HINDI makatarungan para sa mga Pilipinong konsyumer na wala man lang silang kamalay-malay, lumobo na pala ang singil sa kanila sa kuryente. Ito ang naging pahayag ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Erwin Tulfo bilang pagtugon sa sunod-sunod na reklamo ng mga konsyumer na nabigla sa pagtaas ng kanilang bayarin sa kuryente dahil sa bill deposit. “Malinaw sa reaksyon ng ating mga kababayan na sila nabigla at tila naisahan sila sa pagtaas-singil na ito. Ang pagbabayad ng kuryente ay parte na ng buwanang gastusin, kaya kapag may ganitong mga…
Read MoreDay: October 25, 2026
MAS TRANSPARENT NA DELIBERASYON SA 2027 BUDGET, IGINIIT
ISINUSULONG ni Senador Panfilo Lacson na gawing mas malawak ang transparency sa pagtalakay sa panukalang 2027 national budget. Sinabi ni Lacson na dapat tuloy-tuloy ang streaming kahit nakasuspinde ang deliberasyon partikular na sa bicameral conference committee o bicam. Kasabay nito, nanawagan din si Lacson na bawasan ang mga suspensyon sa deliberasyon ng bicam, dahil maaari itong magbigay ng pagkakataon sa mga mambabatas na mag-usap nang palihim, malayo sa abot ng mga camera. “Sa bicam naman, panay suspend. Pag suspend, bulungan sa isang corner, hindi covered ng media. So I’d like…
Read MoreNPC NANAWAGAN NG HUSTISYA AT DUE PROCESS PARA SA BETERANONG MAMAMAHAYAG NA SI PHILIP LUSTRE JR.
NANAWAGAN ang National Press Club (NPC) sa mga kinauukulan na tiyakin ang due process sa kaso ng beteranong mamamahayag, awtor at kolumnistang si Philip Lustre Jr., 72, matapos siyang arestuhin noong Sabado ng hapon, Oktubre 24, sa Quezon City. Ayon sa NPC, inaresto si Lustre matapos dumalo sa isang pampublikong media forum, batay sa warrant na inilabas ng korte sa Davao City kaugnay ng kasong cyber libel. Nagpahayag ng pagkabahala si NPC President Mina Navarro sa paraan ng pag-aresto, lalo na sa mga ulat na hindi umano nabigyan si Lustre…
Read MoreGOV’T AGENCIES BINALAAN SA PAG-AALOK NG PONDO SA MGA MAMBABATAS
BINALAAN ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang mga ahensya ng gobyerno laban sa umano’y garapalang pag-aalok ng pondo sa mga senador, kasunod ng pagsisiwalat niya sa isang alok na P5 milyong “allocation fund” na iniugnay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Inatasan din ni Lacson ang kanyang staff na ibigay kay TESDA Secretary Jose Francisco Benitez ang lahat ng impormasyong hawak nila tungkol sa naturang alok upang makatulong sa isinasagawang internal investigation ng ahensya. “They didn’t know me, now they do. Huwag ganoon katapang. Ang tapang-tapang mag-offer. E…
Read MoreJonvic ipinatawag ni Marcos Jr. ‘NATAKASAN’ NI ATONG ANG
HINDI muna isisiwalat sa publiko ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang napag-usapan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla hinggil sa ulat na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na itinuturong utak sa pagkawala ng ilang sabungero. Ayon kay Castro, hindi niya maaaring ibunyag ang mga detalye ng kanilang pag-uusap, gayundin ang mga operasyong isasagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang law enforcement agencies.4;[ “Sa ngayon…
Read MoreSOLAR IRRIGATION PROJECTS NILARGA SA LEYTE
PERSONAL na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes ang isa sa dalawang solar-powered irrigation project sa Leyte upang mapababa ang gastos sa patubig, mapataas ang ani at matulungan ang mga magsasaka na makapaghanda sa inaasahang epekto ng El Niño. Sa inagurasyon ng Tugbong Solar Pump Irrigation Project (SPIP) sa Barangay Tugbong, Kananga, Leyte, sinabi ni Pangulong Marcos na pinabibilis ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga pasilidad sa irigasyong pinapagana ng solar upang matiyak ang maaasahan at abot-kayang suplay ng tubig sa gitna ng banta ng matinding tagtuyot…
Read More38-PIYANG CHRISTMAS TREE, TAMPOK SA CHRISTMAS CENTERPIECE NG SM CITY MARILAO
OPISYAL nang inilunsad ng SM City Marilao ang Christmas centerpiece nito noong Oktubre 23, 2026, tampok ang makukulay na dekorasyon at masasayang pagtatanghal bilang pagsalubong sa kapaskuhan. Tampok sa atraksyon ang “Super Sparkly March of the Merry,” isang palabas na nagtatampok ng makikinang na ilaw, matingkad na mga kulay at masayang himig na naglalayong maghatid ng diwa ng Pasko sa mga mallgoer sa lahat ng edad. Sentro ng dekorasyon ang isang 38-talampakang Christmas tree na napalilibutan ng makukulay na palamuti at may higanteng dichroic ribbon na nagbabago ang kulay depende…
Read MoreMGA MANGGAGAWA SA CALABARZON, UMAPELA LABAN SA “LUBHANG KULANG” NA UMENTO SA SAHOD
NAGHAIN ng apela ang mga samahan ng mga manggagawa sa pangunguna ng sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino–Southern Tagalog (BMP-ST) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB 4A-Calabarzon) sa Lungsod ng Calamba nitong Lunes, kasunod ng pagpapasya ng lupon na magpatupad ng P25 hanggang P45 na dagdag sa minimum na sahod simula Oktubre 26. Sa ilalim ng kautusan sa sahod, itinakda ang P45 na umento para sa mga manggagawa sa mga component city at pinalawak na metropolitan area, P40 sa mga first-class na munisipalidad, at P25 sa mga munisipalidad na…
Read MoreUhuging tuta na lamang ba ang ilang MSM?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NGAYON lamang sa panahong ito na ang mainstream media (MSM) ay hindi nahihiya na ipakita ang busal sa kanilang bibig. Kahit ano pang kabulastugan, kahihiyan, kabulukan at kataksilan sa bayan ng ilang mga tao sa gobyerno, tikom na tikom ang bibig, mulat na mulat ang mga mata, pero walang nakikita, at hindi naman bingi, pero, mandin ay walang naririnig na reklamo, daing at hinagpis ng taumbayan. Watchdog ang tawag sa media, ibig sabihin, bantay ng bayan laban sa kabulukan at katrayduran ng mga taong…
Read More