RAPIDO ni PATRICK TULFO NAKUPO! Talagang nababoy na ang Senado, mantakin mong ilagay bilang committee chairman ng Constitutional Amendments and Revision of Codes si Sen. Robin Padilla. Hindi ko ho ibinoto itong si Sen. Padilla dahil alam kong kulang pa ang kanyang kaalaman at eksperyensa kung hahawak ito ng posisyon sa gobyerno. Mapaiisip ka kung bakit si Padilla ang ginawang chairman ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. Parang wala kasing mapaglagyan sa kanya kaya siya na lang ang inilagay sa posisyon. Trabaho ng nasabing komite na pag-aralan…
Read MoreDay: May 26, 2026
IREGULARIDAD SA BI ACCREDITATION UNIT IMBESTIGAHAN
BISTADOR ni RUDY SIM KUNG ang flood control ay may ghost projects, sa Bureau of Immigration naman ay mayroong ilang pribadong indibidwal na liaison officers ng law offices at travel agency na hindi matahimik ang kaluluwa dahil sila’y inilagay na sa listahan ng “Perpetua” kung saan ay perpetually disqualified na ang kanilang accreditation o lifetime banned na sa BI sa pag-transact ng anomang may kinalaman sa paglalakad ng visa ng kanilang foreign clients. Noong taong 2023 ay naglabas ang BI ng isang cancellation order BIAU-AE-2023/BIAU No. CA 2022-036 para sa…
Read MoreGOV. OYIE UMALI, IPINAGTANGGOL NG NETIZENS
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING naging usap-usapan sa social media si Gov. Oyie Umali matapos kuwestiyunin ng ilan ang kanyang pagiging guest speaker sa pagtatapos ng Central Luzon State University (CLSU). Ngunit sa gitna ng batikos, marami rin ang nagtanggol at nagpahayag ng suporta sa gobernador ng Nueva Ecija. Sa panahon ngayon, tila napakadali nang humusga. Isang post lamang sa internet ay sapat na upang agad masira ang pangalan ng isang tao kahit hindi pa lubos na nauunawaan ang buong kuwento. Mahalagang tandaan na ang preemptive suspension ay hindi…
Read MoreVILLAR ISINUSULONG ANG MAS MATIBAY NA MENTAL HEALTH SUPPORT SA MGA ESTUDYANTE
INIHAIN ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 2133 o ang “Students’ Guidance Counseling Act” na layong palakasin ang school-based mental health programs at palawakin ang access ng mga estudyante sa guidance at psychosocial support services. Ayon kay Villar, hindi dapat balewalain ang lumalalang mental health concerns ng mga kabataang Pilipino lalo na sa gitna ng tumitinding academic pressure at iba’t ibang personal na problema. Batay sa pag-aaral ng Cambridge University Press, mahigit dumoble umano sa nakalipas na walong taon ang kaso ng moderate to severe depression sa mga…
Read MoreRESCUE OPS SA GUMUHONG 9-STOREY BUILDING, ITINIGIL NA
ITINIGIL na ng mga awtoridad ang search and rescue operations sa gumuhong 9-storey building sa Angeles City, Pampanga matapos wala nang makitang “sign of life” sa ilalim ng mga guho. Kinumpirma ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasabay ng paglipat ng operasyon sa retrieval at debris clearing operations. Dahil dito, inaasahang madaragdagan pa ang kasalukuyang apat na kumpirmadong nasawi habang nasa 16 katao pa ang pinaniniwalaang naiipit sa ilalim ng debris. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), naging maselan at mapanganib ang rescue operations dahil…
Read MoreISA PATAY, ISA SUGATAN SA BARILAN SA PANGASINAN
DEAD on the spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos ang naganap na barilan sa loob ng Villasis Public Auditorium sa Villasis, Pangasinan noong gabi ng Mayo 25. Kinilala ang nasawi na si Renald A. Elevazo, residente ng Barangay Piaz, Zone 4 habang patuloy pang nilalapatan ng lunas ang sugatang biktimang si alias “Mokong” Cacapit, 43-anyos, ng Barangay Liksab, kapwa residente ng nasabing bayan. Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-6:31 ng gabi sa loob mismo ng auditorium. Ayon sa ulat, inabangan umano…
Read More1 PATAY, 4 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 10 SASAKYAN SA RIZAL
ISA ang patay habang apat ang sugatan makaraang magkarambola ang sampung sasakyan sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, sa lalawigan ng Rizal dakong alas-8 ng gabi noong Mayo 25, 2026. Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang truck na may kargang semento at dahil sa matarik pababa ang kalsada ay mabilis itong dumausdos at nasagi ang kaliwang bahagi ng dalawang magkasunod na Asian Utility Vehicle (AUV) na minamaneho nina alyas “Michael” at “Johnlen”. Nabundol din ng truck ang likurang bahagi ng isang Sport Utility…
Read MoreNATIONAL ELECTION DAY, APRUB NA SA KAMARA BILANG NON-WORKING HOLIDAY
APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na nagdedeklara sa araw ng pambansang halalan bilang regular non-working holiday. Sa botong 233 pabor, walang tumutol at isang abstention, naipasa ang House Bill No. 8392 sa ilalim ng liderato nina House Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos. Ayon kay Marcos, isa rin sa mga may-akda ng panukala, layunin nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga botante upang makaboto nang walang iniintinding trabaho. “This proposed law would free them from work-related concerns…
Read MoreP1-BILYONG AREGLO SA MISSING SABUNGEROS, IBINUNYAG
ISINIWALAT ng ilang pamilya ang umano’y tangkang P1-bilyong areglo kapalit ng pagbasura sa kaso kaugnay ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero sa bansa. Sa isang press conference, mariing itinanggi ng grupo na may kinalaman sila sa anomang negosasyon o pagtanggap ng pera mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sa halip, itinuro nila sina Dianne Loyola, Cha Lasco at Jaja Peralta bilang umano’y nasa likod ng pakikipag-usap para sa sinasabing areglo. Ayon sa grupo, malapit umano ang mga ito kay Julie “Dondon” Patidongan. Sinabi naman ni Ryan Bautista,…
Read More