SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang proseso ng pagbawi sa lisensya ng mahigit 100 baril ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ito ay matapos hilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) na kanselahin ang lahat ng dokumento at gun privileges ng senador na kinokonsiderang “armed and dangerous” matapos umano itong mawala sa protective custody ng Senado. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa mga target kanselahin ang lisensya ng matataas na kalibre ng baril, automatic rifles at shotgun na nakapangalan kay Dela Rosa. Nauna…
Read MoreDay: May 26, 2026
CENTRAL VISAYAS TOP PERFORMING REPS, MAYORS INILABAS NG RPMD
ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng “Index of Governance” (IOG) survey para sa mga top-performing District Representatives at City Mayors sa Central Visayas. Isinagawa ang survey mula Abril 1 hanggang 8, 2026 gamit ang face-to-face interviews sa 5,000 respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes, na may ±1% margin of error. Ang IOG ay nakabatay sa pinagsamang trust at performance ratings ng mga opisyal. Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, layunin ng survey na masukat hindi lamang ang popularidad ng mga opisyal kundi pati…
Read MoreMATAPOS ANG AKSYON AT DRAMA, ROMCOM NAMAN SA SENADO; LAPID KAY PIA: MAHAL KITA
TUMAYO si Senator Lito Lapid upang magbigay ng manifestation at paglilinaw na nananatili siya sa minorya at suportado ang mosyon na burahin sa record ang video presentation ni Sen. Imee Marcos kamakalawa na tinawag ni Sen. Raffy Tulfo na ‘hao shiao’ o peke. (DANNY BACOLOD) SA pambihirang pagkakataon, tumayo si Senador Lito Lapid sa plenaryo ng Senado at nagbigay ng manifestation. Ito ay upang linawin na nananatili siyang miyembro ng Senate Minority Bloc at walang katotohanan na lumipat na siya sa Majority bloc. Taliwas ito sa lumutang sa social media…
Read MoreANTI-SARA DESPERADO NA — ATTY. INTON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINUNA ni Atty. Ariel Inton ang sunod-sunod na pagsasampa ng kaso laban sa mga personalidad na itinuturing na kaalyado ni Vice President Sara Duterte, partikular sa mga may mahalagang papel sa impeachment trial. Ayon kay Inton, tila layunin umano ng mga kaso na gawing “neutral” ang mga inirereklamong senador upang hindi pumabor sa Bise Presidente. Dahil dito, inakusahan niya ang gobyerno at mga kaalyado nito na desperado nang mapatalsik sa puwesto si VP Sara Duterte na aniya’y isa pa rin sa pinakamalalakas na posibleng kandidato sa…
Read MoreKALAGAYAN NG EDUKASYON SA BARMM NABUNYAG SA BTA REPORT
KINUMPIRMA ng Bangsamoro Parliament sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga reklamo hinggil sa umano’y nakalulunos na kalagayan ng edukasyon sa rehiyon at sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE). Ito ay matapos sibakin noong nakaraang linggo si MBHTE Minister Mohagher Iqbal kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) ukol sa umano’y mga iregularidad sa ahensya. Sa ulat ng Committee on Finance, Budget and Management (CFBM) matapos ang deliberasyon sa 2026 BARMM budget, lumitaw umano ang matinding delay sa execution at fund utilization ng…
Read MoreEBIDENSYA SA ‘NO EL 2028’ HAMON NG PALASYO KAY IMEE
HINAMON ng Malakanyang si Senador Imee Marcos na maglabas ng ebidensya kaugnay sa alegasyon nitong may plano umano ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na amyendahan ang 1987 Constitution para sa term extension at election postponement. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mas makabubuting patunayan muna ni Imee ang kanyang mga pahayag kaysa idawit ang Pangulo sa umano’y walang basehang alegasyon. Binigyang-diin ni Castro na hindi kailanman naging usapin sa mga pagpupulong sa Palasyo ang Charter change o Cha-cha. “Ang daming meetings ng…
Read MoreMEDIA RESTRICTIONS SA SENADO, PINALAGAN
KINUWESTYON sa plenaryo ni Senador Erwin Tulfo ang media restrictions na ipinatutupad sa Senado matapos magpalit ang liderato nito noong May 11. Ipinarating ng Senate Media kay Tulfo ang pagbabawal ng Senate Sgt At Arms sa mga mamamahayag sa 5th at 6th floor kung saan matatagpuan ang opisina ng mga senador. Maging sa loob ng session hall ay nilimitahan ang lugar ng media sa kaliwang bahagi ng plenary na nasa pinakalikod na bahagi. May pagkakataon pang hinaharang din ang mga mamamahayag habang papunta sa Senate lounge at pinagbabawalang maghintay sa…
Read MoreSEN ZUBIRI, HUMINGI NG PAUMANHIN SA PAMILYA NI INDAY BADIDAY
HUMINGI ng paumanhin si Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa pamilya ng dating TV Host at Journalist na si Lourdes Carvajal o kilala bilang Inday Badiday. Ito ay makaraang mabanggit niya ang TV host sa kanyang manifestation sa plenaryo kahapon nang almahan ang anya’y horrible propaganda na ipinalabas na video presentation ni Senador Imee Marcos. Ipinaliwanag ni Zubiri na slip of the tongue lang ang pagbanggit niya sa pangalan ni Inday Badiday kasabay ng pag-amin na dapat ay naging maingat siya sa pananalita. Binigyang-diin ng senador na malaki ang respeto…
Read More