REKLAMO NG ABSENTEE VOTERS ‘DI DAPAT BALEWALAIN NG COMELEC

Kabayan party-list Rep Ron Salo

KINALAMPAG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang Commission on Election (Comelec) na huwag balewalain ang reklamo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na iba ang lumalabas na pangalan sa mga ibinoboto nila.

Ginawa ni Kabayan party-list representative Ron Salo ang pangangalampag matapos magreklamo ang isang OFW na nasa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia sanhi ng resulta ng kanyang mga boto sa senatorial at party-list group.

“I am extremely disappointed with my experience casting my vote online. I selected only five candidate of the Senate and Kabayan partylist, but when I check(ed) my vote, I found that the slots for senatorial candidate names were filled with twelve names that I did not choose,” ayon sa post ng nagrereklamong OFW sa Facebook account ng Filipino Liaison Association sa Riyadh.

“Additionally, the Kabayan partylist which I voted for was replaced with the Kalinga party-list, which I did not select,” ayon pa sa post ng nasabing OFW na sinadyang hindi na pangalanan para sa kanyang proteksyon.

Tinangka umano ng OFW na itama ang resulta ng kanyang boto subalit walang edit button sa Comelec website kaya umapila na si Salo sa Comelec na aksyunan ang problemang ito at gayun din ang ibang naranasan ng ibang mga OFW.

“This is deeply alarming. If these reports are true, they raise serious questions about the integrity and reliability of the overseas voting system. Our OFWs deserve better,” pinansin ng mambabatas.

Kailangang aniyang magsagawa ng agarang aksyon ang Komisyon sa problemang ito dahil nakokompromiso umano ang boto ng mga OFW na isang sagradong karapatan para sa mga Pilipino tuwing ikatlong taon.

Nagbabala ang mambabatas na hanga’t hindi nareresolba ng Comelec ang problemang ito ng mga OFW ay malalagay sa pagdududa ang resulta ng eleksyong gaganapin sa Mayo 12.

“We maintain our trust in the electoral system and incidents like this must not be ignored. They must be addressed immediately to dispel any doubt or mistrust they may cause among our voters overseas,” idiniin ng mambabatas.

(PRIMITIVO MAKILING)

36

Related posts

Leave a Comment