NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 121, na lumilikha sa Electric Vehicle Incentive Strategy (EVIS) Program upang palakasin ang lokal na paggawa ng electric vehicles (EVs) at makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa industriya ng sasakyan sa bansa. Nilagdaan ang EO noong Hulyo 29. Sa ilalim nito, magkakaloob ng mga insentibo sa mga kumpanyang gagawa sa Pilipinas ng hybrid at battery electric passenger vehicles, commercial vehicles, at kanilang mga piyesa. Layunin ng EVIS Program na mapalawak ang lokal na produksyon ng EVs, makalikha ng…
Read MoreDay: July 31, 2026
VILLAR IKINATUWA PAGSASABATAS NG LAST MILE AT GIDA SCHOOLS ACT
IKINATUWA ni Senador Mark A. Villar ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12321 o Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, na layong palawakin ang access sa dekalidad at inklusibong edukasyon para sa mga mag-aaral sa pinakamalalayo at pinaka-nangangailangang komunidad sa bansa. Bilang co-author ng panukala, sinabi ni Villar na mahalagang reporma ang batas upang mabawasan ang agwat sa kalidad ng edukasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ilalim ng batas, ang Last Mile at GIDA schools ay tumutukoy sa mga pampublikong paaralang nasa geographically…
Read MoreCOA WITNESSES ILALAHAD PAGGAMIT SA P612-M CONFI FUNDS NG OVP – CHUA
MATAPOS mapatunayan ang paglabas at encashment ng ₱612.5 milyong confidential funds, ililipat na ng prosekusyon ang pokus ng impeachment trial sa pagsisiyasat kung paano ginamit, niliquidate at ginasta ang naturang pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, ang susunod na yugto ng paglilitis ay tututok sa mga dokumento at audit findings ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng paggamit ng confidential funds. “Ang susunod na ipe-present…
Read MoreGURO PATAY SA PAMAMARIL SA BULACAN
PATAY ang isang 38-anyos na guro at dating barangay secretary matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion, Sta. Maria, Bulacan, madaling araw ng Hulyo 30. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Stephen Gelo Enriquez, residente ng No. 10, 211st Century St., Ville, Brgy. Poblacion, Sta. Maria. Batay sa paunang imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang barilin ang biktima ng isang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng puting bull cap. Ayon sa ulat ng pulisya, nasa loob ng kanilang bahay ang kapatid ng biktima na…
Read MoreDEAF-MUTE EMPLOYEES KINILALA NG PHLPOST
NAKIKIPAG-USAP sa pamamagitan ng sign language si PHLPost Postmaster General Maximo C. Sta. Maria III sa deaf-mute employees na nakatalaga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. MAYNILA, Pilipinas — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week mula Hulyo 17 hanggang 23, kinilala ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang deaf-mute employees sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at propesyonalismo na nakatulong sa pagpapalakas ng operasyon ng koreo at nagsisilbing patunay ng matagal nang kultura ng inklusibong pagtatrabaho sa ahensiya. Nakatalaga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa…
Read MoreVICE MAYOR, MGA KONSEHAL ITINANGGING TUTOL SA PAGTATAYO NG OSPITAL SA SAN JUAN, BATANGAS
NILINAW ng vice mayor ng San Juan, Batangas, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, na hindi sila tutol sa planong pagtatayo ng provincial hospital sa bayan. Ito ay kasunod ng mga lumabas na pahayag at usapin sa social media na umano’y kumokontra sila sa proyekto. Ang isyu, ayon sa kanila, ay hindi ang ospital kundi ang lokasyon kung saan ito itatayo. Inihayag ni Sangguniang Bayan Member Atty. Grenalyn Virtusio, suportado nila ang pagtatayo ng provincial hospital sa San Juan at wala umanong sinoman sa anim na mga opisyal, kabilang…
Read MoreBwelta ng Palasyo ICC REMARKS NI VP SARA WALANG KWENTA
IPINAGKIBIT-BALIKAT ng Malakanyang ang panibagong pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa International Criminal Court (ICC), na inilarawan nitong “walang basehan, walang saysay, useless at nonsense.” Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang batayan ang pahayag ni Duterte na sinusuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ICC kapalit ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaang inaresto ng ICC si dating Pangulong Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa ipinatupad nitong war on drugs sa nakaraang administrasyon.…
Read MoreDOJ: PAGPAPAARESTO KAY BALIGOD, 18 BODYGUARDS BAHALA NA KORTE
NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na nasa korte na ang pagpapasya kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa tinaguriang “18 Maleta Boys” at sa kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod, kaugnay ng kinakaharap nilang anim na bilang ng cyberlibel at apat na bilang ng perjury. Sa isang press conference, sinabi ni Justice Undersecretary Ian Norman Dato na naihain na sa korte ang 11 information, ngunit isa pa lamang ang nairaraffle sa Regional Trial Court (RTC) sa Caloocan City. Aniya, hinihintay pa ring maitalaga sa kani-kanilang sangay ng…
Read MoreSinimulan mo, tatapusin ko! PING TINABLA ‘CEASEFIRE’ KAY ALAN
TINANGGIHAN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panawagang magkaroon ng umano’y ceasefire kaugnay ng kanyang imbestigasyon sa mga alegadong iregularidad sa ilang infrastructure projects sa Taguig City. “Ceasefire my foot.” Ito ang naging tugon ni Lacson matapos umanong may nanawagan na itigil ang usapin kasunod ng paglalantad niya ng mga hinihinalang anomalya sa ilang proyekto sa lungsod na balwarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. Ayon sa senador, anong uri umano ng tao ang magdedeklara ng gera na toy gun lamang ang dala at laway ang bala, ngunit kapag…
Read More