ARAW NG HALALAN

EDITORIAL  NGAYON ang Araw ng Halalan. Mahigit 68 milyong Pilipinong botante ang inaasahang lalahok sa midterm election para punan ang mahigit 18,000 posisyon mula sa Senado, hanggang puwesto sa lokal, kabilang ang sa Bangsamoro region. Pinakamaraming bilang ng mga botante ang Calabarzon na may 9,714,079. Sumusunod ang mga rehiyon ng Region III, NCR, Region VII, at Region V. Pinakamalaki namang voting provinces ang Cebu, Cavite, Bulacan, Pangasinan, Laguna, Negros Occidental, Batangas, Pampanga, Rizal, at Iloilo. Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na magiging mapayapa at maayos ang 2025 midterm elections.…

Read More

PAGKAKATAONG PUMILI NG MGA KARAPAT-DAPAT NA LIDER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NARITO na naman ang panibagong pagkakataon nating mga Pilipino para tugunan ang ating tungkuling pumili ng mga lider na maglilingkod sa bayan at magdadala ng positibong pagbabago sa ating lipunan. Tutok na tutok ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at pati na rin ang mga volunteer para sa mga paghahanda na magsisigurong magkakaroon ng maayos at payapang eleksyon. Halimbawa na lang itong sektor ng enerhiya kabilang ang Department of Energy at Meralco na walang patid sa paglalahad ng kahandaan para masigurong mayroong maayos na…

Read More

TULOY ANG BENTE-BENTE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TULOY ang pagbebenta ng P20 kada kilo na bigas simula Mayo 13, isang araw matapos ang halalan. Ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas ay inilunsad nitong Mayo 1 sa Cebu City, ngunit pinahinto muna dahil sa halalan. Ngayong Mayo 13, lumawak na ang lugar na magbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo at simula na itong ibebenta sa mga piling Kadiwa ng Pangulo center sa Metro Manila at mga karatig na probinsya. Ayan, pinangatawanan at pinanindigan ng administrasyong Marcos na hindi gimik pang-eleksyon…

Read More

ROAD SAFETY AT HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAMS, PINATITIYAK NA NAKAHANDA SA HALALAN

BINIGYANG-DIIN ni Senador Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapakalat ng road safety at health emergency response teams upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na habang nagsisibalikan ang mga Pilipino sa kanilang mga lalawigan upang bumoto. Ayon kay Gatchalian, inaasahan ang pagtaas ng dami ng mga sasakyan sa kalsada kasabay ng matinding init ng panahon, kaya’t napakahalaga ng presensya ng mga nasabing response teams. Ang mga ito anya ay dapat nakikipag-ugnayan nang mabuti sa mga tagapagpatupad ng batas at mga awtoridad sa trapiko upang matiyak ang maagap, organisado, at epektibong…

Read More

CSC WINASTO KWALIPIKASYON NG HS GRADS NA PWEDE SA GOV’T SERVICE

IN-UPDATE ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa first-level government positions, pormal na pinapayagan ang mga high school graduate, kabilang na iyong nakakumpleto ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) under the K to 12 program, na makapasok sa government service. Ang pagbabago ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, ipinahayag noong March 6, 2025. Sa isang kalatas, araw ng Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang resolusyon na nagwawasto sa educational requirements para sa entry-level government…

Read More

Gibo sa Tsina: WALA SILANG PAKIALAM

KAMPO AGUINALDO, Lungsod Quezon — Matindi ang birada ni defense secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. sa pagtutol ng Tsina sa pag-deploy ng iba’t ibang military asset ng Estados Unidos sa Pilipinas para ibasura ang sinasabing mga agam-agam ng Beijing ukol sa tensyong magreresulta rito sa South China Sea (SCS), partikular sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Una rito, tinutulan ng Tsina ang deployment sa bansa ng US-made na Mid-Range Capability (MRC) missile system, o ang bantog na Typhon launcher. Ayon sa Beijing, ang pag-apruba nito ay magbubunsod ng “geopolitical…

Read More

100 TAONG KULONG SA EX-PAGCOR CHIEF, 4 PA

SINAMPAL ng 100 taong pagkakulong ng Sandiganbayan si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pa kaugnay ng kasong multiple counts ng graft at malversation of public funds na may kaugnayan sa paglustay sa P187.7 milyong pondo ng ahensya. Kasamang nahatulan sina former president and chief operating officer Rafael Francisco; former senior vice president (SVP) for administration Rene Figueroa; SVP for corporate communications services Edward “Dodie” King; at former assistant vice president for internal audit Valente Custodio matapos mapatunayang guilty sa five counts…

Read More

3 INDIBIDWAL DINAMPOT SA P1.5-M SHABU

ARESTADO ang tatlong indibidwal na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, habang nakumpiska ang mahigit P1.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Heart”, 20; “Nene”, 24, at “Dan”, 45-anyos, pawang mga residente ng Barangay 501, Sampaloc, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, commander ng Police Station 4 ng Manila Police District, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa nasabing lugar. Tinatayang…

Read More

P197.2-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA PARAÑAQUE

UMABOT sa 29 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P197.2 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PDEA SDO, PNP Drug Enforcement Group SOU NCR, PNP SPD Parañaque City Police Station 3, PNP SPD Parañaque Substation 5, at PNP SPD Parañaque SDEU, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang drug personalities at nakumpiska ang…

Read More