IBINAHAGI ng Department of Health (DOH) ang update ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa tatlong pasaherong pinaghihinalaang may Hantavirus na inilikas mula sa isang barko para sa agarang gamutan sa Netherlands.
Ayon sa WHO, isinagawa ang medical evacuation sa koordinasyon ng ship operator at health authorities mula sa Cabo Verde, United Kingdom, Spain at Netherlands.
Patuloy namang mino-monitor ang kalagayan ng mga pasahero at crew ng barko, kabilang ang mga nakababa na rito, para sa posibleng follow-up at karagdagang medical assessment kung kinakailangan.
Binigyang-diin ng WHO na nananatiling mababa ang public health risk kaugnay ng insidente habang nagpapatuloy ang monitoring at koordinasyon sa pagitan ng mga bansang sangkot.
Sa impormasyong ibinahagi ng DOH, tiniyak ng ahensya ang patuloy na pagbabantay sa international health alerts bilang bahagi ng global disease surveillance system nito.
(JULIET PACOT)
80 