INILAHAD ni Pasig City Mayoralty candidate Sarah Discaya ang kanyang sampung major projects na kayang pondohan ng P9.6 billion na parehong halaga ng ipinatatayong bagong Pasig City Hall Building ni Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Discaya, sa halaga ng pondong P9.6 billion, kayang magpagawa ng bagong City Hall Building (P2.7 Billion); 1 Unit ng bagong 11-storey Hospital (P500 Million); 5 Units ng bagong 11-storey Housing Buildings (P2.0 Billion); bagong 11-storey University Building (P500 Million); 5 Units ng bagong 7-storey High School Buildings (P500 Million); 5 Units ng bagong 4-storey Elementary School Buildings (P500 Million) dalawang bagong tulay (P300 Million); 10 Units ng 3km Roads sa Brgy. Pinagbuhatan (P100 Million); 3km Drainage & Flood Control sa Brgy. Pinagbuhatan (P100 Million) at 30 na bagong Multi-Level Multi-purpose Halls & Covered Courts (P1.5 Billion).
Ayon kay Discaya, mas maraming pakikinabangang serbisyo ang mamamayan sa halagang P9.6 billion na budget.
Ang bagong City Hall Building ay pakikinabangan ng lahat ng residente, ang bagong ospital ay pakikinabangan ng mahihirap na pamilya na hindi kayang makapagpagamot, ang Housing Buildings ay para magkaroon ng tahanan ang mga informal settlers sa Pasig, habang ang mga school building ay para sa mga mag-aaral. Ang mga bagong tulay at lansangan ay pakikinabangan ng mga motorista at residente at ang Drainage at Flood Control ay importante lalo na sa mga bahaing lugar sa lungsod.
Tiniyak ni Discaya na sakaling siya ay palarin, epektibo niyang gagamitin ang pondo ng LGU at nangako rin ito ng transparency gaano man kaliit o kalaki ang halaga ng pondong ilalaan sa bawat proyekto.
