PRIVATE ARMED GROUPS SA CENTRAL LUZON PINABUBUWAG NI REMULLA

NAGLABAS ng marching order si Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Juanito Victor Remulla sa Kapulisan sa Gitnang Luzon na buwagin at hulihin ang lahat ng leader at miyembro ng gun for hire kabilang na ang mga organized syndicate at private armed groups sa buong rehiyon simula ngayon hanggang sa Marso 2025 bago ang national at local elections. Atas ito ni Remulla kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Redrico A. Maranan sa kanyang pagbisita sa Camp Captain Julian Olivas sa City of San Fernando, Pampanga…

Read More

BANGKAY NG DALAGITA NATAGPUAN SA DAGAT

CAVITE – Hinihinalang nalunod ang isang dalagita na natagpuang walang buhay sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng gabi. Inilarawan ang biktimang nasa ng 13 hanggang 17-anyos. Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang natagpuang ang bangkay ng biktima sa dagat na sakop ng Barangay 62A, Cavite City, ng dumaraang mga mangingisdaa. Tulong-tulog nilang iniahon ang bangkay ng biktima sa pampang sa nasabing lugar. Wala namang nakitang anomang senyales ng sugat sa katawan ang biktima kaya pinaniniwalaang nalunod ito. (SIGFRED ADSUARA) 11

Read More

KAILANGAN DIN PAGTULUNGAN ANG SOLUSYON SA TRAPIKO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NORMAL na usapin ang lagay ng trapiko sa araw-araw, lalo na para sa mga pumapasok sa opisina na kagaya ko. Minsan nga, mas balita pa kung mabilis ang byahe. Kung dati-rati, rush hour lang ang kailangan iwasan, ngayon wala nang pinipili ang rush hour maliban na lang siguro kung pipiliing bumiyahe ng madaling araw o sa mga oras na halos wala talagang sasakyan sa daan. Para sa napakaraming commuter sa Pilipinas na umaasa sa pampublikong transportasyon sa araw-araw, nakaiinit talaga ng ulo ang matinding trapiko.…

Read More

TAPUNAN NG TATAY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HALA, lalong tumitindi ang banggaang Marcos-Duterte. Bago nagtapos ang nagdaang linggo ay may pasabog na presscon si Inday Sara. Pero ang nakawindang sa netizens ay ang banta niya na kapag hindi raw siya tinantanan ng mga Marcos ay huhukayin niya sa Libingan ng mga Bayani ang diktador na si Ferdinand Sr. at itatapon sa West Philippine Sea. May patutsada ang isang netizen, take note anya, sa wakas ay nabanggit ni VP Sara ang West Philippine Sea. Kasi nga naman sa mga nagdaang panahon ay tila iniwasan…

Read More

PAGTUTOK SA KAUNLARAN, SERBISYONG PANGKABUHAYAN AT KALUSUGAN SA QUEZON

TARGET NI KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang proyekto ang pormal na binuksan kamakailan sa bayan ng Sariaya, Quezon. Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nabigyan ng bagong buhay ang Brgy. Gibanga sa pamamagitan ng pagbubukas ng kongkretong farm-to-market road. Dahil dito, hindi na mahihirapan ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto, isang suliraning matagal nang nagpapabagal sa kanilang kabuhayan. Ang kalsadang dati’y puno ng malalaking mga bato at hindi maayos na daraanan, ngayon ay mas pinadali ang transportasyon. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng mahigit P5 milyon at…

Read More

Motibo posibleng dahil sa POGO – PAOCC ISA PANG GRUPO NG CHINESE TINUTUGIS SA PAMAMARIL

HABANG humihiling ng mabilisang imbestigasyon at agarang resolusyon ang China Embassy dito sa Pilipinas, para sa mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng Chinese citizens sa bansa, isang grupo naman ng Chinese citizens ang sangkot sa pamamaril sa kapwa nila Chinese national na tinangayan pa nila ng sasakyan. Natagpuang duguan at nakahandusay sa daan ang isang Chinese national matapos umanong barilin ng mga kapwa Chinese na nagpanggap na mga buyer ng kanyang luxury SUV sa Cabuyao, Laguna. Ayon sa ulat, tinamaan ang Chinese ng bala sa hita sa nasabing insidente sa…

Read More

Namaril sa kapwa Chinese tukoy na ng PNP CHINA EMBASSY TUMUTULONG NA SA IMBESTIGASYON

“OUR Embassy immediately activated its emergency response mechanism and provided assistance to the Philippine police in the investigation,” ito ang tugon ng China Embassy in Manila matapos na mabatid ang insidente ng pamamaril ng isang Chinese national sa kapwa niya Chinese sa Makati City. Hinikayat din ng embahada ang Philippine National Police na paigtingin ang pagtugis at pagdakip sa suspek at tiyakin ang kaligtasan ng Chinese citizens at kanilang mga ari-arian sa Pilipinas. “On top of that, the Embassy is also providing consular assistance to and advances necessary post-incident arrangements…

Read More

Cong Pimentel ginagamit ang Kongreso vs kalaban sa pulitika – Densing

MARIING binatikos ni dating Education Undersecretary Epimaco Densing III ang di makatuwirang pagtrato sa kanya sa nakaraang pagdinig ng isang komite ng Kongreso kung saan siya ay pinaratangan ng katiwalian ng isang mambabatas na makakalaban niya sa halalan sa pagka-gobernador ng Surigao del Sur sa 2025. Magkakatunggali sina Densing at Pimentel sa posisyon ng gobernador ng Surigao del Sur sa halalan ng susunod na taon. Inakusahan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel nitong Huwebes si Densing na humingi umano sa mga kongresista ng komisyon na hanggang 18% sa contract…

Read More