“SUMUKO na kayo ngayon!”
Hamon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suspek na nananatiling at-large kabilang na si dating House Appropriations Committee chair at nagbitiw nang Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Sa kanyang video message sa social media nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na ilan sa 16 na suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Dagdag pa niya: “To all the accused still at large, I advise you to surrender now. Don’t wait to be chased after… It’s better for your situation to surrender now so that you can answer the allegations.”
Babala pa ng Pangulo: “To those who plan on helping them hide, remember, you will also be held accountable.”
Mugshots Inilabas
Sa joint presscon ng DILG, PNP, DOJ, NBI at DPWH ay inilabas ang mugshots ng mga suspek na hawak na ng gobyerno. Ang mga ito ay sina:
• Dennis Pelo Abagon – OIC Chief, DPWH 4B Quality Assurance & Hydrology Division
• Gerald Pacanan – DPWH Mimaropa (4B) Regional Director
• Gene Ryan Altea – Assistant Regional Director, ngayon Director ng DPWH Bureau of Maintenance
• Ruben delos Santos Santos Jr. – Assistant Regional Director
• Dominic Gregorio Serrano – DPWH 4B Construction Division Chief
• Juliet Cabungan Calvo – DPWH 4B Maintenance Division Chief
• Felizardo Sevare Casuno – Project Engineer III
• Lerma Dotado Cayco – BAC Accountant IV, DPWH 4B
Nananatiling ‘at large’ si Zaldy Co na huli umanong nakita sa Japan bago lumabas ang arrest warrant laban sa kanya.
3 Nasa Abroad Na
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, tatlong suspek pa ang nasa labas ng bansa, na kinilalang sina:
• Aderma Angelie D. Alcazar – Sunwest president/chair; nasa New Zealand
• Cesar X. Buenaventura – Sunwest treasurer; nasa New York, U.S.
• Montrexis T. Tamayo – DPWH 4B OIC Chief Planning & Design; nasa Jordan
“Save for Zaldy Co, the others abroad have contacted our law enforcement agencies and are expected to show up at the embassy for repatriation,” ayon kay Remulla.
Kasama ring hinahanap sina: Timojen Adiong Sacar – DPWH 4B Material Engineer; Consuelo Dayto Aldon – Sunwest Board of Directors; Engr. Noel Yap Cao – Sunwest Board of Directors; at Anthony L. Ngo – Sunwest Board of Directors.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na hindi titigil ang pamahalaan sa pag-usig sa mga sangkot.
“Walang espesyal na pagtrato. Mananatili sila sa kustodiya ng NBI habang naghihintay ng utos ng korte,” babala pa niya.
Speaker Dy: May Paglalagyan Kayo
Bukod sa Pangulo, nagbabala rin si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III laban sa mga nagtatago o kumakanlong sa mga suspek.
Matapos mabalitang sa bahay umano ng isang politiko nahuli si Engr. Dennis Abagon, nagpaalala si Dy: “May pananagutan sa batas ang sinomang nagkukubli o humahadlang sa mga hakbang na ito.”
Dagdag pa niya, nirerespeto ng Kamara ang proseso ng ICI at Ombudsman. “Igalang natin ang mga institusyong naghahanap ng katotohanan para managot ang dapat managot.”
PNP: Tambay Muna sa CIDG
Kaugnay nito, inihayag ni PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño na ang pitong may warrant ay hawak ng PNP-CIDG habang hinihintay ang return of warrant sa Sandiganbayan.
Nasa kustodiya anila ngayon sina: Gerald Pacanan, Gene Ryan Altea, Ruben delos Santos Santos Jr., Dominic Gregorio Serrano, Felizardo Sevare Casuno, Juliet Cabungan Calvo at Lerma Dotado Cayco.
Binalaan din niya ang mga nagkakanlong sa iba pang suspek na may posible silang kaharaping kaso.
(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD/TOTO NABAJA)
28
