INIHAYAG ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may mga kasong inihahanda kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado at sa umano’y pag-alis o “escape” ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado. Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, magkaugnay ang dalawang insidente — ang pamamaril sa loob ng Senado at ang pag-alis ni Dela Rosa ilang oras matapos ito — ngunit nilinaw niyang hiwalay pa ring iniimbestigahan ang mga kaso at wala pang pinal na konklusyon. Kaugnay nito, may ilang personalidad umano…
Read MoreDay: June 3, 2026
CITIZENS’ ROLE SA VP TRIAL, IKINALUGOD NG PROSECUTION TEAM
MAINIT na tinanggap ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang paglulunsad ng “Bantay Senado,” isang citizens’ watchdog na magbabantay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang matiyak na magiging transparent, patas at may pananagutan ang proseso. Ayon kay Alonto Adiong, ang pagbuo ng naturang citizens’ watchdog bago pa man magsimula ang paglilitis sa Senado ay nagpapakita ng lumalaking interes ng publiko sa kaso. “We welcome this initiative because citizens have an important role to play in ensuring transparency and accountability throughout the…
Read MoreBAKIT MINSAN NATATAGALAN MGA PADALA GALING ABROAD?
MANILA, Philippines — May inaabangang package mula abroad? Regalo ng kamag-anak? Online order? O importanteng dokumento? Araw-araw chinecheck mo ang tracking updates. Tapos biglang wala nang galaw. Dito na kadalasang nagsisimula ang pag-aalala: “Nasaan na kaya ang parcel ko?” Ayon sa Philippine Postal Corporation (PHLPost), isa ito sa mga pinakakaraniwang concern ng mga customer na naghihintay ng international parcels. Pero ang hindi alam ng marami, bago makarating sa post office o delivery network ang isang package, dumadaan muna ito sa ilang required na proseso pagdating nito sa Pilipinas. Kapag dumating…
Read MorePIYANSA SA PLUNDER NILINAW NG ABOGADO
NILINAW ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President at veteran lawyer Atty. Ariel Inton ang sistema ng pagpiyansa sa mabigat na kasong plunder sa Pilipinas kasunod ng mga usapin kaugnay ng kinakaharap na kaso ni Senador Jinggoy Estrada. Ayon kay Atty. Inton, mali umano ang paniniwalang “walang piyansa” sa mga kasong plunder. “Una, mali ang sinasabi na walang piyansa ang plunder cases. Wala sa Saligang Batas ‘yan,” paliwanag ng abogado. Ipinaliwanag ni Inton na kapag nagsampa ng plunder case ang Office of the Ombudsman laban sa isang opisyal,…
Read MoreLGU ayaw sumawsaw sa away-pulitika BIGAS NA BIGAY NI LEVISTE PARA SA LIPA CITY HALL EMPLOYEES, IPAMIMIGAY SA MGA RESIDENTE
IPAPRAYORIDAD ng pamahalaang lungsod ng Lipa ang mahihirap na mga residente sa halip na mga empleyado ng City Hall, sa pamamahagi ng 1,000 sako ng tig-limang kilong bigas na inalok ng tanggapan ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste. Ayon sa opisyal na pahayag ng LGU-Lipa, sinabi nitong bagama’t nagpapasalamat sila sa anomang tulong na ipinagkakaloob sa lungsod, kinakailangan pa ring tiyakin ang maayos at patas na pamamahagi ng mga donasyon. Ayon sa pamahalaang lungsod, mahigit 2,300 ang empleyado ng lokal na pamahalaan kaya hindi sapat ang 1,000 packs…
Read MorePBBM NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA SA NAVOTAS
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes, sa literacy activities at personal na ininspeksyon ang preparedness measures ng eskuwelahan sa Navotas City. Bahagi ito ng nationwide Brigada Eskwela campaign bago pa ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8. Sa isinagawang National Capital Region kickoff ng Brigada Eskwela 2026 sa Kapitbahayan Elementary School, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang storytelling session, kasama ang Grade 1 pupils sa pagbabasa ng “Ang Matsing at ang Pagong,” isang classic Filipino tale ng Pambansang Bayani Gat. Jose Rizal. Nilibot ng Pangulo ang mga pasilidad…
Read MoreHamon sa minority bloc TINDIGAN KALAYAAN NG SENADO
NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa kalayaan at integridad ng Senado sa gitna ng mga kontrobersiya at umano’y panggigipit na kinahaharap ng institusyon. Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder. Ayon kay Cayetano, mahalagang mapanatili ang pagiging independent ng Senado bilang isang hiwalay at kapantay na sangay ng pamahalaan. “The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani…
Read MoreWALANG OBSTRUCTION OF JUSTICE SA JINGGOY ARREST — MALACAÑANG
NILINAW ng Malacañang na walang obstruction of justice sa panig ni Senate President Alan Peter Cayetano sa kabila ng tensyonadong sitwasyon sa pagitan nila ni Interior Secretary Jonvic Remulla habang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Senador Jinggoy Estrada noong Lunes. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inaresto si Estrada ng mga awtoridad at hindi boluntaryong sumuko. “Hindi naman siya obstruction of justice. ‘Di naman niya itinago,” pahayag ni Castro patungkol kay Cayetano. “Nagkataon lang pinipigilan niya dahil siguro iniisip niya, siya…
Read MorePROMOSYON NG 5 AFP GENERALS APEKTADO SA KAWALAN NG QUORUM SA SENADO
NAKABINBIN ang promosyon ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa kawalan ng quorum sa Senado. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng mga apektadong opisyal ang liderato sa ilang bagong unit ng militar. Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote ngayong Hunyo 3 bago ang sine die break ng Kongreso. Kaugnay nito, tiniyak ng AFP na handa ang kanilang istruktura sakaling matuloy man o hindi ang confirmation hearing ng Commission on Appointments. Noong Lunes,…
Read More