MASWERTENG nahulaan ng isang mananaya ang winning combination sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi at naiuwi ang jackpot prize na ₱26,912,539.06.
Sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi nitong ang nanalong kombinasyon ay 15-40-08-34-23-10.
Nasa 35 mananaya naman ang nakakuha ng limang tamang numero at mag-uuwi ng tig-₱31,428.57.
Nabili ang masuwerteng tiket sa isang lotto outlet sa Davao del Sur.
Isinasagawa ang Lotto 6/42 draw tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
(TOTO NABAJA)
24 