Jolina, Rivermaya hindi sumipot: CONCERT NI KIKO SA CEBU HINDI BUMENTA

NILANGAW ang rally at concert ni dating senador Kiko Pangilinan sa Plaza Independencia sa Cebu City kahapon, batay sa mga paunang larawang kuha ng pahayagang The Freeman. Makikita sa larawan na ilang supporters pa lang ang nasa venue na nakapayong pa dahil sa masamang panahon. Kapansin-pansin din na kalat-kalat pa ang puwesto ng kanyang mga tagasuporta na tila nag-aabang lang sa mga performer. Naunang inanunsiyo ng kampo ng dating senator na hindi makakasipot sa pa-concert sina Jolina Magdangal at Rivermaya dahil sa hindi inaasahang kadahilanan. 86

Read More

LAPID NAIS PANATILIHIN ICONIC TRADITIONAL JEEPNEY

IGINIIT ni reelectionist Sen. Lito Lapid na dapat mapanatili ang iconic traditional jeepney sa pagmo-modernize ng public utility vehicles. “Kaya naman natin na gawing modernize ang mga traditional jeepney natin, maging aircon para maging komportable ang pagsakay ng ating mga pasahero, at ‘yung iba pa nga pinapatakbo na ng kuryente,” ayon sa senador. Dapat umanong suportahan at bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang mga local manufacturer ng traditional jeepney na gumagawa na ng makabagong sasakyan alinsunod sa public transport modernization program (PTMP). “Habang nire-review ang implementasyon nito, tulungan natin ang…

Read More

REKLAMO NG ABSENTEE VOTERS ‘DI DAPAT BALEWALAIN NG COMELEC

Kabayan party-list Rep Ron Salo

KINALAMPAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang Commission on Election (Comelec) na huwag balewalain ang reklamo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na iba ang lumalabas na pangalan sa mga ibinoboto nila. Ginawa ni Kabayan party-list representative Ron Salo ang pangangalampag matapos magreklamo ang isang OFW na nasa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia sanhi ng resulta ng kanyang mga boto sa senatorial at party-list group. “I am extremely disappointed with my experience casting my vote online. I selected only five candidate of the Senate and Kabayan partylist, but when…

Read More

UNITY RALLY KASADO SA EASTERN VISAYAS

MAGKAKASA ng malaking regional unity rally ang TINGOG Party-list at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Eastern Visayas kasama ang iba pang political parties sa Tacloban City. Target nitong mapagsama-sama ang mayorya ng 3-million Waray voters bilang suporta sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Inaasahang magtitipon-tipon sa nasabing unity rally ang anim na provincial governors, 13 district lawmakers, at nasa 10,000 community leaders at volunteers, gayundin ang 7 city mayors, at 136…

Read More

BILYONG PONDO NG PASIG CITY HALL KATUMBAS NG SAMPUNG INFRA PROJECTS

INILAHAD ni Pasig City Mayoralty candidate Sarah Discaya ang kanyang sampung major projects na kayang pondohan ng P9.6 billion na parehong halaga ng ipinatatayong bagong Pasig City Hall Building ni Mayor Vico Sotto. Ayon kay Discaya, sa halaga ng pondong P9.6 billion, kayang magpagawa ng bagong City Hall Building (P2.7 Billion); 1 Unit ng bagong 11-storey Hospital (P500 Million); 5 Units ng bagong 11-storey Housing Buildings (P2.0 Billion); bagong 11-storey University Building (P500 Million); 5 Units ng bagong 7-storey High School Buildings (P500 Million); 5 Units ng bagong 4-storey Elementary…

Read More

PAGBUBUKAS NG EMBO FACILITIES IKINATUWA NG MGA RESIDENTE

NAGBUNYI ang mga residente ng 10 EMBO barangay nitong Lunes matapos muling buksan ng City of Taguig ang matagal nang hindi napapakinabangang mga pasilidad gaya ng health centers, day care centers, at multi-purpose buildings. Ito ay kasunod ng kautusan ng korte na nag-aatas sa Makati na tigilan ang pagharang sa legal na pagmamay-ari ng Taguig sa mga pasilidad na ito. Sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas noong Mayo 5, iniutos ng Regional Trial Court ng Taguig sa pamahalaang lungsod ng Makati na itigil ang anomang uri ng panghihimasok sa…

Read More

SENIORS NG NOVA NAKATAYA NA SA SENIOR CITIZEN PL

NAGPAHAYAG ng kanilang suporta ang mga senior citizen ng Novaliches, Quezon City kay Senior Citizen Party-list Congressman Ompong Ordanes upang makabalik ito sa panunungkulan matapos ang halalan sa Mayo 12. “Ito lamang ang aming paraan upang maisakatuparan ang aming mga pangarap,” paliwanag ni Louie Laoit, pangulo ng Liga ng mga Senior Citizen ng Novaliches, ang District 5 ng lungsod. Saad pa ni Laoit, si Ordanes lamang ang nakapagbigay sa kanila ng tunay na serbisyo bilang lingkod bayan at kongresista. “Ipinakikita niya talaga ang kanyang pagmamalasakit sa sektor na kanyang kinakatawan,”…

Read More

PAGKANSELA SA MAKATI SUBWAY PROJECT HINDI DAPAT ISISI SA TAGUIG – MAYOR LANI

PARA kay Taguig Mayor Lani Cayetano, ang pagkakansela sa Makati Subway Project ay dulot ng kawalan ng malinaw na plano at legal na batayan. Ayon sa alkalde, naging usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang pagkansela sa nasabing proyekto na ayon sa contractor ay hindi na feasible dahil sa desisyong pabor sa Taguig na ibinaba ng Korte Suprema. Paglilinaw ni Mayor Cayetano, hindi kailanman nakipag-ugnayan sa kanila ang Makati tungkol sa Subway Project. Aniya, ‘hindi bago magdesisyon ang Korte, at lalong hindi pagkatapos– kaya ang pagsisi sa Taguig ay hindi lamang…

Read More

ERWIN TULFO NAMAMAYAGPAG PA RIN SA PINAKABAGONG SENATE SURVEY

LIMANG araw bago ang Halalan sa Mayo 12, patuloy na namamayagpag si Erwin Tulfo bilang nangungunang kandidato sa pagka-senador batay sa pinakabagong Senate survey. Sa pinakabagong Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na isinagawa mula Abril 20 hanggang 24, nakamit ni Tulfo ang 98% awareness at 52.7% voting preference, dahilan upang mailagay siya sa Rank 1-2. Mula pa noong 2024, tila hindi na natitinag si Tulfo sa tuktok ng listahan ng mga kandidato sa Senado. Lamang din ng 10.4% si Tulfo sa voting preference kumpara sa kandidatong sumunod sa…

Read More