INIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang 70 social media posts na umano’y nag-uudyok sa publiko na manggulo sa kasagsagan ng ASEAN Summit.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, tinutukoy na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal o grupong nasa likod ng naturang mga post.
Sinabi ni Co na naglalaman ang mga mensahe ng mga post ng panghihikayat sa publiko na magtungo sa mga kalsada at gumawa ng karahasan.
Kapag natukoy ang mga responsable, maaari silang maharap sa mga kasong paglabag sa mga sumusunod:
Article 142 o Inciting to Sedition ng Revised Penal Code; Article 154 o Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances ng Revised Penal Code; at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
(TOTO NABAJA)
36 