DESERVE NG BHWs NA MASUKLIAN SERBISYO NILA SA BARANGAY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO APRUBADO na sa third and final reading sa Senado, ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers (𝗕𝗛𝗪𝘀), na nagbibigay ng benepisyo at karapatan sa mga barangay health worker. Layunin ng Senate Bill No. 1905, o ang panukalang “Magna Carta of Barangay Health Workers, na mabigyan ng pagkilala, sapat na proteksyon, makatarungang benepisyo, at tuloy-tuloy na pagsasanay ang mga BHW nagsisilbing frontliner sa laban para sa kalusugan. Magandang balita ito para sa mga BHW, ngunit kailangan pa ring umasa habang hindi pa ganap na batas ang…

Read More

MARINA KINALAMPAG NG RAPIDO

RAPIDO ni PATRICK TULFO HUMINGI ng tulong sa Rapido ang ilang mga marino na hindi umano makakuha ng schedule sa MARINA (Maritime Industry Authority) para sa kanilang certification upang muling makasampa sa barko. Ayon sa reklamo, mula umano nitong August 13, 2026 ay marami na sa kanilang mga kasamahan ang hindi pa makakuha ng dokumento mula sa MARINA dahil sa umano’y cyberattack. Inamin naman ng MARINA ang nangyaring cyberattack sa kanilang database na naging dahilan upang pansamantalang makansela ang pagproseso ng Seafarer’s Identity Document (SID) at Seafarers Record Book (SRB).…

Read More

ISKO KUMIKILOS BAGO PA DUMATING ANG BAGYO: KALIGTASAN AT SERBISYO, UNANG PRAYORIDAD

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA tuwing may banta ng bagyo, hindi sapat ang paghihintay kung kailan lalakas ang ulan o kung kailan tataas ang tubig. Sa isang lungsod na gaya ng Maynila – siksikan, matao at maraming lugar na mabilis maapektuhan ng pagbaha—ang tunay na sukatan ng kahandaan ay kung gaano kabilis kumikilos ang pamahalaan bago pa dumating ang peligro. Kaya mahalaga ang direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na paigtingin ang paghahanda ng mga departamento ng pamahalaang lungsod sa harap ng panibagong sama ng panahon.…

Read More

HELP OTHERS

HOPE ni GUILLER VALENCIA PROVERBS 11:25, “The one who blesses others is blessed abundantly. Those who helps others are helped. Ang Pinoy ay may kasabihang “Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin.” Magkaugnay ang kasabihan natin at ang text sa aklat ng Kawikaan, “… who helps others are helped.” Subalit may kasabihan din, “Ang inilibing mo ay hindi maglilibing sa iyo.” Ibig sabihin lang kung tayo’y tumulong sa iba, hindi ngangahulugan na sila rin ang tutulong sa atin. Bagkus ay ang iba. Ang ang sabi nga ay walang utang…

Read More

P147.29-M HALAGA NG HINIHINALANG KONTRABANDO, NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

TINATAYANG aabot sa P147.29 milyon ang kabuuang halaga ng hinihinalang smuggled diesel fuel, sigarilyo at mga sasakyang-pandagat na nasabat ng Philippine Navy sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Western Mindanao. Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Navy ni Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., commander ng Naval Command Western Mindanao (NCWM), isang unmarked motorboat ang naharang noong Agosto 22 sa karagatang sakop ng Barangay Labuan, Zamboanga City. Natagpuan umano sa sasakyang-pandagat ang undocumented diesel fuel na tinatayang nagkakahalaga, kasama ang bangka, ng P52.27 milyon. Dalawang araw matapos…

Read More

P5.95-B PINSALA SA IMPRASTRAKTURA; 104 LUGAR NASA STATE OF CALAMITY

TINATAYANG umabot na sa P5.95 bilyon ang pinsala sa imprastraktura dulot ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay at Neneng at ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes, Agosto 27. Samantala, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 104 localities na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng Habagat at tatlong bagyo. Kabilang dito ang mga bayan ng Santa Barbara, Mangaldan, Bugallon at Mangatarem, gayundin ang Dagupan City sa Pangasinan. Nasa ilalim din ng state…

Read More

GEN. NAFARRETE BINISITA ARMY 6ID PARA SA BARMM POLL

PERSONAL na sinilip ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete ang Army 6th Infantry Division (6ID) sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao upang suriin ang security preparations at kahandaan ng mga sundalo para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na inaasahang gaganapin sa Setyembre 14. Kasama ni Gen. Nafarrete si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Donald Gumiran, na humalili sa kanya bilang Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander nang siya ay naging AFP Chief of Staff.…

Read More

WATER SYSTEM NG SJDM PATULOY NA PINAGBUBUTI: PRODUKSYON TUMAAS SA 135 MLD, REKLAMO BUMABA

SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN — PATULOY na pinagbubuti ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte ang water system ng lungsod kasabay ng iniulat na pagtaas ng produksyon ng tubig at pagbaba ng mga reklamo mula sa mga residente. Sa pangunguna ni Mayor Florida “Ate Rida” Robes, kinilala ng pamahalaang lungsod ang mga pagbabagong iniulat ng Metro Pacific Bulacan Water (MPBW), kabilang ang mas mataas na water production, mas mabilis na pagkukumpuni ng mga pipeline leak at pagbaba ng mga reklamo. Iniulat ng MPBW sa Water Forum noong Agosto…

Read More

NITA: DUMAGUETE MARKET, ‘FINANCIALLY VIABLE,’ SUPORTADO NG MGA RESIDENTE

ITINUTURING ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA) na financially viable at suportado ng mga vendor at residente ang planong ₱1.948-bilyong Dumaguete City Public Market. Ayon kay NITA Executive Director Carlos Ayala, nagsagawa ang grupo ng independent investigation at community interviews na hiwalay sa city government upang alamin ang pananaw ng mga residente hinggil sa proyekto. Lumabas umano sa assessment ang malakas na suporta sa modernization ng public market dahil araw-araw itong gagamitin ng mga vendor, consumer at residente. “Gusto ng mga tao ng development na nakikita at nararamdaman…

Read More