(TRACY CABRERA) INTRAMUROS, Maynila — Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng pananagutan ng lokal na pamahalaan ng Pasay City at ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), maaaring makasuhan ang mga opisyal ng lungsod kapag may kapabayaan o pagkakasangkot sila sa patuloy na ‘guerilla’ operation ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pasay. Itinanggi man ito ng mga konsehal ng local government unit (LGU) at maging ng alkalde na si Mayor Imelda’ Emi’ Calixto-Rubiano, may hinalang may kasabwat ang mga POGO sa kanila upang maglakas-loob na ipilit ang…
Read MoreDay: February 23, 2025
GEN. TORRE “BIDA” SA KONGRESO
PINURI sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang kampanya laban sa mga nagkakalat ng fake news at maling impormasyon. “In today’s digital age, truth matters more than ever. We commend the CIDG chief for his commitment to upholding facts and holding accountable those who deliberately mislead the public,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sampahan ni Torre ng kaso ang Cebu-based vlogger na si Ernesto “Jun” Abines na nagpakalat ng…
Read More7 SA BAWAT 10 PINOY PABOR SA PAGPAPALAWAK NG AKAP – SURVEY
PABOR ang pito sa bawat 10 Pilipino na ipagpatuloy at palawakin pa ang Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng gobyerno na mahalaga umano sa mahihirap na pamilya, ayon sa Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey ng OCTA Research. Sa isinagawang face-to-face interview mula Enero 25 hanggang 31, 2025 sa 1,200 respondents, 69% ang nagsabi na sila ay pabor na ipagpatuloy at paramihin pa ang mga benepisyaryo ng AKAP, isang financial aid program ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga pamilyang kinulang ang kita dahil sa problemang dumating.…
Read MorePAGKAKAALIS NG PH SA ‘GREY LIST’ MAGPAPATIBAY SA KUMPIYANSA SA EKONOMIYA – ROMUALDEZ
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matanggal ang Pilipinas sa dirty money grey list ng Financial Action Task Force (FATF) na nakabase sa Paris, na pakikinabangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) dahil bababa ang singil sa kanilang remittance na ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa. Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang malawak na epekto ng pagkakatanggal ng Pilipinas sa grey list hindi lamang sa mga OFW kundi maging sa mga nagnenegosyo sa bansa. “By restoring our standing in…
Read MoreLIBRENG PAGKAIN SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE ISUSULONG NG A-TEACHER
ISUSULONG ni A-teacher Party-list nominee Virginia Rodriguez ang magbigay ng libreng pagkain sa mahihirap na estudyante, pamilya sa bawat barangay at terminal ng mga transportasyon upang labanan ang malnutrisyon at panatilihing malusog ang mamamayang Pilipino. Sa isinagawang Gunting at Suklay Hanapbuhay CARAVAN ng ATeacher Party-list sa tatlong munisipalidad sa San Jose, Nueva Ecija; Santa Fe, Nueva Vizcaya at Aritao, Nueva Vizcaya, sinabi ni Ms. Rodriguez na maghahain siya ng batas na tatawaging “Leave Nobody Hungry” para mabigyan ng sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino upang wakasan ang kagutuman sa…
Read MoreUTOS NG DOH SA MEDICINE BOOKLET NG SENIORS DINEDEDMA NG ILANG TINDAHAN – CONG. ERWIN TULFO
BAGAMAT may kautusan na ang Department of Health (DOH) na hindi na kailangan ng medicine booklet sa pagbili ng gamot ng mga senior citizen, marami pa ring establisimyento ang hindi sumusunod sa utos nito. Ayon kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, “Maraming mga seniors ang nagsusumbong sa akin na kung hindi sila pagbentahan ng gamot ay tinatarayan naman daw sila ng tindera”. “Parang ayaw sundin ng ilang mga botika ang utos ng DOH,” aniya. Dagdag pa ng mambabatas na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa ng Bagong Pilipinas, “Kaya nga inalis…
Read More