Solon kay VP Sara PANANAGUTAN, ‘DI PAGPAPATAWAD

“HINDI kami humihingi ng pagpapatawad mo. Ang kailangan namin ay panagutan mo ang pandarambong sa kaban ng bayan, pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa mamamayan.”

Sagot ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya mapapatawad ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

Ayon sa mambabatas, kung merong dapat humingi ng tawad sa sambayanang Pilipino ay ang Pangalawang Pangulo dahil sa kanyang inaasal, hindi maipaliwanag na paggastos sa kanyang confidential funds.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Duterte kung sino ang kanyang mga kalaban sa pulitika na hindi niya mapapatawad ngayong panahon ng Pasko subalit nag-react si Cendaña dahil siya ang nag-endorso sa unang impeachment case laban kay Duterte na isinampa ng Civil Society Group.

“The impeachment complaint is about restoring dignity, transparency, and accountability in public office. The people are not asking for the vice president’s forgiveness, we are demanding her removal from office,” ayon pa sa mambabatas.

“Masyadong broad ang pagpapatawad. So, ang una kong gagawin ay patatawarin mo muna ang sarili ko bago ako magpatawad ng ibang tao,” reaksiyon naman ni House deputy majority leader Paolo Ortega V.

Ipinaliwanag ng mambabatas ang saka lang mapatawad ng isang tao ang iba kung unahin niyang patawarin ang kanyang sarili sa kanyang mga kasalanan dahil kung hindi ay talagang hindi umano totoo ang pagpapatawad.

“So unahin muna ang sarili (na patawarin) para atleast po, mapapatawad natin ang ibang tao,” dagdag pa ni Ortega. BERNARD TAGUINOD

130

Related posts

Leave a Comment