Mga Babaeng Empleyado ng Meralco: Simbolo ng Husay at Galing sa Bawat Larangan

(Joel O. Amongo) Bagama’t malaki na ang napagtatagumpayan sa laban para isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, marami pa rin ang kailangang gawin para tunay na makamit ang patas na oportunidad para sa lahat hindi lamang sa trabaho kundi sa buong lipunan. Halimbawa, sa tradisyunal na industriyang pinangungunahan ng mga lalaki tulad ng enerhiya, ang kababaihan ay bumubuo lamang ng mas mababa sa 20% ng kabuuang manggagawa sa sektor na ito ayon sa ulat ng World Energy Employment 2024. Dito sa Pilipinas, isa ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga…

Read More

PAGHAHANDA SA ‘THE BIG ONE’

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Nakababahala ang tumamang lindol sa Myanmar nitong nakaraang linggo, na yumanig din sa mga karatig bansa kagaya ng Thailand at Vietnam, at ilang bahagi ng India, China, Cambodia at Laos. Base sa mga balita, mahigit 150 na ang naitalang patay at inaasahang tataas pa ito sa pagpapatuloy ng mga rescue operation. Malawakang pinsala rin ang dinulot nito sa Bangkok – kung saan bumagsak din ang itinatayong skyscraper at pinangangambahang mayroon pang nasa 100 kataong na-trap dito. Kasama rin sa giniba ng lindol ang Ava Bridge…

Read More

BOLA RITO, BOLA ROON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMARANGKADA na nga ang kampanya ng mga lokal na kandidato para sa Halalan 2025. Katulad ng nagdaang mga panahon ng panunuyo ng mga politiko sa mga botante, muling niligalig ang paligid ng sa banda rito, sa banda roon ng mga sasakyang naghuhumiyaw ng mga jingle ng kandidato. At syempre, bola rito, bola roon na naman ang inaatupag ng mga kandidato. ‘Mayroon na namang lalangoy sa dagat ng basura’ at kung ano-ano pang drama. Umuulan ang mga T-shirt at iba pang anyo ng pinamimigay. Parang pista na…

Read More

17 PINOY SA QATAR NANANATILI SA PIITAN

TINATAYANG 17 Pilipino ang nananatili sa police station sa Qatar matapos arestuhin dahil sa pagsasagawa ng political demonstration. “Mayroong 17 na nasa police station pa… mga one hour from the capital Doha,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega. “Nag-rally sila… Pinapunta na natin ang ating mga opisyal… We are going to monitor and coordinate,” ang sinabi nito. Sa ulat, sinabi ng Philippine Embassy sa Qatar na ang ilang pinoy na inaresto sa Qatar ay para sa ”suspected unauthorized political demonstrations.” ”The Embassy of the Republic…

Read More

PAGBABALIK NG TANIM-BALA SA NAIA IKINABABAHALA NG OFWs

NABABAHALA ang grupo ng overseas Filipino workers sa pagkabuhay ng isyu at dating gawain sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tanim-bala modus. Binanggit ng AKO-OFW ang nag-viral na video sa social media sa pagharang ng bagahe ng isang senior citizen sa paliparan noong March 6 matapos umanong makitaan ng bala o anting-anting sa kanyang bagahe. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, dapat busisiin maigi ang bawat tauhan sa NAIA at dagdagan ang mga CCTV sa nasabing paliparan. Binigyang-payo rin ng AKO-OFW Party-list ang mga papaalis…

Read More

VP SARA HUMIRIT NG ‘RESIBO’ SA 30K DRUG WAR DEATHS

HAYAGANG kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang 30,000 drug war deaths. Sinabi ng Bise-Presidente na 181 piraso lamang ng ebidensya ang ipinresenta ng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC). Malinaw na kapos ito para sa sukat ng di umano’y extrajudicial killings sa panahon ng war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Makikita sa rekord ng pulisya na ang drug war deaths ay may kabuuang bilang lamang na 6,000, habang sinasabi naman ng human rights groups na ang death toll— kabilang na ang vigilante killings—ay umabot na sa 30,000.…

Read More

Pagbaba ni Marcos posibleng mauna sa impeachment vs VP Sara MARCOS RESIGN! UMALINGAWNGAW

MULA sa Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda, napadpad sa Mendiola, Maynila ang mga raliyista na pinangunahan ng libu-libong miyembro ng grupong MAISUG upang ipakita nila ang kanilang suporta at pagbati sa kaarawan ni former president Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) nitong nakaraang Biyernes, Marso 28, 2025. Ang mga nagprotesta ay binubuo ng mga business group ng kababaihan, senior citizens, Kabataan, at overseas Filipino workers (OFW) na umuwi lamang para suportahan ang panawagan ng pagpapabalik kay FPRRD sa Pilipinas. Bukod dito, nagkaroon din ng malakihang rally sa Davao City, iba’t ibang lalawigan…

Read More

VLOGGERS, SOCIAL MEDIA USERs NAGHAHASIK NG TAKOT

ISINISI sa mga iresponsableng vlogger at social media users’ ang pagkatakot ng mamamayan sa kanilang seguridad dahil sa mga maling impormasyon na ikinakalat umano ng mga ito hinggil sa kriminalidad sa Pilipinas. Ayon kay House assistant majority leader Jil Bongalon, malinaw sa datos ng Philippine National Police (PNP) na bumababa ang crime rates sa Pilipinas subalit tumitindi ang takot ng mga tao dahil sa mga maling impormasyon na kinakalat ng mga iresponsableng vloggers at ibinabahagi naman ng ibang social media users. “Ang daming nagbabahagi ng videos o kwento na walang…

Read More

3 GASOLINAHAN HULI SA BENTAHAN NG SMUGGLED FUEL

TATLONG gasoline station ang sinalakay at pansamantalang ipinasara ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Bicol Region kung saan nakumpiska ang mahigit 39,000 litro ng non-compliant na gasolina na tinatayang P2.6 milyon ang halaga. Kaugnay ito sa pagsugpo ng BOC sa talamak na fuel smuggling sa Port of Legazpi. “During the random field testing conducted by the BOC Enforcement and Security Service (BOC-ESS) in coordination with Société Générale de Surveillance Philippines, both the initial and confirmatory tests found the marker below the required compliance threshold, indicating that the…

Read More