RAPIDO ni PATRICK TULFO KALAT na ang balita sa pagkakahuli kay Franco Mabanta (may-ari ng Peanut Gallery Media Network), ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa robbery extortion umano nito kay dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon sa pahayag ng NBI, kinikikilan ni Mabanta si Romualdez ng P350M na naibaba raw sa P300M kapalit ng hindi nito paglalabas ng special report sa kanyang social media page na PGMN. Ang PGMN ay binuo ni Mabanta noong 2024 at isa itong political and news commentary page na mapapanood sa mga social…
Read MoreDay: May 7, 2026
‘Yang mga “balimbing” at “hunyango”
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MARAMING beses ko nang tinalakay sa pitak na ito na walang matatag at matapat na samahan at pagkakaibigan sa pulitika. Batay sa karanasan, talagang walang matatag na tunay at totohanang bigkis ng paninindigan at pakikipaglaban tuwing may halalan at matapos na maideklara ang mga nanalo sa halalan. Kaya nga nauso ang bukambibig na “balimbing” at “hunyango” at trapong politiko dahil sa ugali ng pagtalikod at pagluluwa ng salitang pangako ng mga politiko. Kitang-kita ito sa ugali ng mga botante at partido pulitikal sa pagpili…
Read MoreKALUSUGAN AY KARAPATAN, HINDI PRIBILEHIYO – CONG. JEFF SORIANO NG ACT-CIS PARTY-LIST
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na patuloy na tumataas ang halaga ng pagpapagamot, tunay na napakahalaga ng mga panukalang batas na naglalayong ilapit ang serbisyong medikal sa ordinaryong mamamayan. Marami pa ring mga Pilipino ang napipilitang mangutang, magsanla ng ari-arian, o huminto sa pagpapagamot dahil sa kakulangan ng sapat na pera. Kaya naman mahalagang maisulong ang mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap at matatanda. Isa sa mga pangunahing suliranin sa bansa ay ang mataas na gastusin sa dialysis. Para sa mga pasyenteng may sakit sa…
Read MoreBe a river not a reservoir
HOPE ni GUILLER VALENCIA ISIPIN natin ang ating sarili na isang ilog o batis (river) imbes na isang sisidlan ng tubig (reservoir). Marami sa mga tao ang nagiging reservoir, ginagawa ito bilang bahagi na rin ng paglago ng kanilang sarili (personal growth) upang magdagdag ng halaga sa kanilang sarili. Katulad nila ang sisidlan ng tubig na tanggap lang nang tanggap para mapuno ang sarili. In contrast, ang ilog (river) ay patuloy na dumadaloy o umaagos. Sabi nga, whatever water it receives it gives away. Dapat ay ay maging ganun tayo…
Read MoreWHO UPDATE SA ‘HANTAVIRUS SHIP’ IBINAHAGI NG DOH
IBINAHAGI ng Department of Health (DOH) ang update ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa tatlong pasaherong pinaghihinalaang may Hantavirus na inilikas mula sa isang barko para sa agarang gamutan sa Netherlands. Ayon sa WHO, isinagawa ang medical evacuation sa koordinasyon ng ship operator at health authorities mula sa Cabo Verde, United Kingdom, Spain at Netherlands. Patuloy namang mino-monitor ang kalagayan ng mga pasahero at crew ng barko, kabilang ang mga nakababa na rito, para sa posibleng follow-up at karagdagang medical assessment kung kinakailangan. Binigyang-diin ng WHO na nananatiling mababa…
Read More3 ARESTADO SA ILLEGAL NA BENTAHAN NG LPG SA RIZAL
NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal nang magsagawa ng test-buy operations ang mga awtoridad noong Miyerkoles, Mayo 6, 2026. Ayon sa report ni Lt. Col. Gaffud Arwyn Derilo, chief of police ng Rodriguez Municipal Police Station, kay PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), aabot sa P8,481,000 halaga ng mga kagamitan ang nakumpiska at tatlo katao ang naaresto. Kinilala ang mga suspek na sina “Elvira,” 51; “Ruth,” 36; at “Rodel,” 26, aktuwal na nagbebenta ng LPG sa…
Read MoreASEAN Summit sa Cebu bantay-sarado PNP FULL ALERT SA CENTRAL VISAYAS
BUNSOD ng isinasagawang ASEAN Summit sa Cebu, naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) sa Central Visayas. Layon nitong matiyak ang seguridad sa pagho-host ng Pilipinas sa ika-48 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings sa Cebu Ayon kay PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, layon nito na panatilihin ang kaligtasan ng mga delegado sa pagpupulong alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Nakataas ang full alert status sa Central Visayas simula noong Miyerkoles, kung saan sama-samang magbabantay dito ang PNP, Armed Forces of…
Read MoreFOOD, ENERGY SECURITY AT MIGRANT SAFETY ITINAKDANG ASEAN PRIORITIES
BINALANGKAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang food security, energy stability, at proteksyon sa Southeast Asian nationals bilang pangunahing prayoridad para sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit habang ang Pilipinas ang magsisilbing chair ngayong taon. Sa video message bago ang summit sa Lapu-Lapu City, Cebu, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan ng mas matibay na pagkakaisa sa rehiyon sa gitna ng lumalalang global challenges. “This year, the Philippines carries with pride the responsibility of shaping the future of the region,” pahayag ni Pangulong Marcos. Aniya, siyam na…
Read MorePULITIKA, DISKRIMINASYON SA AYUDA PINASISIYASAT
ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing pamumulitika at diskriminasyon sa pagpapatupad ng cash assistance at subsidy programs ng gobyerno. Sa kanyang Senate Resolution 381, nais din ni Legarda na hilingin ng Senado sa Office of the President na magsagawa ng patas at independent investigation. Iginiit ni Legarda na dapat mapag-aralan ng Senado ang kailangang batas upang matiyak na napapanahon ang pagbibigay ng ayuda, ligtas ang mga benepisyaryo mula sa panganib at hirap ng pagpila para sa ayuda, at upang matiyak na hindi ito mapapasukan ng…
Read More