PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI man maiiwasan ang malakas at tuluy-tuloy na ulan, may isang bagay na kayang paghandaan ng isang lungsod—ang epekto nito. At sa halos isang linggong pambubuhos ng habagat sa Maynila, lumitaw ang resulta ng paghahanda ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Hindi ito tungkol sa pagyayabang na walang baha. Hindi rin naman natin maikakaila na may mga lugar na binaha at may mga residenteng kinailangang lumikas. Ang mahalaga, hindi hinayaang lumala ang sitwasyon. Isa sa mga naging sandigan ng…
Read MoreDay: August 16, 2026
HANGGANG SAAN ANG PANGGIGIPIT NG CHINA?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG mayroong Olympics para sa selective blindness, pambato na natin ang China. Pano kasi, ang arbitral ruling noong 2016 na malinaw na nagsasabing sa atin ang West Philippine Sea ay parang hindi nabasa. Pero pagdating sa pagpapatupad ng kanilang immigration laws laban sa mahigit 100 Pilipino na inaresto umano roon, napakabilis at napakahigpit bigla ng kanilang mga awtoridad. Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Agosto 13, na agad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beijing at sa ating Consulate-General para beripikahin ang totoong…
Read MoreEDUKASYON AT AGRIKULTURA, PINALALAKAS NI GOV. HELEN TAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA patuloy na pag-unlad ng Quezon, mahalagang matugunan hindi lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan kundi maging ang mga pundasyon ng kinabukasan—ang edukasyon at agrikultura. Kabilang sa malaking hamon ng Quezon National High School sa Lucena City ang kakulangan sa mga silid-aralan. Sa mahigit 11,000 estudyante, malinaw na kailangan ng paaralan ng karagdagang pasilidad upang matiyak na maayos, ligtas at komportable ang kanilang pag-aaral. Dito makikita ang maagap na pagtugon ni Governor Doktora Helen Tan. Pinuntahan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang posibleng pagtatayuan…
Read More115 MOTORSIKLO AT CHOP-CHOP UNITS, NASABAT SA CHECKPOINT
ARESTADO ang anim na indibidwal, kabilang ang dalawang driver at apat na pahinante, matapos masabat ng mga tauhan ng 1st Quezon PMFC ang dalawang truck na naglalaman ng 115 motorsiklo at iba’t ibang piyesa sa Border Control Point sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon noong Huwebes, Agosto 13. Unang pinara ang mga truck dahil sa hindi ligtas na pagkakarga ng mga motorsiklo ngunit nang hingian ng kaukulang dokumento ang mga driver, nabigo ang mga ito na magpakita ng katibayan para sa kargamentong nakatakdang ihatid sa Mindanao. Inihahanda na ang mga kaukulang…
Read MoreNABANGGA NG MARINE ANIMAL, BANGKA LUMUBOG SA ROMBLON
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 31-anyos na mangingisda matapos lumubog ang kanyang motorbanca makaraan umanong mabangga ng isang marine animal sa karagatang sakop ng Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon noong Huwebes, Agosto 13. Kinilala ang biktimang si Rommel Roco, residente ng Sitio Ilawod sa nasabing barangay. Ayon sa Coast Guard Sub-Station Cajidiocan, lumubog ang asul at puting motorbanca ng biktima humigit-kumulang anim na nautical miles ang layo mula sa baybayin. Agad nagkasa ng search and rescue operation ang PCG katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction…
Read MoreKinantahan pa habang inaaresto CAKE NA MAY POSAS PABIRTHDAY NG PULIS SA HINIHINALANG TULAK
HINDI inaasahang birthday celebration ang naranasan ng isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, nang siya ay arestuhin sa mismong kanyang kaarawan sa Zamboanga City. Sa halip na makapagdiwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, inaresto siya sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad. Sa viral video, makikitang kinantahan pa ng mga pulis ng “Happy Birthday” ang suspek habang napapangiti na lamang ito. May dala pang birthday cake ang isang pulis na sinasabing bahagi ng selebrasyon bago isinagawa ang operasyon. Sa kulungan na nito tuluyang ipinagdiwang ang kanyang birthday at…
Read MoreANTI-CORRUPTION WATCHDOG, MGA RESIDENTE NG BULAKAN, BULACAN SA OMBUDSMAN: KASUHAN LAHAT NG NASA LIKOD NG GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS
NANAWAGAN sa Office of the Ombudsman ang Alliance for Good Governance (AGG) at mga residente ng halos 14 na barangay na binabaha sa Bulakan, Bulacan na tuparin na ang pangakong sasampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bayan. Ginawa ng grupo ang panawagan sa gitna nang malawakan pa ring pagbaha na nakaaapekto na sa malaking bahagi ng munisipyo. Ayon sa mga residente, nananatiling lubog sa baha ang mga barangay ng Taliptip, Perez, Matungao, Bambang, Sta. Ana, San Jose, San Nicolas, Balubad, Tibig at…
Read MoreNO STUDENT LEFT OFFLINE: ERWIN TULFO ISINUSULONG ANG 20% STUDENT DISCOUNT SA LOAD AT INTERNET
ISINUSULONG ni Senador Erwin Tulfo ang 20% discount sa mobile prepaid load, mobile postpaid plans at mobile internet packages para sa mga Pilipinong mag-aaral sa gitna ng sunod-sunod na paglipat sa online classes dahil sa masamang panahon. Sa inihain niyang Senate Bill No. 2275 o “Student Load Discount Act,” layunin ni Tulfo na mabawasan ang pasaning pinansyal ng mga pamilyang nahihirapang tustusan ang pangangailangan sa data at internet para sa digital learning. “Dagdag-gastusin ito sa mga estudyante at magulang nila na kadalasan ay hadlang pa para makasabay sa online classes.…
Read MoreDATING LADY PROSECUTOR NAGWALA SA HARAP NG DOJ
NAGWALA at nanghambalos ng payong ang umano’y dating lady prosecutor sa Department of Justice (DOJ) habang nagsisigaw sa harap ng gate ng ahensya nitong nakalipas na Biyernes. Hindi na kinilala ng ilang security guard on-duty ang dating prosecutor, dahil nanaig umano sa kanila ang humanitarian reason matapos mapansin na tila lagpas 70-anyos na ito at hinihinalang nalipasan ng gutom. Sa halip na paalisin, pinaupo na lamang ng mga guard ang matanda sa gilid upang hindi makaistorbo sa mga kawani at abogadong pumapasok at lumalabas sa gusali. Gayunman, nagmatigas umano ang…
Read More