Magkakanlong sa FC suspects mananagot din: SUMUKO NA KAYO!

“SUMUKO na kayo ngayon!” Hamon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suspek na nananatiling at-large kabilang na si dating House Appropriations Committee chair at nagbitiw nang Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Sa kanyang video message sa social media nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na ilan sa 16 na suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Dagdag pa niya: “To all the accused still at large, I advise you to surrender now. Don’t wait to be chased after… It’s better for your situation to surrender now so that…

Read More

Babala ni Zaldy Co: Katotohanan ililibing P56-B KICKBACK PINAGHATIAN NINA PBBM, ROMUALDEZ?

UMAABOT umano sa P56 bilyon ang naideliber ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez mula nang maupo si Co bilang chairman ng House committee on appropriations. Ito ang bagong akusasyon ni Co sa isang video statement na inilabas kahapon. Una niyang pinasalamatan ang mga aniya’y bukas ang isip na nakikinig sa kanyang panig at iginiit na hindi siya makakauwi sa bansa dahil umano sa banta sa kanyang buhay. “Ngayon naman ay meron kaming natanggap na balita. Papalabasin ng administrasyon na…

Read More

PASABOG NI ZALDY CO TINABLA NG PALASYO: FAKE NEWS PA RIN

NANANATILING “fake news” sa pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pahayag ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, lalo na ang panibagong pasabog tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects. Aniya, basahin man ang kanyang mga pahayag online, “wala itong kuwenta” kung hindi niya haharapin ang kaso sa bansa. “Anyone can go online and make all kinds of claims… but it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya. Kung meron siyang gusto sabihin, sabihin niya. Malalaman naman…

Read More

GOITIA: ESTRATEHIYA NG AFP PATUNAY NA HINDI SUSUKO PILIPINAS SA TSINA

HABANG patuloy na umaarangkada ang agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea mula sa pag-ram, pag-shadow, paggamit ng military-grade lasers, hanggang sa pagpapakalat ng disinformation ay mas binibigyang lakas ng Pilipinas ang depensa nito. Bilang tugon, inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang iba’t ibang hakbang para protektahan ang soberanya, pangalagaan ang karapatang pandagat, at ipagtanggol ang rules-based international order. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang mensahe: maninindigan ang Pilipinas — at hinding-hindi susuko. Patuloy ang AFP sa regular patrols at maritime presence bilang…

Read More

500 PDLs INILIPAT SA MINDORO

BILANG paghahanda sa pagsasara ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa sa taong 2028, inilipat na ang nasa 500 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Oriental Mindoro. Nitong Lunes, ibiniyahe ang mga PDL patungong SPPF na ineskortan ng 150 tauhan mula sa NBP na sinabayan pa ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), umaabot na sa 13,781 PDLs ang nailipat sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) bilang bahagi ng preparasyon para sa pagsasara ng NBP at…

Read More

Sangkot sa pagpapasabog COLLEGE DEAN ARESTADO SA PAGKAMATAY NG 2 BRGY. OFFICIALS

HAWAK na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang college dean sa Maguindanao del Sur, na sinasabing sangkot sa roadside bombing na ikinamatay ng dalawang barangay officials noong taong 2023. Ayon kay Police Major Gen. Robert Morico II, acting PNP-CIDG director, nadakip ng kanyang mga tauhan si alyas “Sarip”, 33-anyos, sinasabing may kinalaman sa November 2023 roadside bombing sa Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha na ikinasawi nina Jun “Datumanot” Silongan, barangay chairman ng Brgy. Pendeten, sa bayan ng Datu Salibo, at Barangay Councilor Salik Katua. Ayon sa ulat…

Read More

Amihan at shearlines magpapaulan sa Luzon BAHA AT LANDSLIDES NAKAAMBA SA VISAYAS AT MINDANAO SA TD VERBENA

NAKAAMBA ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpabaha sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao bukod pa sa banta ng landslides bunsod ng inaasahang pananalasa ng Tropical Depression Verbena. Ayon sa PAGASA nitong Lunes, habang tinatahak ni TD Verbena ang Visayas ay patuloy itong lumalakas kaya naglabas sila ng babala hinggil sa malawakang pagbaha at rain-induced landslides, na inaasahang maka-aapekto sa maraming paaralan at residential areas. Ayon sa state weather bureau ang tropical cyclone ay posibleng maging ganap na tropical storm nitong Lunes hanggang ngayong araw ng Martes o sa…

Read More

MIYEMBRO NG CRIME GROUP TIMBOG SA BARIL, DROGA

BULACAN – Isang miyembro ng Saturnino criminal group ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) nitong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM sa lalawigan. Base sa report ni PLt. Col. Reyson Bagain, Chief of Police ng SJDM CPS, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Potpot,” 31, matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga awtoridad. Ang suspek ay kilalang miyembro ng Saturnino criminal group at kabilang sa COPLAN BILOG target list ng SJDM CPS. Nasamsam mula…

Read More

DAGDAG POWER SA COMELEC ISINULONG SA KAMARA

BIBIGYAN ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) para masala ang certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato bago ito tumakbo sa anomang posisyon sa gobyerno. Sa House Bill (HB) 2735 o Enhanced COC Documentary Requirements Act of 2025″ na inakda ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Robert Nazal, hindi na ministerial lamang ang gagampanan ng Comelec sa pagtanggal ng COCs ng mga kandidato. Upang maisatuparan ito, pinaamyendahan ng mambabatas ang Section 76 ng Omnibus Election Code kung saan bubusiin nang husto ang documentary requirements na kailangang…

Read More