24/7 PAMAMAHALA, BUSINESS-FRIENDLY NA KLIMA IBABALIK SA MAYNILA

NAKATULOG nang mahimbing ang mga residente sa kapitolyo ng bansa sa katiyakan na ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay nagtatrabaho sa lahat ng oras upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa ilalim ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tumatakbo muli sa pagka-alkalde ng lungsod.

Nangako si Domagoso na bubuhayin ito habang tiniyak niya sa mga may-ari ng negosyo na ibabalik ang kanyang hands-on na istilo ng pamamahala, at lokal na pamahalaan na walang tigil 24/7.

“Ibabalik ko ang gobyerno na hindi natutulog,” aniya sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) noong Martes.

“For the first time, nakakita kayo ng mayor na 1AM hanggang 3AM nag-iikot pa sa lungsod ng Maynila to make our people feel, habang natutulog sila sa kanilang pamamahay, may gobyerno sa lungsod ng Maynila, 24 oras sa minamahal nating kapitolyo,” dagdag pa niya.

Ang dating punong ehekutibo ng kabisera ng bansa ay nakakuha ng malawak na suporta sa kanyang gabi-gabi na sorpresang inspeksyon sa mga istasyon ng pulisya, ospital at pampublikong parke ng lungsod. (JOCELYN DOMENDEN)

38

Related posts

Leave a Comment