BUMABA ng 24 porsiyento ang index crime sa Metro Manila sa pagpasok ng taong 2026, ayon sa Philippine National Police–National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO). Ayon sa NCRPO, sa unang bahagi ng buwan ay naitala ang 32 porsiyentong pagbaba sa mga kaso ng murder, 10 porsyento sa physical injuries, at 4 porsyento sa theft o pagnanakaw. Malaki rin ang ibinaba ng iba pang krimen, kabilang ang 67 porsiyentong pagbaba sa mga kaso ng rape, 89 porsiyento sa carnapping ng motor vehicles, at 60 porsiyento sa carnapping ng mga motorsiklo. Idiniin…
Read MoreDay: January 22, 2026
DAY 2 NG NATIONAL DECONGESTION SUMMIT NG SC UMARANGKADA
HUSTISYANG Mapagpalaya sa Sistemang Makabago ang tema ng ikalawang National Decongestion Summit na inorganisa ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC na sinimulan kahapon at magtatapos ngayong Araw ng Biyernes, Enero 23. Layon ng JSCC sa pangunguna ng Korte Suprema katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG), sa ikalawang araw ng ‘Decongestion Reintegration Summit, na maresolba ang nagsisiksikang mga piitan na sumisira sa layunin ng makabuluhang pagbabago. Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, mananatiling matatag ang Korte Suprema sa paglutas sa…
Read MoreAMBISYOSONG KAWANI
RAPIDO ni PATRICK TULFO GAANO katotoo na nasipa at hindi nag-resign ang isang kawani ng gobyerno dahil sa pagiging ambisyoso masyado nito. Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, bibong-bibo itong si kawani sa kanyang assignment sa pagtulong sa ating mga OFW na matagal nang may kinahaharap na problema. Binigay raw ng kanyang boss kay kawani ang trabaho upang matugunan ang mga dapat na gawin at agaran itong masolusyunan. Ito ay dahil hindi na siya baguhan sa nasabing problema ng mga OFW. Pero sabi ng aking source, nasobrahan sa pagiging bibo itong…
Read MoreREJOICE
HOPE ni GUILLER VALENCIA SABI ni St. Paul, “rejoice at all times” (1 Thessalonians 5:16). Maybe sa kanyang panahon masasabi niya na rejoice at all times. But mind you, Si St. Paul in his times ay nakaranas ng pag-uusig, hagupitin, makulong, at magutom, Paano naman kaya ang lagay ng ating bansa; socially, politically and economically? Masasabi ba natin to rejoice at all times? Maybe the rich, powerful and celebrities could rejoice at all times. In real life, kung may financial needs, family problems, legal and health issues, still can we…
Read MoreSa tumitinding aggression sa WPS HANDA BA ANG US NA IPAGTANGGOL ANG PH SA CHINA?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA UULIT-ULITIN ng pitak na ito, kahit pauwiin pa, kahit isarado pa natin ang PH embassy, sa tingin ko, hindi sasapat ito para tumigil ang pambabalahura sa atin ng China, mas agresibo ring hakbang ang dapat natin gawin — ito ay upang iparamdam na ayaw natin, galit na tayo, at hindi papayag na maagaw ang ating soberenya sa ating teritoryo sa dagat ng West Philippine Sea (WPS). Atin, hindi sa China ang 200-nautical mile exclusive economic zone: ito ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration…
Read MoreWALANG GHOST HEALTH CENTER SA QUEZON—GOV. HELEN TAN
TARGET ni KA REX CAYANONG MARIING tinuligsa ni Quezon Governor Helen Tan ang mapanlinlang na paggamit ng kanyang larawan at ang caption na “‘Ghost’ Health Center” na inilabas ng Bilyonaryo News Channel kaugnay ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas City. Ayon kay Gov. Tan, malinaw sa mismong ulat na may mga naganap na aktibidad sa konstruksyon ng naturang ospital kaya’t mali at nakalilinlang ang pagpapahiwatig na isa itong “ghost health center.” Giit niya, hindi maaaring gawing panangga ang paggamit ng quotation mark at question mark upang bigyang-katwiran ang…
Read MoreMaleta ng reklamo bitbit ng grupo ni Defensor KARAPATAN NG PILIPINO NA PANAGUTIN SI MARCOS IPINAGKAIT NG KAMARA
IPINAGKAIT umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sambayanang Pilipino ang karapatan nitong panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos tumangging tanggapin ng Office of the Secretary General ang ikatlong impeachment complaint laban sa Pangulo. Ito ang pahayag ng grupo na pinamumunuan ni dating congressman Mike Defensor matapos hindi tanggapin ng tanggapan ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang kanilang reklamo dahil wala umano sa bansa ang opisyal. “The refusal of the Office of the Secretary General of the House of Representatives to accept the impeachment complaint is…
Read MoreROMUALDEZ NATUTUMBOK NA SA FLOOD SCAM?
(BERNARD TAGUINOD) UNTI-UNTI na umanong natutumbok si dating House Speaker Martin Romualdez sa sinasabing anomalya sa flood control projects, kaugnay ng kumpanyang sinasabing bumili ng isang mamahaling bahay sa Forbes Park, Makati City. Ito ang paniniwala ni Navotas Rep. Toby Tiangco, na patuloy na nananawagan na dapat may mapanagot na “malaking isda” sa nasabing anomalya upang maibalik ang tiwala ng mga negosyante sa pamahalaan. Ayon kay Tiangco, natumbok na umano ni Sen. Panfilo Lacson ang isang mahalagang lead sa imbestigasyon nang matukoy na ang bumili ng ari-arian sa 30 Tamarind…
Read MoreMAHAHATULAN SA FLOOD SCAM ITATAPON SA SABLAYAN
HANDA ang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sakaling masentensiyahan ang mga sangkot sa umano’y flood control scam. Sa panayam ng media sa ginanap na Second National Decongestion Summit sa Manila Hotel, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na patuloy ang konstruksiyon ng isang “supermax” prison facility sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro para sa high-profile criminals. “Almost done. This first quarter, matatapos na ito—just in case kailanganin maglagay ng facility para sa mga involved sa flood control cases,” ayon kay Catapang. Dagdag pa…
Read More