BINUWELTAHAN ng Department of National Defense (DND) ang Chinese Embassy sa Pilipinas matapos nitong kontrahin ang mga pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro kaugnay ng pagkakasangkot umano ng ilang Chinese nationals sa ilegal na aktibidad. Ayon kay DND Public Affairs Service Director Asec. Arsenio R. Andolong, walang malinaw na sagot sa pahayag ng Chinese Embassy sa mga isyung ibinato ni Teodoro at sa halip ay puno umano ito ng mga tanong at “mabulaklak na salita.” Sinabi ni Andolong na isa itong paraan ng pag-iwas sa mga isyu at pagtatangkang iligaw…
Read MoreDay: August 16, 2026
BIR AT BOC, SUPORTADO NG DOF SA KAMPANYA KONTRA SMUGGLING
SUPORTADO ng Department of Finance (DOF) ang magkasanib na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling at ilegal na kalakalan. Nitong nakalipas na linggo, sinamahan ni Finance Secretary Frederick Go ang dalawang ahensya sa Cebu para sa revenue performance review at pagwasak sa mga nakumpiskang smuggled cigarettes at illegal tobacco products. Kabilang sa mga nasamsam ang pekeng tax stamps, makinarya, raw materials at iba pang gamit sa produksyon ng ilegal na sigarilyo. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, aabot sa P240.64 milyon…
Read MoreMULTI-HOMING AT CAP SA MC TAXI HINIMAY NG LCSP
IPINALIWANAG ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mga usapin sa multi-homing at cap o maximum number of riders sa motorcycle taxi (MC Taxi) operations. Dalawa sa mga pangunahing isyung pinagkakaiba ng pananaw ng mga MC Taxi rider ay ang multi-homing at cap. Ang multi-homing ay ang paggamit ng isang MC Taxi rider ng dalawa o higit pang ride-hailing apps nang sabay o salit-salitan, o pagiging onboard sa higit isang transport network company (TNC). Ayon sa LCSP, maaaring tumaas ang kita ng riders dahil nagbibigay ito sa kanila…
Read MorePNP PINAKILOS SA TANGKANG PAGLIKIDA SA BARMM INTERIM CHIEF
KINONDENA ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pananambang sa convoy ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua nitong Sabado sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tukuyin at papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake. Tatlong sasakyan ng convoy ni Macacua ang tinambangan ng mga armadong suspek habang bumibiyahe ito mula sa kanyang hometown sa…
Read More31,456 KATAO NANANATILI SA EVACUATION CENTERS
NANANATILI sa mga evacuation center ang 9,101 pamilya o 31,456 indibidwal dahil sa epekto ng mga pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Luis at Maymay at Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Bahagi sila ng 1.4 milyong pamilya o halos limang milyong katao na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Ayon kay Diego Agustin Mariano ng NDRRMC, umakyat na sa 23 ang bilang ng mga nasawi, kabilang ang 15 mula sa Benguet dahil sa mga pagguho ng…
Read MoreTRANSPARENT AT MALINAW NA PAGBUSISI SA 2027 BUDGET, TINIYAK
TINIYAK ni Senate President Win Gatchalian na nakatuon ang Senado sa isang napapanahon, malinaw at may pananagutang proseso sa pagbusisi sa panukalang national budget para sa 2027. “Sa pagsisimula natin sa committee deliberations sa panukalang pambansang budget sa 2027, magiging gabay ng Senado ang tiwala ng publiko, fiscal responsibility, at napapanahong pagpapatupad ng mga programa,” pahayag ni Gatchalian. Una nang na-transmit ng Department of Budget and Management (DBM) sa Senado ang 2027 National Expenditure Program (NEP). “Simple lang ang layunin natin: tiyakin na ang bawat piso ay may halaga at…
Read More