SUPORTA NG U.S. SA PAGPAPALAKAS NG DEFENSE CAPABILITY NG PILIPINAS, IKINAGALAK NG AFP

MALUGOD na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kakayahan ng militar ng Pilipinas, kasunod ng pag-apruba sa mahigit $5 bilyong karagdagang pondo para sa pagbili ng mga armas at pagpapalawak ng military financing.

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang mga kasunduang nagkakahalaga ng $17 bilyon at mga pamumuhunan para sa mga kumpanya ng Amerika kasunod ng kanyang pagbisita sa Pilipinas para dumalo sa ika-49 na ASEAN Summit.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na makatutulong ang naturang suporta sa patuloy na modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa pagpapaunlad ng isang credible defense posture.

“We appreciate the continued support of the United States in strengthening the AFP’s capabilities,” pahayag ni Padilla.

Dagdag niya, ang mga ganitong uri ng tulong ay makatutulong sa modernisasyon ng militar at sa pagsisikap nitong bumuo ng isang mapagkakatiwalaang kakayahan sa pagtatanggol.

Nilinaw rin ni Padilla na ang anumang pagbili ng kagamitan ay daraan sa nararapat na pagsusuri at proseso ng procurement, batay sa pangangailangan ng operasyon at mga prayoridad sa pambansang depensa.

Ayon sa AFP, patuloy nitong pinatitibay ang kakayahang ipagtanggol ang soberanya at teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon ng mga armas, sistema ng pagsubaybay at iba pang kagamitang pandepensa.

(JESSE RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment