4-DAY WORKWEEK HINDI SAKLAW MGA PAARALAN

NILINAW ni Sonny Angara, kalihim ng Department of Education (DepEd), na hindi kabilang ang mga klase sa public schools sa ipatutupad na four-day work week sa ilang tanggapan ng pamahalaan. Batay sa kumpirmasyon ni Angara noong Marso 7, nananatiling limang araw ang pasok ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan. Gayunman, saklaw aniya ng nasabing kautusan ang mga opisina ng DepEd. Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang pagpapatupad ng four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula Marso 9 bilang bahagi ng contingency measures ng…

Read More

DOH NAGBABALA SA MALALANG SAKIT SA BAGA DULOT NG VAPE

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) laban sa paggamit ng vape o e-cigarette dahil maaari itong magdulot ng E-Cigarette or Vaping Use-Associated Lung Injury (EVALI). Ayon sa American Lung Association, ang EVALI ay isang acute respiratory illness o biglaang sakit sa baga na maaaring makuha sa paggamit ng vape devices. Kabilang sa mga sintomas nito ang ubo, hirap sa paghinga, at pananakit ng dibdib. Sa malalang kaso, maaari itong magdulot ng permanenteng pagkasira ng baga, pagkaospital, at maging pagkamatay. Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit…

Read More

22 MANGINGISDANG NAKULONG SA MALAYSIA, BINIGYAN NI SENATOR ERWIN TULFO NG KUMPLETONG FISHING GEAR

NAGHATID si Senator Erwin Tulfo nitong Sabado, Marso 7, 2026, ng kumpletong fishing gear at tulong pinansyal para sa 22 mangingisdang taga-Palawan na kamakailan ay na-repatriate mula sa Malaysia matapos ang isang buwang pagkakakulong dahil sa hinihinalang “unauthorized entry”. Ang mga mangingisda, na nakabalik sa kanilang bayan sa Rizal, Palawan nitong Huwebes, ay nakatanggap ng mga kagamitan gaya ng handheld fish finders, lambat, kawil, at nylon mula sa Senador. Binigyang-diin ni Tulfo, na tubong-Palawan at tumatayong chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs, ang kahalagahan na agad silang makabalik sa…

Read More

PSA INATASAN NI PBBM PABILISIN AT PAGAANIN PAGKUHA NG MGA DOKUMENTO

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na higit pang gawing simple at mabilis ang proseso ng pagkuha ng mga civil registry document, partikular ang pagwawasto ng birth certificate, bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan para sa digitalization at pinahusay na serbisyo publiko. Ito ay matapos tugunan ng Pangulo ang mga alalahanin at mungkahi ng publiko hinggil sa mabagal at komplikadong proseso sa pagkuha ng mga dokumento at aplikasyon ng ID, lalo na para sa mahihinang sektor at mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas…

Read More

PBBM PINAAAMYENDAHAN BIOFUELS ACT PARA SA MAS MURANG BIOETHANOL

NAKIKIPAG-UGNAYAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso upang amyendahan ang Biofuels Act of 2006 at payagan ang paggamit ng mas murang bioethanol bilang bahagi ng hakbang para mapababa ang presyo ng gasolina. Ayon sa Pangulo, makatutulong ang naturang panukalang batas upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan. “Kinakausap na natin ang Kongreso upang amyendahan ang Biofuels Act of 2006,” pahayag ng Pangulo sa isang video message. Sa kasalukuyan, inaatasan ng batas ang paggamit ng locally sourced bioethanol…

Read More

PBBM INANUNSYO MGA HAKBANG LABAN SA EPEKTO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan. Kabilang sa mga hakbang na binanggit ng Pangulo ang posibleng tax adjustments sa petroleum products, pagbibigay ng fuel subsidies, at pagpapatupad ng energy-saving measures sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na naapektuhan ang global oil supply dahil sa tensyon sa rehiyon, partikular sa pagdaan ng mga oil tanker sa Strait of…

Read More

Sa pagsirit ng presyo ng langis PUBLIKO HINIMOK ISUMBONG GAHAMANG GASOLINAHAN

HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga gasolinahang maagang nagtataas ng presyo ng langis. Kasabay nito, nanawagan naman si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na higpitan ang pagbabantay sa mga retailer at oil companies. Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang establisimyento ang nagtaas na ng pump prices bago ang nakatakdang price adjustment. Iginiit ni Lacson na ang maagang pagtataas ng presyo ng langis ay paglabag sa Republic Act No. 8479 at Republic Act No.…

Read More

GRUPO NG BFP RETIREES SUPORTADO PAGLILINIS SA KANILANG HANAY

SA kabila ng mga alegasyon ng katiwalian, nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) kay BFP chief F/Director Jesus Fernandez sa gitna ng mga pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Sa isang liham, pormal na ipinahayag ng BFPRAPI ang buong suporta nito sa kasalukuyang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sa nagpapatuloy na internal reforms, habang nananawagan din ng patas na pagkilala sa todo-todong kampanya ng ahensya upang linisin ang sarili nitong hanay.…

Read More

ORAS NG HIMALA Celebrates 33rd Living Like Jesus Anniversary with “Christ’s Power in Action”

This March 2026, Jesus Is Our Shield Worldwide Ministries (JIOSWM) marks a historic milestone as its flagship mass media program and global crusade, ORAS NG HIMALA, celebrates its 33rd Living Like Jesus Anniversary under the inspiring theme, “Christ’s Power in Action.” For over three decades, ORAS NG HIMALA has served as a beacon of faith, hope, and transformation — reaching lives across the Philippines and around the world through dynamic preaching, healing ministry, and compassion-driven outreach. What began as a broadcast of hope has grown into a global movement, now…

Read More