BUMIBIYAHE SA MT. PROVINCE PINAG-IINGAT NG PNP, LGUs

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police at maging ang lokal na mga opisyal ng gobyerno sa hilagang Luzon, sa mga biyahero at turista na maging maingat at tiyaking nasa kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe. Ito ang naging babala ng mga awtoridad kasunod ng naganap na sakuna sa Mountain Province nitong nakalipas na linggo na ikinamatay ng lima katao habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan nang sumadsad at nahulog sa 50 metrong lalim ng bangin ang kanilang sinasakyan. Ayon sa report, nangyari ang trahedya dakong alas-10 ng gabi…

Read More

Media Security Vanguard muling ilulunsad KALIGTASAN NG MEDIA SA 2025 ELECTION PINATITIYAK NI PBBM

NAKATAKDANG ilunsad muli ang Media Security Vanguard bilang paghahanda sa nalalapit na May 2025 Midterm Election para matiyak ang kaligtasan ng mga kasapi ng media. Sinasabing pagtugon din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag na may malaking papel na ginagampanan ngayong panahon ng eleksyon. Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Jose A. Torres Jr., pormal nilang ilulunsad muli ang Media Security Vanguard sa pamamagitan ng nationwide press conference sa Martes sa PIA Auditorium,…

Read More

PHL NALALASON SA KORUPSYON – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KAILANGAN nang tuldukan ang korupsyon na maituturing na ‘lason’ sa bansa. Sa isang panayam noong Biyernes kay Vice Presidente Sara Duterte sa The Hague, Netherlands, binigyang-diin nito ang malalang katiwalaan sa Pilipinas na mistula na aniyang lason. “Speaking of graft and corruption, it is really what you would call poison for a country. And in the graft and corruption index, we are high up there. The Philippines is high up there. We need to do something about it,” ayon sa Pangalawang Pangulo. Katunayan, ibinahagi ni Duterte…

Read More

1 PANG BASTOS NA LOCAL CANDIDATE PINAKAKALOS

MATAPOS kastiguhin ang isang congressional candidate sa Pasig City dahil sa suhestiyon nito sa mga single mother na sumiping sa kanya, nakatuon naman ang atensyon ni Gabriela Women’s party-list Representative Arlene Brosas sa mga sexist at discriminatory remark ni Misamis Oriental governor Peter Unabia. Sa viral video, sinabi umano ng reeleksyonistang si Unabia na dapat magagandang babae lamang ang maging nurse dahil kapag pangit ay posibleng lumala ang kondisyon ng pasyenteng kanilang inaalagaan sa ospital. “This is a gross display of misogyny and discrimination. Ito ay tahasang pambabastos, hindi lang…

Read More

FICTIONAL NAMES SA CIF NI VP SARA DUMARAMI

LALONG dumarami ang mga gawa-gawang pangalan na nakinabang umano sa confidential at intelligence funds (CIF) ni Vice President Sara Duterte-Carpio at ito ang kinakalkal ng House prosecution team batay sa mga dokumentong hawak nito habang naghihintay na maikasa na ang impeachment trial sa pangalawang pangulo. Kahapon ay isiniwalat ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega, isa sa mga taga-pagsalita ng Kamara, na ang bagong batch na mga gawa-gawang pangalan ay katunog ng mga celebrity at high-profile personality. Ayon sa mambabatas, ang mga bagong pangalan na kanilang nakalkal ay kinabibilangan nina ‘Honeylet…

Read More

VICE PRESIDENTIAL SECURITY AND PROTECTION GROUP NIREORGANISA

HINDI binuwag kundi isinailalim sa reorganization ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ni Vice President Sara Duterte. Paglilinaw ito ng AFP at sinabing bahagi pa rin ito ng kanilang rationalization at streamlining na sinimulang ipatupad noong February 2025 at aprubado ng Department of National Defense. “This administrative adjustment was undertaken to unify security and protection operations. It ensures the continued, uninterrupted and robust protection of the Vice President within a more integrated and optimized framework,” pahayag ng AFP Public Affair Office…

Read More

FARMERS-IRRIGATORS NAGPASALAMAT KAY ROMUALDEZ SA PROYEKTONG PATUBIG

PINASALAMATAN ng mga magsasaka at mga tagapagpatubig sa buong bansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang patuloy na suporta sa mahahalagang programa ng patubig, kabilang na ang mga solar-powered pump irrigation projects (SPIPs). Ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat kay Speaker Romualdez sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga benepisyong nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay sa National Congress of Irrigators’ Associations na ginanap sa Canyon Woods Resort sa Batangas, kamakailan. Sa nasabing event, tiniyak ni Romualdez ang patuloy na suporta ng Kongreso sa pagpapalawak ng mga proyekto ng…

Read More

COA PINURI PORT OF MANILA SA MATAAS NA KOLEKSYON NG BUWIS

PINURI kamakailan ng Commission on Audit (COA) ang Port of Manila (POM) District ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa napakataas na revenue collection performance nito noong 2024. Ayon sa Audit Observation Memorandum (AOM) ng COA na may petsang February 24, 2025, umabot sa 99.37 percent ang nakolektang buwis mula sa P84.813 billion tax collection target nito noong nakaraang taon. Lumalabas din na mas mataas ang naging koleksyon ng buwis ng Port of Manila noong 2024 kumpara noong 2023 na nasa P72.764 billion lang. Dagdag pa ng AOM report, malaking…

Read More

ATEACHER RATINGS TUMAAS KASUNOD NG PARANGAL KAY RODRIGUEZ SA DUBAI

MULING nakapagtala ng mataas na rating ang Ateacher party-list sa panibagong survey matapos bigyan ng parangal si nominee Virginia L. Rodriguez bilang distinguished Excellence in Agribusiness and Community Development Award ng Filipino Global Icon event sa Dusit Thani sa Dubai. Sa Global Filipino Icon Awards 2025 ay kinilala ang ilang huwarang Pilipino sa kanilang kontribusyon at kwento ng kanilang kahusayan, pamumuno, at paglilingkod sa mga Pilipino sa bansa at ibang lugar. Isinusulong ng ATEACHER party-list ang mga programang tunay na nakatuon sa serbisyo publiko, at hindi lang pangako kundi ito…

Read More