AMBISYOSONG KAWANI

RAPIDO ni PATRICK TULFO

GAANO katotoo na nasipa at hindi nag-resign ang isang kawani ng gobyerno dahil sa pagiging ambisyoso masyado nito.

Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, bibong-bibo itong si kawani sa kanyang assignment sa pagtulong sa ating mga OFW na matagal nang may kinahaharap na problema.

Binigay raw ng kanyang boss kay kawani ang trabaho upang matugunan ang mga dapat na gawin at agaran itong masolusyunan. Ito ay dahil hindi na siya baguhan sa nasabing problema ng mga OFW.

Pero sabi ng aking source, nasobrahan sa pagiging bibo itong si kawani at tinarget ang posisyon ng kanyang boss. May plano raw siguro itong si kawani na sipain ang kanyang boss sa pwesto at siya ang ipapalit dahil naramdaman nitong malakas siya sa Malacañang.

Ang problema, nakarating sa kanyang boss ang ginawa niyang pagpasa ng papel sa itaas upang palitan sa posisyon ang kanyang boss.

Malas niya, mas malakas sa itaas ang kanyang boss.

Nagbitiw na lang daw sa posisyon itong si kawani dahil sa kahihiyan umano at nabisto ang kanyang plano.

Kumpara naman kay kawani, ‘di hamak na mas maraming napatunayang magandang trabaho ang boss niya, kesa sa kanya na walang alam kundi magpapogi, ay pogi nga ba o maganda si kawani? Kasi balita ko, tumitili raw ito kapag tatawid sa kalye, he he he.

53

Related posts

Leave a Comment