NANANATILI sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy nitong aktibidad, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Nobyembre 20.
Iniulat ng Phivolcs ang tatlong volcanic earthquake at dalawang rockfall event mula sa tuktok ng bulkan. Namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga nito.
Dahil dito, muling nagbabala ang ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ).
Kabilang sa mga panganib sa lugar ang pagguho ng bato, landslide, pag-agos ng lava, mahinang pagsabog at lahar flow kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan.
(PAOLO SANTOS)
27 