIP ng mga security guard ang isang 30-anyos na lalaki makaraang umano’y nakawin ang wallet ng isang sekyu sa pharmacy area ng Jose Reyes Memorial Medical Center noong Sabado ng umaga sa Sta. Cruz, Manila. Dakong alas-10:30 ng umaga nang i-turnover sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang suspek na kinilalang si alyas “Carlito Jr.”, residente ng San Jose del Monte, Bulacan. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Ricardo Peña, bandang 7:10 ng umaga nang…

Read More

TOP 4 MWP SA FRUSTRATED MURDER TIMBOG SA BINONDO

NADAKIP ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang isang 28-anyos na tricycle driver na suspek sa kasong frustrated murder, sa Delpan Street, Binondo, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Nonoy”, binata ng Binondo, Manila. Ayon kay Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng DSOU, bandang alas-2:30 ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang suspek sa loob ng barangay hall sa Brgy. 275, Zone 25, na nagresulta sa…

Read More

CABLE INSTALLER PATAY SA SAKSAK

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na cable installer makaraang saksakin sa isang gasolinahan sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Dead on Arrival sa pagamutan ang biktimang si Frankie Aguilar, binata, ng Tondo, Manila. Habang mabilis namang nakaeskabo ang suspek na si Ryan Jaztin Pablo, 32, kapitbahay ng biktima. Ayon sa ulat ni Det. Irene Jay Manalili, may hawak ng kaso, na pinangasiwaan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-8:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang…

Read More

MEET AND GREET NG BI, NBI AGENTS KAY ALICE GUO UMANI NG BATIKOS

BISTADOR ni RUDY SIM VERY unprofessional! ‘Yan ang mariing tinuran ni Senador Joel Villanueva matapos mag-trending ang isang larawan kung saan nakita na nakikipag-group picture ang ilang miyembro ng Bureau of Immigration at isang unipormadong taga-NBI, kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, matapos na ito ay i-turnover ng Indonesian authorities. Nakunan ang larawan habang magkakasama sa isang sasakyan si Mayora habang pawang nakangiti ang kanyang mga escort na animo’y pupunta sa isang excursion. Ngek! Actually, hindi lang si Senador Villanueva ang nadismaya kundi ang maraming netizens sa inasal na…

Read More

TSINUBIBO NI GUO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SIGE na nga, Pilipinas ang selfie capital of the world kaya pwede nang magpa-picture kasama kahit ang nag-hide and seek sa batas. ‘Yan tayo e, iyong purong Pinoy posas agad, sa presinto ka magpaliwanag. Pero ‘yun peke, me handshake na, me photo ops pa. Kulang na nga lang daw ay red carpet at mistulang fan meet na ng sikat na celebrity ang ginawang pagsundo nina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil sa takas na si Alice Guo o Guo Hua Ping. Sa totoo…

Read More

INTEGRIDAD AT PROPESYONALISMO: SUPORTA KAY SECRETARY ABALOS

TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ng puganteng si Alice Guo, mahalaga ang ipakitang tiwala at suporta sa mga opisyal ng pamahalaan na tulad ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos. Sa kanyang pamumuno, nananatiling matatag ang kagawaran sa layuning tiyakin na walang sinomang lumalabag sa batas ang makatatakas sa pananagutan. Kasama si Secretary Abalos sa mga kumikilos nang mabilis upang tiyakin ang hustisya sa kaso ni Alice Guo, isang puganteng may mga mabibigat na akusasyon ng human trafficking at money…

Read More