NAKIPAGKITA nitong Huwebes si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa 120 senior high school students mula sa Quezon City na kalahok sa 2026 NxtGen Congress ng House of Representatives. Bahagi ito ng pagsisikap ng Bagong Kongreso na ilapit ang institusyon sa mamamayan at bigyan ng mas malaking boses ang mga kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. Kasama si House Secretary General Cheloy E. Velicaria-Garafil, binisita ni Speaker Dy ang mga estudyante sa Makalintal Hall sa tatlong araw na “NxtGen Congress: Youth Voices, Nation’s Choices” Capacity Building Seminar-Workshop na…
Read MoreDay: August 28, 2026
CAMILLE VILLAR, ISINUSULONG ‘SAFE ONLINE SPACES BILL’ PARA PROTEKTAHAN ANG KABATAAN
MULING iginiit ni Senator Camille Villar ang pagsusulong ng panukalang Safe Online Spaces Act kasabay ng kanyang panawagan para sa mas matibay na proteksyon sa mga kabataang Pilipino, sa loob man ng paaralan o sa digital world. Ginawa ni Villar ang panawagan kasunod ng sunod-sunod na nakamamatay na insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga estudyante sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Hindi dapat pumapasok sa paaralan ang ating mga anak na nangangamba kung makakauwi pa ba sila nang ligtas. Ang paaralan ay dapat manatiling lugar ng pagkatuto, hindi lugar…
Read MoreMAS MAHIGPIT NA MONITORING, TARGETED AKSYON LABAN SA CHILD STUNTING, ITINUTULAK NI CAYETANO
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes ng mas mahigpit na monitoring at mas targeted na aksyon ng pamahalaan laban sa child stunting, lalo na sa pagtukoy sa mga batang nangangailangan ng agarang intervention. Ginawa ni Cayetano ang panawagan sa kanyang interpellation sa Senate Bill No. 2272 o ang Expanded National Nutrition Program Act, isa sa 24 na priority bills na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para sa 20th Congress. Ayon kay Cayetano, isa sa bawat apat na batang Pilipino ang stunted. Dahil dito, tinanong…
Read MoreAMA NG SHOOTER SA ADZU KINASUHAN NA – PNP
SINAMPAHAN na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang ama ng estudyanteng namaril sa Ateneo de Zamboanga University. Inihayag ng Philippine National Police, nakitaan ng kapabayaan ang ama ng estudyante sa pagtatago ng kanyang baril. Hindi rin nakaligtas ang isang school security personnel na haharap din sa parehong reklamo dahil sa security gaps, dahilan upang maipasok ang mga baril sa paaralan. Ayon sa PNP, maiging sinuri ng Special Investigation Task Group ang mga CCTV footage, physical at digital evidence, school records, at firearm-related evidence para makumpleto…
Read MoreBACK TO BASIC IPATUTUPAD NG SENADO SA PAGBALANGKAS NG 2027 NATIONAL BUDGET
UMARANGKADA na ang pagtalakay ng Senate Committee on Finance sa proposed 2027 national budget na umaabot sa P7.2 trilyon. Nagsagawa ng briefing ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa mga senador hinggil sa panukalang badyet. Dumalo sa pagdinig sina Finance Secretary Frederick Go, Acting Budget Secretary Kim Robert de Leon, Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. Sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Senador JV Ejercito na ipatutupad nila ang “back to basic” policy sa pagbalangkas ng…
Read MoreHOG RAISERS HINILING NA IBALIK 40% TARIFF SA IMPORTED PORK; HIGPITAN INSPEKSYON, PAGBABAKUNA LABAN SA ASF
HINIMOK ng mga hog raiser at pork producer ang pamahalaan na ibalik ang dating mas mataas na taripa sa imported pork at higpitan ang pagbebenta ng karne upang maprotektahan ang lokal na industriya at kalusugan ng mga mamimili. Sa isinagawang Pork Producers Town Hall Meeting and Solutions Seminar sa Four Seasons MOA Seaside sa Pasay City nitong Miyerkules, iginiit ng Agricultural Sector Alliance Partylist (AGAP), Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PROPORK) at Philippine Pork Council Alliance Inc. ang pangangailangang tugunan ang umano’y “over-importation” ng baboy. Ayon sa grupo,…
Read MoreSENADOR VILLAR, NANAWAGAN NG AGARANG PAGPASA NG COMPREHENSIVE SCHOOL SAFETY ACT
NANAWAGAN si Senator Mark A. Villar para sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2426 o ang panukalang Comprehensive School Safety Act, kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan na kumitil sa buhay ng mga estudyante at kawani ng paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa kanyang co-sponsorship speech, binigyang-diin ni Villar na ang bawat buhay na nasasayang ay nangangailangan ng konkreto, angkop at mabilis na tugon upang maprotektahan ang mga bata, guro at personnel laban sa karahasan sa mga paaralan. “Lubos pong nakakaalarma ang sunod-sunod na insidente ng…
Read MoreSENIOR CITIZENS’ BENEFITS ‘DI MAAANTALA — MALACAÑANG
TINIYAK ng Malacañang sa mga senior citizen na hindi maaantala ang pagpapalabas ng kanilang mga government benefits. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagresolba sa mga reklamong may kaugnayan sa P10,000 cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarian Act (ECA). Ayon kay Castro, nakarating na sa Pangulo ang mga reklamong inihain sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), kung saan inatasan niya ang mga kinauukulang ahensya na tugunan ang usapin. “Ito po ay nakarating sa…
Read More“STUPID” REMARK HINDI PAGLABAG SA SUB JUDICE RULE – LACSON
NANINDIGAN si Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi paglabag sa sub judice rule ang paggamit niya ng salitang “stupid” sa kanyang pagtatanong sa testigong si Lemuel Ortonio, assistant chief of staff ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Lacson, sumang-ayon si Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na hindi mali o offensive ang paggamit niya ng naturang salita dahil hindi tao ang tinukoy niya kundi ang mga dokumentong isinumite ng OVP bilang katwiran sa paggamit ng mahigit P500 milyon na confidential funds. Sa kanyang pagtatanong, pinagkumpara ni…
Read More