Kapag may promo fare SENIOR CITIZEN, PWD AT STUDENT DISCOUNT PINALILINAW NG LCSP

MULING iginiit ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), sa pangunguna ng pangulo nitong si Atty. Ariel Inton, ang pangangailangang linawin kung dapat pa ring ipatupad ang mga mandatoryong diskwento para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at mga estudyante kapag may promo fare sa pampublikong transportasyon. Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat ibigay ang itinakdang 20 porsyentong diskwento sa senior citizens at PWDs, gayundin ang diskwento para sa mga estudyante. Gayunman, nagtanong si Inton kung dapat pa ring ibawas ang mga diskwento…

Read More

FAKE NEWS VS PBBM, CONG. SANDRO PINAIIMBESTIGAHAN SA NBI AT PNP-ACG

DUMULOG na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang matukoy at mapanagot ang mga nagpakalat sa social media ng pekeng balitang nag-uugnay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa pagpopondo sa ilegal na droga na nasabat sa Laos. Ayon kay PDEA Spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon at hindi kailanman iniugnay ng ahensya ang mag-amang Marcos sa nasabing drug shipment. Dahil dito, humingi…

Read More

KRISIS HINDI SI VP SARA TARGET NG WHOLE-OF-GOV’T APPROACH – PCO

PINALAGAN ng Malacañang ang alegasyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nagsasagawa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng koordinadong hakbang ng pamahalaan laban sa Bise Presidente. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ginagamit ng pamahalaan ang whole-of-government approach upang tugunan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan at ng matinding El Niño, at hindi upang siraan o pabagsakin ang sinomang opisyal. “Ang gobyerno, ang pamahalaan, ang Pangulo ay ipinapatupad ang whole-of-government approach para labanan natin ang epekto ng…

Read More

13 RESPONDENTS SA PHARMALLY SCANDAL HINDI NA MATUNTON

NANANATILING mabagal ang pag-usad ng kasong plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang P11.5 bilyong kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. para sa mga suplay noong COVID-19 pandemic, matapos mahirapan ang Office of the Ombudsman na matunton ang 13 sa kabuuang 46 na respondent. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, marami sa mga respondent ang hindi na matagpuan, dahilan upang maantala ang pag-usad ng kaso. “In the case of Pharmally, there are 46 respondents. That’s why it’s taking a while. Many of them have become invisible, as if they are trying to…

Read More

HUWAG ISANGKALAN FREEDOM OF EXPRESSION SA PANGUNGUTYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI dapat gawing puhunan sa katatawanan ang kapansanan ng isang tao para lamang makakuha ng views, likes at shares. Sa panahong mabilis kumalat ang mga content sa social media, mahalagang suriin kung ang isang biro ay nakaaaliw o nakadaragdag lamang sa pangungutya at diskriminasyong nararanasan ng mga taong may kapansanan. Mainit ngayon ang publiko sa mga host ng kontrobersyal na Machong Chismisan podcast dahil sa mga birong tumukoy sa mga taong nasa autism spectrum, kabilang ang anak ni Kris Aquino na si Josh. Nagbabala ang Department…

Read More

Paano nga ba mawawala ang padrino system sa Customs?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA PAANO raw ba mawawala ang padrino system sa Bureau of Customs (BoC)? One way is to file a bill that aims to stop the padrino system. Another way, na ginawa noong 2013 ni Sen. Escudero, ay imbestigahan ang mga padrino ng mga korap na opisyal ng Aduana. Senate President Sherwin “Win” Gatchalian, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Chiz Escudero, Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo your honors please, baka nais n’yo pong umpisahan ulit ang imbestigasyon laban sa mga padrino…

Read More

SERBISYONG MAY KONKRETONG RESULTA, EDUKASYON AT KABUHAYAN ANG ISINUSULONG NI CONG. ODIE TARRIELA

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lamang sa pangako nasusukat ang isang lingkod-bayan, kundi sa mga programang naipatutupad at pagbabagong nararamdaman ng mamamayan. Sa Occidental Mindoro, kapansin-pansin ang mga inisyatibong isinusulong ni Cong. Odie Tarriela para sa edukasyon at kabuhayan. Isa sa mga ito ang Cash-for-Work program na nakinabang ang 2,781 indibidwal mula sa Mamburao, Abra de Ilog, Paluan, Sta. Cruz at Sablayan o MAPSSA. Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga katutubong Mangyan. Mahalaga ring kilalanin ang pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at mga lokal…

Read More