BINALAAN ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga kandidato sa posibleng electioneering ngayong panahon ng Semana Santa lalo na’t marami ang mag-uuwian sa mga probinsya. Binigyang-diin ni Gen. Marbil ang posibleng pagtaas ng political activities ngayong Mahal na araw. Sa isinagawang command conference sa Kampo Crame, inatasan niya ang mga pulis na paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na may aktibidad na may kaugnayan sa halalan. Nauna nang nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo, April 17…
Read MoreDay: April 15, 2025
IMEE AT VP SARA, PLASTIKAN LANG
GANITO inilarawan ng tagapagsalita ng Kabataan party-list ang mga political ads ni Senadora Imee Marcos-Manotoc na kung saan inendorso ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang reelection bid. “Imee needs Mindanao votes to save her Senate seat. Sara needs Senate votes to save her VP seat from conviction and for better chances to become president in 2028. This is about revenge and ambition, not service for the nation,” tinukoy ni Atty. Renee Co, tagapagsalita ng nasabing grupo. “May temang itim ang kinabukasan ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang…
Read MoreCAVITE STATE U, MULING MAY BOMB THREAT
MULI na namang nakatangggap ng pagbabanta na pasasabugin ang main campus ng Cavite State University (CVSU) noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report, nakatanggap sa email ang tanggapan ng CVSU Office of the Vice President (ovppass@cvsu.edu.ph) bandang alas-5:14 ng madaling araw ng isang mensahe na nagsasaad ng: “Sa pagsikat ng araw, habang umiinit mamaya ay sabay-sabay ay mga pagsabog sa CvSU Main. Nakakaawa ang mga bata, mainit, maraming pagsabog at putukan. Ilikas nyo ang mga estudyante sa lalong madaling panahon”, mula sa sender na rem.delaantonio@gmail.com Hindi naman binanggit sa…
Read MoreP4.9-M KETAMINE NASABAT NG PDEA
TINATAYANG 984 gramo ng hinihinalang ketamine ang nasabat sa interdiction operation sa pangunguna ng PDEA Seaport Interdiction Unit – Port of Manila, kasama ang Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, sa Surface Mail Exchange Department (SMED) ng Philippine Postal Corporation sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area Manila noong Lunes, Abril 4. Ang nasabing operasyon na isinagawa dakong alas-9:20 ng umaga, ay nagresulta sa pagkakadiskubre sa abandonadong parcel na naglalaman ng white powdery substance na hinihinalang ketamine na P4,920,000 ang halaga. Ayon sa ulat na isinumite ng PDEA RO NCR,…
Read More3 PNP OFFICIALS SA BARMM PINASISIBAK NG COMELEC
PINASISIBAK ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) ang tatlong mataas na opisyal nito sa Bangsamoro Autonomous region of Muslim Mindanao (BARMM). Kabilang dito ang Regional Director na si PBGen. Romeo Macapaz, PCol. Eleuterio Ricardo Jr., hepe ng Maguindanao Del Norte at PCol. Ryan Bobby Paloma, hepe ng Maguindanao Del Sur. Hiniling ang pagpapatanggal sa tatlong mataas na opisyal ni Comm. Aimee Ferolino, chairperson ng Gun Ban and Security Concerns Committee. Ito ay ipinaabot kay PNP Chief General Rommel Marbil at inaprubahan ng Comelec En Banc. Ayon…
Read MoreKahit negatibo sa paraffin test 7 PULIS SA PAMAMARIL KAY ESPINOSA ‘DI PA LUSOT
NEGATIBO sa paraffin test ang pitong pulis na persons of interest sa pamamaril kay Albuera, Leyte Mayoralty candidate Kerwin Espinosa, ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Randulf Tuaño. Sa isinagawang press briefing Martes ng hapon sa Kampo Crame, sinabi ng opisyal na hindi porke negatibo sila sa paraffin test ay lusot na sila sa kaso dahil maraming pamantayan na maaaring magnegatibo kahit nagpaputok ng armas. Kabilang dito ang pagsusuot ng gloves, paghuhugas ng kemikal upang maalis ang gun powder burns sa kamay at ang pagsusuot ng long…
Read MoreTRABAHO PL KAISA NG PUBLIKO SA PAGDIRIWANG NG PALM SUNDAY
NAKIISA ang TRABAHO Party-list sa pagdiriwang ng Araw ng Palaspas matapos maging abala sa kanilang mga sortie noong Linggo. Sa opisyal na Facebook Page ng 106 Trabaho Party-list, bumati ito ng “Isang pinagpalang Linggo ng Palaspas po sa inyong lahat”. Bukod sa pagbati, mayroon ding mensahe ang grupo kaugnay ng adbokasiya nito para sa mga manggagawang Pilipino. “Habang iwinawagayway po natin ang palaspas, atin pong pagnilayan kung paano natin mas masusuportahan ang ating mga manggagawa at kung paano tayo makabubuo ng makatarungang ekonomiya,” isinulat ng TRABAHO. Sang-ayon sa diwa ng…
Read MoreMGA NASA LIKOD NG PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NA NANINIRA SA MGA PARTY-LIST NOMINEE, PANANAGUTIN NG PNP
HAHABULIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na nasa likod ng pananakot, pagpapakalat ng black propaganda, at paninira sa mga kandidato gamit ang social media platforms. Pahayag ito ni PNP Anti-Cybercrime Group Chief Brig. Gen. Bernard Yang matapos maghain ng reklamo si ATeacher party-list nominee Virginia Rodriguez laban sa ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng Facebook at Tiktok accounts para siya ay siraan maging ang kinabibilangan niyang Party-list group. Sinabi ng PNP na malaki ang epekto ng ganitong mga aktibidad sa electoral process ng bansa kaya dapat itong…
Read MorePUSO SA SERBISYO: MAYOR GATCHALIAN SUPORTADO SENATORIAL BID NI CAMILLE VILLAR
NAKAKUHA ng suporta si Camille Villar sa kanyang senatorial bid mula kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa kanyang pagbisita sa lungsod noong Lunes ng umaga. Sa pag-endorso sa senatorial bid ni Camille Villar, binanggit ni Gatchalian na ang mga kabataan ay naging mga pinagkakatiwalaang lider ng henerasyong ito, na ginagawang mas inklusibo, at dinamiko ang serbisyo publiko sa gitna ng pagbabago ng panahon. “Hindi hadlang ang edad para makapaglingkod tayo kahit sa matataas na puwesto sa gobyerno. Bago ang mga ito (mga puwesto) ay nakalaan sa kakaunti lang, pero ngayon,…
Read More