UNITY RALLY KASADO SA EASTERN VISAYAS

MAGKAKASA ng malaking regional unity rally ang TINGOG Party-list at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Eastern Visayas kasama ang iba pang political parties sa Tacloban City.

Target nitong mapagsama-sama ang mayorya ng 3-million Waray voters bilang suporta sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Inaasahang magtitipon-tipon sa nasabing unity rally ang anim na provincial governors, 13 district lawmakers, at nasa 10,000 community leaders at volunteers, gayundin ang 7 city mayors, at 136 municipal mayors.

Ayon kina Tingog Party-list Representatives Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, ang aktibidad ay magpapakita ng unified voice ng buong Eastern Visayas region sa isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos. Ang Lakas-CMD ay magsisilbing co-host sa grand rally na katatampukan ng motorcade sa Tacloban City, at susundan ng unity program sa Tacloban Astrodome, kung saan inaasahang ilalahad ng lahat ng Alyansa senatorial candidates ang kani-kanilang plataporma.

Ang Eastern Visayas ay mayroong three-million registered voters at inaasahang magbibigay ng game-changing political bloc sa 2025 elections. Bahagi ng Alyansa Senatorial line-up sina Benhur Abalos, Abby Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Erwin Tulfo, and Camille Villar.

Imbitado rin sa pagtitipon ang 12 pang mambabatas mula Eastern Visayas.

Ayon kay Speaker Romualdez, malinaw ang paninindigan ng Eastern Visayas na suportahan ang mga kandidatong may malasakit, may bisyon, at may konkretong plano para sa bayan.

Bahagi rin ng aktibidad ang paglalahad ng legislative priorities at local programs sa rehiyon na naka-angkla sa plataporma ng Alyansa sa trabaho, edukasyon, kapayapaan, at inclusive growth.

47

Related posts

Leave a Comment