4-ANYOS, 1 PA PATAY SA AKSIDENTE SA NAIA TERMINAL 1

KUMPIRMADONG namatay ang dalawa katao, kabilang ang 4-anyos na babaeng paslit, sa nangyaring aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo ng umaga.

Bukod sa naturang paslit, isang lalaki rin ang iniulat na namatay sa aksidente pero hindi pa batid kung isa itong OFW o naghahatid lamang na kaanak sa paliparan.

Ayon sa sa inisyal na pagsisiyasat, sumalpok ang isang SUV sa outer railing at pumasok sa walkway malapit sa terminal entrance ng naturang airport.

Kinumpirma ng Philippine Red Cross ang pagkamatay ng dalawang biktima nang araruhin ng itim na SUV ang mga taong nasa departure area ng NAIA Terminal 1Makikita sa Facebook post ng PRC, ang isinagawa nilang pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng pangyayari.

“At around 8:55 AM, a sports utility vehicle (SUV) crashed through the outer railing and walkway before slamming into the entrance of the Departure Area at NAIA Terminal 1 in Pasay City. The incident tragically resulted in the deaths of two individuals—a male adult and a 4-year-old girl,” ayon sa FB post ng PRC.

Sa official statement ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng SUV habang isinugod sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Samantala, kinumpirna rin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagkamatay ng 4-anyos na bata sa aksidente na anak daw ng OFW.

“Nakakalungkot talaga ‘yung nangyari. Nakikiramay tayo lalo sa OFW na namatayan ng anak niya ngayon. Masakit. Kausap ko ‘yung father kanina. Hinatid lang siya nu’ng anak niya, nu’ng pamilya,” ani Dizon.

72

Related posts

Leave a Comment