AI-POWERED SCAMS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAYROONG kumakalat ngayon sa social media na babalang pati mga screenshot ng legitimate bank transactions, kaya nang kopyahin at magamit para makapanloko — patunay na lalo pang tumitindi ang mga scam. Hindi na simpleng panloloko lang ang ginagawa ng masasamang loob. Laganap na nga ang cybercrimes at nagiging high-tech na rin ang mga ito. Sa mabilis na paglawak ng aplikasyon ng artificial intelligence (AI), mas pino, mas makatotohanan, at mas mahirap nang matukoy ang samu’t saring scams na araw-araw na bumibiktima sa mga ordinaryong mamamayan.…

Read More

TIRADOR NG POGO SA BI INTEL NAGPAPASARAP?

BISTADOR ni RUDY SIM ANG may hawak ng timbangan ng katarungan na dapat sanang nakapiring ang mga mata at walang kinikilingan ay lantarang sinasalaula ang batas upang magpatuloy ang kasakiman at katiwalian sa isang ahensyang kanyang nasasakupan. Bulag ba ang Department of Justice sa pagsasabing mahina at walang ebidensya ng katiwalian sa kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korupsyon laban kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ng umano’y concerned BI employees na siyang may tunay na pagmamahal sa ahensya, dahil sa kanilang nakikitang lantaran at walang pakundangan na…

Read More

CEBU REP. DUKE FRASCO KWALIPIKADO MAGING HOUSE SPEAKER NG 20TH CONGRESS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI na ang nag-aabang sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo. Isa sa mga inaantabayanan syempre ay kung sino ang susunod na House Speaker bagaman, maaga pa ay nagdeklara na ng suporta ang ilan sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez. Mukhang nais nilang palabasin na hawak pa rin ni Romualdez ang mayorya sa Kamara. Pero sa pagtatapos ng 19th Congress ay lumutang ang malawakang pagkadismaya sa pamumuno ni Romualdez. Nangangahulugan daw ito na mayroon nang lamat sa pamumuno ng pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos sa…

Read More

Sina Sen. Erwin Tulfo at ACT-CIS Cong. Edvic Yap

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng mga tradisyunal na mukha ng pulitika sa Senado, kapansin-pansing naiiba si Sen. Erwin Tulfo—isang lider na dala ang boses ng masa, tapang ng mamamahayag, at malasakit ng tunay na lingkod-bayan. Mula sa kanyang mga taon bilang tagapagtanggol ng naaapi sa radyo at telebisyon, dala-dala niya ngayon sa bulwagan ng Senado ang parehong prinsipyo: hindi palalampasin ang pang-aabuso, hindi papayag sa kabagalan, at hindi matitinag ng kapangyarihan. Ramdam na agad ng taumbayan ang kanyang presensya. Hindi siya ang uri ng mambabatas na kuntento…

Read More

OMBUDSMAN MARTIRES BINABANTAYAN SA ‘GALAW’ SA REKLAMO VS VP SARA

BINALAAN ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Ombudsman Samuel Martires laban sa posibleng pag-whitewash nito sa iniimbestigahang reklamo sa paglustay sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte. “We would just like to warn the Ombudsman that being a Duterte appointee the people are extra vigilant in watching him as they fear that there may be a whitewash of the case against VP Duterte even if the evidence are overwhelming,” ani outgoing ACT Teacher party-list Rep. France Castro. Ginawa ng mambabatas ang warning matapos simulan ni Martires…

Read More

VP SARA WALANG GRAFT CASE SA OMBUDSMAN

WALANG kasong naisampa sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kontrobersyal na confidential funds sa Department of Education at Office of the Vice President. Paglilinaw ng House of Representatives, hindi ito nagsampa ng pormal na reklamo laban kay VP Sara sa Office of the Ombudsman. Sinabi ito ni House Spokesperson Atty. Princess Abante sa gitna ng mga balita na inutusan ng Ombudsman si Duterte at ilan pang opisyal na sagutin ang alegasyon mula sa isinagawang imbestigasyon ng House committee on good government and public…

Read More

PAGLABAS NG EBIDENSYA KINATATAKUTAN NI VP SARA – DE LIMA

GINAGAWA na umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang Impeachment trial dahil takot ito na lumabas ang mga ebidensya, hindi lamang sa kanya kundi sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni incoming Mamamayang Liberal (MIL) party-list Rep. Leila de Lima ang pahayag dahil sa ‘galawan’ umano ng kampo ni Duterte kung saan ang pinakabago ay ang aksyon ng Office of the Ombudsman. “You can say, they’re really scared. I mean VP Sara is scared. This is really cause for…

Read More

DUTERTE YOUTH PL: PANATIKO NI DIGONG HINDI YOUTH REP

PANATIKO ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Duterte Youth party-list, ayon sa isa sa mga nominee ng Gabriela party-list na si Amihan secretary general Cathy Estavillo ukol sa kaso ng nasabing party-list group na kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration. “Duterte Youth is a bogus party-list that not only lies about representing the youth sector but is also complicit in violence against it, through a history of relentless red-tagging, support for military presence and propaganda in schools, and its fanaticism for the fascist mass-murderer and criminal Duterte,”…

Read More

Pagkatapos ng joint US, Japan, PH coast guard exercise 2 JAPANESE DESTROYERS DUMAONG SA PILIPINAS

MATAPOS ng isinagawang joint coast guard exercises ng Japan, Estados Unidos at Pilipinas sa dagat na bahagi ng Kagoshima, Japan nitong nakalipas na linggo, dumaong naman sa Pilipinas ang dalawang Japanese destroyer ng Japan. Dumating sa Pilipinas ang dalawang malaking war ship ng Japanese Maritime Self-Defense Forces na layuning mas palakasin pa ang regional security sa pamamagitan ng pagsasagawa na continuous joint exercises kasama ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Indo-Pacific Region. Kasama sa mga layunin nito na higit na mapalalim ang tactical capacities ng JMSDF at maging ang pagbuo…

Read More