SUMALANG sa masusing pagbusisi ng Korte Suprema ang proseso ng pagpopondo ng unprogrammed allocations para sa mga taong 2024–2025. Sa oral arguments kaugnay ng General Appropriations Act (GAA), pinangunahan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen ang pagtatanong kay Solicitor General Darlene Berberabe hinggil sa legalidad ng paglalabas ng pondo. Partikular na sinilip ang posibleng paglabag sa Section 35 ng Executive Order No. 292 o Administrative Code kaugnay ng pag-isyu ng Special Allotment Release Order (SARO) nang walang pahintulot ng Pangulo. Kinuwestyon din ni Leonen kung maaaring kontrahin ng Kalihim ng…
Read MoreDay: April 21, 2026
P8.9-M PETROLYO AT METHANOL NASAMSAM NG PNP-HPG SA CALOOCAN
ANIM na indibidwal ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos maaktuhan na nagsasalin ng produktong petrolyo sa Caloocan City. Ayon kay HPG Spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, nagsasagawa lamang ng anti-carnapping operation ang mga tauhan ng HPG nang mapansin ang kahina-hinalang fuel tanker at kanilang sinundan. Sa isang garahe, nahuli ang mga suspek na nagsasalin ng methanol patungo sa mga BIC containers. “Nakita sa aktong nagsasalin sila ng methanol papunta sa mga containers, na bawal dahil mayroon tayong mga authorized depot para…
Read MoreARSON SINISILIP SA SUNOG NA KUMITIL NG 6 BUHAY SA URDANETA CITY
PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng arson probers mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa nangyaring sunog sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City na ikinamatay ng anim katao. Nabatid na kasalukuyang sinisiyasat ang pinagmulan ng sunog na ikinamatay ng anim katao kabilang ang dalawang bata. Dalawang bahay ang naabo sa nasabing sunog noong Lunes ng madaling araw sa Barangay Nancayasan. Kabilang sa mga nasawi ang dalawang onse-anyos na batang babae, dalawang lola na may edad na 72, at 59-anyos, at dalawang lalaki na may edad…
Read MoreIlegal na nakapasok sa bansa 2 DAYUHAN TIMBOG SA PANUNUHOL AT PEKENG PLAKA
KALABOSO ang isang Chinese at isang Malaysian national dahil sa pekeng plaka at panunuhol sa Roxas Blvd. sa Pasay City. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP-HPG spokesperson, PLt. Nadame Malang, nahuli ang dalawang dayuhan na lulan ng isang mamahaling sasakyan. Una rito, ininspeksyon ng mga awtoridad ang mamahaling sasakyan kung saan nakasakay ang mga suspek, at tumambad sa kanila ang mga pekeng plaka, bonnet, airsoft gun at bala nito. Sinabi ni Malang, inaalam pa ng mga awtoridad kung posibleng konektado ang dalawa sa kidnapping group. Batay…
Read MoreSUSPENSION NG EXCISE TAX ITINULAK SA BITIN NA ROLLBACK
BAGAMA’T welcome development ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na mas malaki ang magiging ginhawa sa publiko kung sususpendihin ang excise tax sa langis. Sinabi ni Hontiveros na bagama’t positibong hakbang ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipatutupad ang rollback, kailangan pa ring bantayan ang mga oil firm sa pagpapatupad nito. Dumarami anya ang reklamo mula sa publiko kaugnay sa labis na singil o profiteering sa gitna ng krisis sa enerhiya. Ipinaliwanag pa niya na malayo pa rin ang kasalukuyang…
Read MoreMALAKANYANG NAGPASALAMAT SA PUBLIKO SA PAGTAAS NG TRUST AT PERFORMANCE RATING NI PBBM
NAGPASALAMAT ang Malakanyang sa publiko kasunod ng pagtaas ng trust at performance rating ni Ferdinand Marcos Jr. sa unang quarter ng 2026, batay sa non-commissioned survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 19–25. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nagpapakita ito na nakikita ng publiko ang ginagawa ng pamahalaan. “Magandang nakikita at nararamdaman ng ating mga kababayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno para sa kanila,” ani Castro. Gayunman, iginiit niya na patuloy na magtatrabaho ang Pangulo anuman ang maging resulta ng…
Read MoreLIGTAS NA PAGBABALIK NI ZALDY CO, TINIYAK NG PALASYO
TINIYAK ng Malakanyang na magbibigay ang pamahalaan ng kinakailangang proteksyon sa puganteng si dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co sa oras na maibalik ito sa bansa. Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa pahayag ni Senador JV Ejercito na isang hamon sa gobyerno ang ligtas na pagpapauwi kay Co, kasabay ng babala na may mga grupong umano’y ayaw itong makabalik at tumestigo sa kontrobersiya. Ayon kay Castro, kailangan munang patunayan kung may umiiral ngang banta sa buhay ni Co…
Read MorePANUKALANG ‘BTS FOR STUDENTS AND LEARNERS ACT’, INIHAIN SA SENADO NI MARK VILLAR
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2048 o ang “Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act,” na layong palawakin ang akses sa teknolohiya at digitization ng mga mag-aaral. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng subsidiya ang mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa pampublikong paaralan, State Universities and Colleges (SUCs), Alternative Learning System (ALS), at iba pang institusyon para sa gadgets, internet connectivity, at subscription sa artificial intelligence (AI) tools. Ayon sa senador, tugon ang panukala sa mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM…
Read MoreStrawberry, Biscoff, and Cheese in new Mang Inasal Halo-Halo treat
Looking for something new and refreshing this summer? Try the new Mang Inasal Strawberry Cheesecake Halo-Halo! Inspired by the demand for trending, dessert-style flavors, this latest take on the classic halo-halo arrives just in time for the strawberry season. It combines the fruity brightness of strawberry, the indulgence of cheesecake, and the crunch of Biscoff cookie crumbs—creating a premium, visually exciting treat perfect for the season. This berry-creamy treat is made with Mang Inasal’s extra creamy milk, strawberry syrup with strawberry bits, strawberries and cream ice cream, and cheesecake cubes, finished with…
Read More