PONDO PARA SA ILOCOS NORTE IDINEPENSA NI CONG. SANDRO MARCOS, PARA ANIYA ITO SA SERBISYO SA TAUMBAYAN

TARGET ni KA REX CAYANONG

HINDI nagpatinag si Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos sa mga batikos kaugnay ng panukalang malaking alokasyon ng pondo para sa lalawigan sa 2027 national budget. Para sa kongresista, hindi pa rin sapat ang pondong inilaan kung ikukumpara sa dami ng proyektong matagal nang hinihintay ng mga taga-Ilocos Norte.

Sa pagbisita niya sa mga barangay sa Laoag City kamakailan, tiniyak ni Marcos na patuloy niyang ipaglalaban ang mga proyektong makatutulong sa kanyang mga kababayan.

Hindi rin naman maikakaila na maraming hamon ngayon ang kinakaharap ng mga ordinaryong pamilya. Kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, banta ng El Niño at epekto ng kaguluhan sa Middle East.

Aminado si Marcos na hindi kontrolado ng mga lokal na opisyal ang lahat ng nangyayari sa bansa at sa mundo. Ngunit ang kaya nilang gawin ay tiyaking tuloy-tuloy ang tulong na nakararating sa mga nangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit iginiit niyang tungkulin niyang ipaglaban ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan, hindi lamang sa Kongreso kundi maging sa national government.

May punto rin ang kanyang tanong kung bakit niya babawasan ang pondong nakalaan sa sariling lalawigan gayong marami pang pangangailangan ang dapat tugunan. Hindi naman dapat agad ituring na sobra ang isang alokasyon kung may mga proyektong matagal nang hindi naisasakatuparan dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Marcos, matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ang ilang pangangailangan ng Ilocos Norte dahil sa maliit na populasyon nito kumpara sa ibang lalawigan.

Sa ngayon, nakikita niya ang pagkakataong maisulong ang mga proyektong hindi nabigyan ng sapat na pondo noon.

Kabilang sa mga nais niyang maisakatuparan ang paglalagay ng street lights sa mga bahagi ng Laoag City, pagtatayo ng multipurpose buildings, pagkumpleto ng covered courts at pagpapatuloy ng tulong pinansyal sa mga residente. Aba’y kasama rin dito ang mga proyektong maaaring direktang mapakinabangan ng mga barangay at pamilyang nangangailangan ng suporta ng pamahalaan.

Maging si Laoag City Mayor Bryan Alcid ay nagpahayag daw ng pangamba na hindi pa rin sapat ang pondong nakapaloob sa panukala upang matugunan ang lahat ng kanilang hinihinging proyekto. Ibig sabihin, hindi natatapos sa paglalaan ng pondo ang trabaho. Kailangan pang tiyakin na maisasama sa budget ang mga prayoridad at maipatutupad ang mga ito nang maayos.

Siyempre, karapatan ng publiko na kuwestiyunin ang laki ng bawat alokasyon at alamin kung saan ito gagamitin. Kaakibat ng paghingi ng mas malaking pondo ang obligasyong tiyakin ang tamang paggastos at malinaw na resulta.

Sabi nga, ang mahalaga ay hindi kung gaano kalaki ang pondong naipaglaban kundi kung gaano karami ang proyektong natapos at pamilyang natulungan.

At para kay Cong. Sandro Marcos, malinaw ang kanyang pangako: ipagpapatuloy niya ang paghingi ng suporta ng national government para sa Ilocos Norte at hindi bibiguin ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga kababayan.HINDI nagpatinag si Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos sa mga batikos kaugnay ng panukalang malaking alokasyon ng pondo para sa lalawigan sa 2027 national budget. Para sa kongresista, hindi pa rin sapat ang pondong inilaan kung ikukumpara sa dami ng proyektong matagal nang hinihintay ng mga taga-Ilocos Norte.

Sa pagbisita niya sa mga barangay sa Laoag City kamakailan, tiniyak ni Marcos na patuloy niyang ipaglalaban ang mga proyektong makatutulong sa kanyang mga kababayan.

Hindi rin naman maikakaila na maraming hamon ngayon ang kinakaharap ng mga ordinaryong pamilya. Kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, banta ng El Niño at epekto ng kaguluhan sa Middle East.

Aminado si Marcos na hindi kontrolado ng mga lokal na opisyal ang lahat ng nangyayari sa bansa at sa mundo. Ngunit ang kaya nilang gawin ay tiyaking tuloy-tuloy ang tulong na nakararating sa mga nangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit iginiit niyang tungkulin niyang ipaglaban ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan, hindi lamang sa Kongreso kundi maging sa national government.

May punto rin ang kanyang tanong kung bakit niya babawasan ang pondong nakalaan sa sariling lalawigan gayong marami pang pangangailangan ang dapat tugunan. Hindi naman dapat agad ituring na sobra ang isang alokasyon kung may mga proyektong matagal nang hindi naisasakatuparan dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Marcos, matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ang ilang pangangailangan ng Ilocos Norte dahil sa maliit na populasyon nito kumpara sa ibang lalawigan.

Sa ngayon, nakikita niya ang pagkakataong maisulong ang mga proyektong hindi nabigyan ng sapat na pondo noon.

Kabilang sa mga nais niyang maisakatuparan ang paglalagay ng street lights sa mga bahagi ng Laoag City, pagtatayo ng multipurpose buildings, pagkumpleto ng covered courts at pagpapatuloy ng tulong pinansyal sa mga residente. Aba’y kasama rin dito ang mga proyektong maaaring direktang mapakinabangan ng mga barangay at pamilyang nangangailangan ng suporta ng pamahalaan.

Maging si Laoag City Mayor Bryan Alcid ay nagpahayag daw ng pangamba na hindi pa rin sapat ang pondong nakapaloob sa panukala upang matugunan ang lahat ng kanilang hinihinging proyekto. Ibig sabihin, hindi natatapos sa paglalaan ng pondo ang trabaho. Kailangan pang tiyakin na maisasama sa budget ang mga prayoridad at maipatutupad ang mga ito nang maayos.

Siyempre, karapatan ng publiko na kuwestiyunin ang laki ng bawat alokasyon at alamin kung saan ito gagamitin. Kaakibat ng paghingi ng mas malaking pondo ang obligasyong tiyakin ang tamang paggastos at malinaw na resulta.

Sabi nga, ang mahalaga ay hindi kung gaano kalaki ang pondong naipaglaban kundi kung gaano karami ang proyektong natapos at pamilyang natulungan.

At para kay Cong. Sandro Marcos, malinaw ang kanyang pangako: ipagpapatuloy niya ang paghingi ng suporta ng national government para sa Ilocos Norte at hindi bibiguin ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga kababayan.

361

Related posts

Leave a Comment