NASAWI ang isang site engineer matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan nitong Biyernes ng umaga sa Davao City.
Kinilala ang biktima sa alyas na Engineer Arv, residente ng Pigcawayan, North Cotabato at nagtatrabaho sa isang construction company.
Batay sa ulat ng pulisya, galing ang biktima sa kanilang bunkhouse at nagmamaneho na ng kanyang sasakyan nang bigla siyang pagbabarilin dakong alas-8 ng umaga.
Sa paunang imbestigasyon, anim na tama ng bala ang tumama sa pintuan ng sasakyan ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng nasa likod ng pamamaril.
(TOTO NABAJA)
34 