DAY 2 NG NATIONAL DECONGESTION SUMMIT NG SC UMARANGKADA

HUSTISYANG Mapagpalaya sa Sistemang Makabago ang tema ng ikalawang National Decongestion Summit na inorganisa ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC na sinimulan kahapon at magtatapos ngayong Araw ng Biyernes, Enero 23.

Layon ng JSCC sa pangunguna ng Korte Suprema katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG), sa ikalawang araw ng ‘Decongestion Reintegration Summit, na maresolba ang nagsisiksikang mga piitan na sumisira sa layunin ng makabuluhang pagbabago.

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, mananatiling matatag ang Korte Suprema sa paglutas sa mga dahilan ng jail congestion na ginagarantiyahan ng Saligang Batas.

Gaya ng kalayaan at tamang proseso, refined bail jurisprudence o pinakabagong desisyon sa paglalagak ng piyansa, napapanahong paghatol sa mga kaso, regular na pagbisita at pagpapaluwag sa mga kulungan, pagpapatupad ng continuous trial, regular monitoring ng mga nakabinbing kaso at paggamit ng teknolohiya sa case management system at iba pa sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.

Idinagdag din ni CJ Gesmundo ang pagsusulong ng mas makatao, restorative and reform-oriented na sistema ng hustisya.

Ang Jail Decongestion Summit ay unang idinaos noong 2023 na naglalayong mabigyan ng maayos na pamumuhay at may dignidad ang mga PDL o persons deprived of liberty habang sila ay nasa piitan.

(JULIET PACOT)

43

Related posts

Leave a Comment