BINIGYAN ng Pilipinas ng pagkakataon ang mga mambabatas mula sa Timog-Silangang Asya na makinig sa isa’t isa, talakayin ang kanilang mga hindi pagkakasundo at maghanap ng mga puntong mapagkakasunduan sa idinaos na ika-47 Pangkalahatang Asembleya ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) sa Maynila. Sinabi ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, pangulo ng AIPA at namuno sa asembleya, sa seremonya ng pagsasara nitong Biyernes na ang kanyang apo ang nagbigay sa kanya ng natatanging paglalarawan sa ugnayan ng mga parliyamento sa rehiyon: “SEAblings,” o magkakapatid sa Timog-Silangang Asya. “Magkakapatid tayo…
Read MoreDay: November 22, 2026
DAPAT BANG BIGYAN NG MALISYA?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng umiinit na sigalot ng Pilipinas at China dahil sa usapin ng teritoryo, tila kahit iyong simpleng pagpili ng awitin ay maaari nang pagmulan ng kontrobersiya. Ito ang nangyari nang piliin ng China ang klasikong awiting Pilipino na “Anak” bilang tugtog sa pagpasok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa red carpet sa gala dinner ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China. Inintriga ito ng ilang netizens na nagbigay ng samu’t saring haka-haka sa social media. May mga nagtatanong kung bakit…
Read MoreISKO, BITBIT ANG MAYNILA SA PAGHUBOG NG KINABUKASAN NG ASEAN!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lamang karangalan para sa Maynila ang maging punong-abala sa 2026 ASEAN Governors and Mayors Forum (AGMF) at Meeting of the Governors and Mayors of ASEAN Capitals (MGMAC). Isa rin itong patunay na kinikilala ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa paghubog ng kinabukasan ng rehiyon ng Southeast Asia. Sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matagumpay na natipon sa Maynila ang mga gobernador at alkalde mula sa iba’t ibang bansa sa ASEAN upang pag-usapan ang mga konkretong hakbang tungo…
Read MorePONDO PARA SA ILOCOS NORTE IDINEPENSA NI CONG. SANDRO MARCOS, PARA ANIYA ITO SA SERBISYO SA TAUMBAYAN
TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI nagpatinag si Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos sa mga batikos kaugnay ng panukalang malaking alokasyon ng pondo para sa lalawigan sa 2027 national budget. Para sa kongresista, hindi pa rin sapat ang pondong inilaan kung ikukumpara sa dami ng proyektong matagal nang hinihintay ng mga taga-Ilocos Norte. Sa pagbisita niya sa mga barangay sa Laoag City kamakailan, tiniyak ni Marcos na patuloy niyang ipaglalaban ang mga proyektong makatutulong sa kanyang mga kababayan. Hindi rin naman maikakaila na maraming hamon ngayon ang kinakaharap…
Read More