ARESTADO sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang isang 69-anyos na senior citizen na most wanted person sa kasong pagpatay sa Capiz, makaraang matunton sa Cainta, Rizal noong Sabado ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang suspek na si Nelson Laurilla, may asawa, ng Mambusao, Capiz sa Western Visayas. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-11:15 ng gabi nang silbihan nina Police Captain Josephus Melpaz, chief ng Operation Section, at Police Lieutenant Meynard…
Read MoreDay: April 21, 2025
BANGKAY ITINAPON SA GITNA NG KALSADA
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung biktima ng salvage ang natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Inilarawan ang biktima na isang lalaking tinatayang may edad na 30-40 anyos, may taas na 5″3″, payat ang pangangatawan at may mga tattoo sa ulo at buong katawan. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang natagpuan ng rumorundang mga barangay tanod ang duguang bangkay ng biktima sa San Marino Phase 5 sa NIA Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City. May mga tama ng bala sa…
Read More2 NPA NA MANGINGIKIL SA MGA POLITIKO, PATAY SA SAGUPAAN
MASBATE – Dalawang hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro nang makasagupa nila ang nagrespondeng militar sa Barangay Libertad, sa bayan ng Cawayan noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025. Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nasa 12 rebelde ang kanilang nakasagupa na tumagal ng ilang minuto, na ikinasugat din ng isang sundalo. Isa pang rebelde ang naaresto at umaming may balak silang mangikil sa mga lokal na kandidato. Narekober ng mga awtoridad ang dalawang baril, tatlong anti-personnel mines, at mga dokumento ng grupo. (JESSE…
Read MoreSTEEL MAGNATE NA SI ANSON QUE AT DRIVER PINATAY SA SAKAL NG NYLON CORD
PINATAY sa sakal gamit ang nylon cord, ito ang lumalabas sa autopsy report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) na sanhi ng ikinamatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo. Sa isinagawang press briefing kahapon ng hapon sa Kampo Crame, sinabi ni PRO 3 Director at PNP Spokesperson Police Brig Gen Jean Fajardo, na lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na April 8 pa patay si Que at ang driver nito bago natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal kinabukasan. Batay sa…
Read MoreU.S. NMSES mananatili sa Pilipinas FULL BATTLE TEST, TEMA NG PHL-US BALIKATAN 2025
OPISYAL nang pinasimulan kahapon ng United States at Philippine Armed Forces ang 40th iteration ng PHL-US Balikatan war exercises na magtatampok sa inilatag na “full-scale battle scenario” na layuning masupil ang anomang elevated threat na posibleng maganap mula sa South China Sea. Tinatayang nasa mahigit 14,000 sundalo ang sasabak ngayon sa taunang “Balikatan”, kung saan masasaksihan ang ang integrated air and missile defense simulation, kabilang ang makabagong US mobile anti-ship missile NMESIS. Ayon kay US Marine Corps Lieutenant General James Glynn, mananatili ang NMESIS sa Pilipinas para magamit pa sa…
Read MoreBotante dinadaan sa budots NETIZENS KAY BONG REVILLA: MAHIYA KA NAMAN!
KINASTIGO sa social media si Senator Bong Revilla dahil sa kanyang pagsayaw ng budots habang nangangampanya. Katunayan, viral pa rin ang video ni Revilla habang sumasayaw na ginawa niya noong nakaraang halalan. Patutsada ng mga netizen, masyadong hinahamak ni Revilla ang mga botante sa kanyang estilong pasayaw-sayaw. Komento ng isang netizen, bukod sa parte ng political dynasty si Revilla, dinadaan niya sa budots ang mga tao para makalimutan ang ipinapasoling pera ng Sandiganbayan. Sa isang panayam kamakailan, ipinagtanggol ni Revilla ang sarili mula sa mga batikos at kantyaw na puro…
Read MoreISKO SA SUPPORTERS: IWASANG MAKIPAG-AWAY
HUWAG kayong papatol at makikipag-away. Ito ang mahigpit na paalala ni Manila Mayoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manileño partikular ang kanyang mga tagasuporta. Sa tuloy-tuloy nilang pag-iikot at motorcade sa San Andres bukod sa ikalimang distrito ng lungsod nitong Lunes, pagkatapos ng Semana Santa, hindi inalintana ng mga residente ang sobrang init ng panahon habang inaabangan ang pagdaan ni Yorme. Kasama ang kanyang tandem at Vice Mayoralty candidate Chi Atienza at buong slate ng Yorme’s Choice, talaga namang ramdam na ramdam ang malaking suporta na ibinibigay ng…
Read MorePNP BUMUO NG 2 KOMITE VS KIDNAPPING AT FAKE NEWS
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil na bumuo na siya ng dalawang bagong komite na tututok sa lumalang problema ng kidnapping at lalabanan ang patuloy na paglaganap ng fake news sa bansa. Pangungunahan ni PNP deputy chief for investigation Lt. Gen. Edgar Alan Okubo ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee na siya tututok sa pagtukoy, pagsugpo at paglansag ng mga organisadong kidnap-for-hire operation sa bansa. Sa kabilang dako, si PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Robert Rodriguez naman ang mangunguna sa Joint Anti-Fake News…
Read MoreLARAWAN NI IMEE MARCOS KASAMA SUSPEK SA QUE KIDNAP-SLAY KALAT SA SOCIAL MEDIA
TRENDING si Senador Imee Marcos sa social media matapos lumutang ang kanyang larawan kasama ang umano’y kidnaper na si David Tan Liao, na sumuko kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Filipino-Chinese na si Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo. Ibinahagi ng X account na Thirty One Million ang nasabing larawan kung saan makikita sina Liao at Marcos na naka-“V” sign sa isang event. Ayon sa naturang post, tinukoy ng Philippine National Police (PNP) si Liao bilang utak sa pagdukot at pagpatay kina Que at Pabillo.…
Read More